BTS 1

66 5 10
                                    

Tracey Jane Questas

"Mom, isn't to early for me to be in a relationship?" Tanong ko sa kanya, all this time kasi dito sa baguio palagi niya akong tinatanong kung may nanliligaw na ba sakin or may nata-typan na raw ba ako. Madalas niya pang sabihin na magboyfriend na daw ako.

"No, you're already 18, legal ka na!" She said, I just let out a soft chuckle. I knew it, she's trying to piss Dad. Si dad kasi ay Strict, pero hindi naman sa nakakasakal na paraan. Palagi niya akong sinasabihan dati na wala pa raw ako sa legal age ko kaya bawal pa ang boyfriend.

"Oo nga mag boyfriend ka na." Ikinagulat ni Mommy ang narinig niya, well ako rin naman eh. Dad is the one who said it, so nagulat kami, si Kuya naman ay tumatawa tawa lang.

His name is Terrence Joshua, he's handsome. Of course he should be, ang gaganda ng lahi namin eh, and also he's 2 years older than me, he's sweet and lovable.

"Oh come on! Youre trying to piss each other off. Duh! Halata kaya!" Sabi ni Kuya, natawa naman kami sa kanya, nag Duh! Pa talaga eh.

"Okay, Mom una na po ako." Pagpapaalam ko. Ang main purpose ko talaga ay paringgan si Kuya na ang bagal kumilos, I can't go to school without him. Syempre siya ang naghahatid sa akin eh.

"Okay mauna ka na." Tsk, nanginis pa. Nginisihan ako ni Kuya pagkatapos niyang sabihin yun. He's always making me late, well pareho kaming late naman eh.

"Ay! Wait kuhanin ko lang yung scarf ko." Sabi ko sabay akyat sa kwarto ko. I should really wear a scarf it's so cold here, kung hindi ka sanay sa temperatura dito, well good luck!

"Oh Tara na!" Sabi ni Kuya. Bumaba na ako, at dinala ang hinagilap ang Lip balm ko na Strawberry flavor. Hindi ako naglalagay nito para maka-attract, nagsusuot ako kasi malamig talaga ang panahon ngayon, it's ber months, and ang lamig ng paligid. So, kapag malamig nagbabalat ang Labi ko. And also, favorite ko ang strawberry kaya naglalagay ako.

"Let's go." Mahina kong sabi sa kanya. Pero bago kami umalis tumungo muna kami sa kinaroroonan nila Mom and Dad, kiniss ko si Mama sa Pisngi at ganun rin kay Papa.

"Tracey, bakit ba ang Maria Clara mo?" Tanong ni Kuya sa akin sa loob ng kotse.

Maraming nagsasabing mahinhin ako at mahinahong kumilos, pero hindi ko naman ito napapansin, kasi feeling ko I'm acting natural. And it means natural na Maria Clara ako

"Hindi ako Maria Clara, mahinhin lang akong magsalita!" Sagot ko. Pero kahit ganun nakakproud pa rin nakakababaeng pakinggan.

"Oh? Is that so? Okay." Sunod sunod niyang sabi.

"Pero Kuya, kumusta na kayo ni Kyra?" Pangiinis ko sa kanya. Kyra is his Enemy in terms of Inisan, bilib nga ako dun kay Kyra eh, sobrang mapangbara niya at maganda pa. Pero kahit nagiinisan sila I think mag Wo-work yun. Darating na lang ang isang araw na marerealize nila sa isa't isa na they love each other. Iyan ang imagination ko.

"Tss. Ganun pa rin." He just said. Napatawa ako ng mahina, alam kong deep inside pinipigilan niyang ipahalata ang inis niya. I know him, and not just him, alam ko ang kilos ng tao. I don't feel what they feel, but I can see how they act when they're feeling something. I'm not a psychologist, pero ganto na talaga ako.

Tumingin muna ako sa Wind shield, hindi ko maipagakakaila na napakaganda dito sa Baguio, it's so peaceful here, ang ganda ng paligid. Napaka green ng lugar, napaka raming Puno tapos makikita mo na puro pader ang paligid na may nakadikit na Dahon dahon. Huminga ako ng Malalim, at saka ako ngumiti. I don't but I just feel to smile.

So nandito na kami sa School, it's not simple I admit it. May pagka bongga 'tong School.

Bumaba na kami, nakashades pa si Kuya. Sabagay maganda ang sikat ng araw tamang tama sa Lupa.

"Ihahatid na kita." Sabi ni Kuya, tumango na lang ako. Habang naglalakad kami, ramdam ko ang titig ng iba samin. Pero ang iba naman ay Abala sa pakikipagusap.

"Bye." Sabi ko kay Kuya sabay halik sa pisngi niya.

"Hi Tracey! Long time no see huh!" Pagkapasok niya pa lang ay sinalubong na ako ng ingay ng kaibigan kong si Labrine. 4 years pa lang silang magkaibigan, pero malalim na ang aming samahan, dahil bukod sa kanya ay wala na akong ibang matalik na kaibigan.

"Hi rin." Matipid na salita ko sa kanya. Minsan may pagkatamad akong magsalita at minsan rin naman ay napakasipag ko para bang hindi ko na ito mapigilan.

"Pero nabalitaan mo na bang Pupunta rito ang paborito mong Kpop Group." Napaigtad ako ng marinig ko ang sinabi niya, alam kong hindi niya gusto ang mga lalaki sa Korea, pero kahit papaano ay sinusoportahan niya ako.

"Ha? Talaga? Pano mong nalaman?" Sunod sunod kong tanong sa kanya. Tinaasan niya ako ng kilay at Kinuha ang phone niya.

"Nakita ko sa Fb, actually ini-screenshot ko nga eh." Sabi niya, dali dali kong kinuha ang Cellphone niya mula sa kanya, at tinungo ang Gallery. Hinanap ko sa albums ang litrato at sa wakas ay nakita ko rin.

"Oh my Gosh!" Natuptop ko ang bibig ko sa pagkaexcited, oh my gosh! I didn't expect this to happen! Well, dahil nga may pakamisteryoso ang boy group na sinusuportahan ko. Biglaan ang mga ganap ganap nito, kaya siguro't hindi ako gaanong nainform sa Concert nila.

"O'. Easy ka lang!" Sabi niya pa, dahil sa kakapigil ko ng tawa, pinadyak padyak ko na lang ng mabilis ang paa ko, nakasanayan ko na ito, marahil naman ay nakasanayan ko na ring kiligin.

"Shemay! Ano ba 'to!" Sigaw ko. Dala ng sobrang kilig.

"Shet! Shet! Shet! Ibukas niyo yung TV!" Pumaasok na ang Adviser naming may pagakaprangka, kagaya ko ay mahilig rin siya sa Kpop. Actually close kami, at madalas sinasaksakan niya ng Korean Cable 'tong TV, para makapanuod ng Live Korean Dramas, and Kpop Music Banks, or awards. At sa tingin ko iyun nga ang gagawin niya ngayon.

"Maam! Ano na naman bang kapabibuhan yan?" Tanong ko sa kanya, tutral ay nasa harap na naman ako kaya hindi narinig ng nasa likod ko. Bakas sa mukha niya ang pagkaaligaga. Ano kayang nangyayari?

"Hoy Pabibs! Yung BTS may Live dalian niyo takpan niyo yung bintana, saka i-lock niyo yung pinto." Sabi niya. Oh ma Gash talaga may Live? Talaga nga namang swerte ako ngayon!

"Oh my Bangs! Si Prefect niyong Alamazan, ikulong niyo sa Office niya at baka mawala ako ng dis-oras rito." Nagaya na naman ako, line ko yang 'oh my bangs' na yan eh, meron akong bangs na One sided, naka-clip ito kaya hindi halata, tinatago ko ito dahil bukod sa akin ay wala ng iba pang nakakaalam nito.

"Oh iyan na! Halatang excited 'tong si Questas eh!" Sabi ni Maam, tumawa naman kami sa loob.

"Oh em Geeeeee! Iyan na!" Mahinang sabi ko. Nakatitig lang ako sa Pagbukas ng Telebisyon, maya maya ay lumitaw na ang mga members ng Paborito kong Kpop group, hindi ko inalintana ang Ingay na ginagawa ng aming mga kaklase, basta ako ay nakatingin lang sa TV at inaantay ang mga susunod na pangayayari.

"Heyo! Heyo! Heyo! Itahimik niyo yang mga bunganga niyo!" Sigaw ni Maam. May sayad yata talaga 'to, masyado siyang Fan.

"Oh okay. Break the Silence, also known as BTS. Can you tell us the theme of your up coming Album."

"Oh well I'm sorry but it's a Surprise. So we can't tell them this time, I'm sorry."

"Ohh is that so? So okay, do you guys... Dating a girl?" Alangan namang sumagot ya ng Meron, duhh! Kokonti kaya kami pag ginawa nila yun.

"Uhmm, dating is not our thing. But we'll do that, at the right time."

Okay, natapos ang araw ko ng nakakakilig, biruin mo unang araw may pa-BTS na.




------
@CrazyUniquePink
2017

Reaching StarWhere stories live. Discover now