CHAPTER 1

4.4K 87 0
                                    

Richard's POV:

Captain: "Request permission to climb level 3-5-0."

Air Traffic Controller (ATC): "Flight 143, climb level 3-5-0."

First Officer (F/O): "Flight 143, level 3-5-0."

Habang papaakyat ng 35,000 feet ang eroplano, nagkaroon ng malakas na pagsabog sa bandang likuran nito at agad na nagkaroon ng decompression at pagkatapos ay nag-drop down automatically ang mga oxygen masks.

Captain: "What was that?"

F/O: "There must be an explosion, captain. Squawk 7700?"

Tumango ang kapitan at agad na ni-input nito sa kanilang transponder ang Squawk 7700 na ang ibig sabihin ay emergency code para ma-notify ang air traffic contoller.

Captain: "We are declaring an emergency."

ATC: "Roger Filght 143, state the nature of your emergency."

Captain: "We are unable to control the plane, there must be a hole in the aircraft."

Flight Engineer (F/E): "Captain, the hydraulic pressures are dropping."

Captain: "Flight 143, request immediate return to the nearest airport..."

Samantala sa cabin, nagpa-panic ang karamihan ng mga pasahero.

"Mommy, what's going on?" Ang sabi ng isang batang pasahero sa kaniyang ina habang nakasalpak ang oxygen mask nito.

"I don't know, anak..." Ang sagot ng ina.

Tumawag ang flight attendant sa cockpit at ni confirm nito sa mga piloto na nagkaroon ng malakas na pagsabog sa baggage compartment.

F/E: "Captain, we lost all our hydraulics."

Captain: "What?"

F/O: "The plane is bahaving eratically, captain...we're going to crash."

Sa cabin...

"Mommy, are we going down? Natatakot ako..." Ang sabi ng bata na nararamdaman nitong mabilis ang pagbulusok ng eroplano.

"We'll be ok, anak." Ang sabi naman ng kaniyang ina at saka niyakap ang bata.

To make the story short, nag crash ang eroplano dahil nawalan ng conrtol ang mga piloto nang masira ng pagsabog ang hydraulic system nito.

End of POV.

Nagising si Richard sa kaniyang pagkakatulog na pinagpapawisan pa ng malamig dahil sa trahedyang kinasangkutan ng kaniyang mag-ina, may labing dalawang taon na ang nakakalipas.

Isang araw naman habang nanonood ng balita si Richard.

"Isang bangkay na naman po ang natagpuang lulutang lutang sa ilog. Napag alaman na ang biktima ay isang anak ng mayamang negosyante. Napabalitang nawawala ang biktima, mga isang lingo na ang nakararaan. Nagsumbong di umano ang pamilya ng biktima sa mga pulis kaya ito pinaslang ng mga kidnappers at sa kabiguang makuha ang ransom na hinihingi ng mga ito sa pamilya ng biktima. Sa ngayon ay inaalam pa ng mga kinauukulan kung sino ang nasa likod ng mga nangyayaring pang ki-kidnap sa mga anak ng mga prominenteng tao sa ating bansa, samantala sa balitang sports..."

Pinatay ni Richard ang telebisyon at napaisip ito ng malamim. Dahil sa mga sunod sunod na karahasan ang nangyayari sa lipunan ay nagpasya itong ikuha ng bagong bodyguard ang kaniyang unica hija.

"Dad! What is this? New contract na naman for a new bodyguard? You are just wasting your money!" Ito ang pasupladang sabi ni Nicole, pagkatapos pumasok sa silid ng kaniyang ama.

My BuddyGuard: Why Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon