BTS 6

10 2 0
                                    


Third Person's Point of View

Abala na ang Break the Silence also known as BTS sa Pagpa-practice ng mga Dance Moves. Maayos na ang Stage at ang mga Pasabog nila.

"Okay Guys. We only have 9 Hours, tapos magpe-perform na kayo mamaya. I suggest na magbihis na muna kayo at Kumain, then Magpa-ayos na kayo habang natutulog. Kami na ang gigising sa Inyo siguro after 5 hours para makapagpractrice na kayo." Napatango ang lahat sa sinabi ng Manager, excite na sila sa Mangyayari, alam kasi nilang marami silang Fans dito sa Pinas, since ito naman talaga ang Pangalawang Home Country nila.

"Okay Guys! Come on up! 4 hours na lang." Sigaw ng CEO ng Entertainment nila. May pagka supportive ang CEO ng Company na sakop sila, bukod sa sikat sila kaya sinusuportahan ng CEO ay dahil rin naman sa sila ang unag Boy Group na nabuo nila.

'Hindi na kita papakawalan. Sa muli nating pagkikita.' sa Isip ni Trione.

Flashback

"I got it! Hyung! I got it! Alam ko na ang pangalan niya!" Sigaw nito na animo'y nanalo sa Lotto.

"What? Weh? How?!"

Itinuro ni Grey ang isang Parte ng Papel. May ispasyo ito at Nanghawakan niy ay may Bakat. "Hyung, tingnan mo gamit 'tong salamin." Utos nito na agad niyang isinunod. Nanlaki naman kaagad ang mga mata niya. Dahil may mga Nakaukit na letra dito.

"Shoot!" Pasinghal niyang sabi nang malaman na ang pangalan ng babae.

Tracey's Point of View

4 hours na lang Magco-concert na, grabe kasi ang Traffic ngayon dito sa Manila walang awat kahit umaga. Parang wala ng Usad, kung pwede ko lang lakarin yung Araneta eh. Hawak ko ngayon anbg ireregalo ko kay Trione na may Sulat sa na nakaipit, iniisip ko pa lang na mababasa niya 'to kinikilig na ako.

Idiniretso ko ang Mata ko mula sa Signal, nagkulay berde na ito. Kaya't nagmaneho na ako ng Mabilis.

Mga ilang sandali lang ay narating ko na rin ang Araneta, ang ingay na ng mga tao. Pasalamat na lang ako at naka-VIP ako, ibig-sabihin malalapit ako sa kanya. Hihihi.

Inilibot ko ang tingin ko sa Parking, nag-park ako sa Pinakamadalas pag-parkan ng mga Artista, Hah! Meron kaya akong VIP card dito sa Araneta. You know? Connections.

Bumaba na ako sa Sasakyan ko, at lumabas muna tutal ay matagal pa naman ang Concert.

Ang daming dumadaan na sasakyan, ibig-sabihin ay maraming tao, pero kahit ganun hawak ko pa rin ang Pink na super mario. Ayokong iwanan 'to sa Kotse ko gusto kong kumapit ang natural na amoy ko rito, para pagyinakap niya parang yakap niya na rin ako. Hahaha.

Palinga-linga lang ako sa Paligid, wala akong ibang magawa kundi ang paglaruan ang kamay ng Laruan na ito. Hindi ko rin maiwasang mapangiti, makikita ko na rin siya. For the first time!

"BTS!!!" napalingon ako sa mga taong nagsisigawan, nanlalaki ang mga mata ko, kung hindi ako nagkakamali, maaring ito ang Sasakyan nila.

Kaya't tumakbo na ako, ayan na at pababa na sila. Ilang hakbang na lamang ang hakbang ko habang yakap yakap ko ang Super Mario ay Bigla na lang akong nakaramdam ng Pagkamanhid sa aking gilid.

"Hala!" Sigaw ng karamihan.

Third Person's Point of View

Umalingawngaw ang mga reaksyon ng mga tao, may babaeng nakahandusay sa Sahig at parang pinaliguan ng Dugo ang katawan. Para itong lantang bulaklak na tinapaktapan marahil sa kanyang karumal-dumal na Itsura.

Nabangga ito ng isang Van, malakas ang naging imapact ng Pagkakabangga sa braso niya, kaya't hindi napigilang ito'y tumumba sa mabatong lugar.

"Tumawag kayo ng Ambulansiya!!!" Sigaw ng isang babae. Nanginginig itong pumunta sa tabi na babae. "Hey! Hey! Tracey! Gumising ka!" Sigaw nito.

Reaching StarWhere stories live. Discover now