"Nakakainis ang mga matatandang kinukumpara ang dating henerasyon sa ngayon. Kesyo ang kabataan daw ngayon mapupusok. Dati naman daw ay hindi."
Gabi sa bahay ni Barbara. Natapos ang katahimikan na namamagitan sa kanila ng mga kasama niya sa bahay nang magsalita siya tungkol sa mga matatanda. Napapangiti na lang ang mga kasama niya.
"Pero alam niyo. May napapansin akong ganung mga kabataan. Pero sa tingin ko ay hindi naman lahat. Nilalahat kasi nila eh," ang sabi ni Barbara.
"Bakit ka naman kasi nagagalit kung nilalahat nila?" tanong ng isa niyang kasama sa bahay habang nakangiti ng nakakaloko. Inirapan siya ni Barbara para malaman na hindi nakakatawa ang joke niya.
"Eh kasi po. Nakakapressure. 'Wag nilang lahatin dahil baka mamaya ay maniwala ako at ako na lang pala ang may hawak ng V. Baka makita niyo ako mamayang gabi may kasama na sa kama," diretsong sabi ni Barbara.
Napangiti siya sa kanyang naisip. Pinunta niya ang tingin sa suot niya. Maikling shorts at sleeveless na damit. Tamang tama, may kakabukas na bar na malapit lang sa kanila. Tumayo siya at tinungo ang pinto. Pero pinigilan naman siya ng mga kasama niya sa bahay.
"Lola, saan po kayo pupunta? Baka po mahamugan kayo!"
"Hindi pa ako lola. Nasa unahan lang siya ng pangalan ko since birth," sabi ni Barbara
BINABASA MO ANG
Meron akong Kwento! (Chika mo sa Pagong)
De TodoKompaylasyon ng mga dagli (below 500 words) na sinulat sa dingding ng banyo, sa likod ng kwaderno, sa ilalim ng bangko, at sa ulo ng panot na guro.