Ito ang unang gabi ni Christopher sa mansyon ng mga Dela Vega. Hawak niya ang blueprint ng mansyon habang naglalakad-lakad siya para ma-familiarize ang lugar.
"Sir, kayo ba yung bagong bodyguard ni ma'am Nicole?" Ang tanong ng isang guard na nasa labas ng guard house sa loob ng mansion.
"Oo, ako nga." Ang sagot ni Christopher.
"Kanina ka pa namin napapansin na naglilibut-libot. 'Wag ka mag-alala sir, secured ang lugar na 'to."
"Oo alam ko naman yun. Gusto ko lang makasiguro na kabisado ko rin ang buong paligid dito."
"Okay yan, sir...ako nga pala si Hector, heto naman si Dan, kasama ko na guard at ito naman si manong Eduardo, ang driver ni sir Richard. Kami nga pala ang mga naka tira dito sa guardhouse, makakasama ka na pala namin... 'wag ka mag alala kompleto tayo ng gamit dito."
Napangiti ang binata. "Ako naman si Sergeant First Class Christopher Russell Sebastian, Toffy na lang ang itawag n'yo sa akin."
"Mukhang bigatin ka ha, ang bata mo pa, sarhento ka na." Ang sabi ni manong Eduardo.
"Sa BuddyGuard pala nagtatrabaho yan eh. Di ba mga bigatin lang ang nakakapasok dun?" Ang sabi naman ni Dan.
"Hindi naman mga 'tol, sakto lang." Ang sagot ni Toffy.
"Buti tinanggap mo yung trabaho. Ang laki siguro ng offer sa'yo 'no?" Sabi ni Hector.
"Ako kasi ang personal choice ni sir Richard, kaya sino ba naman ako para tumanggi? Saka isa pa, trabaho ko talaga 'to."
"Naku Toffy, heads up lang...alam mo bang walang tumatagal na bodyguard d'yan kay ma'am Nicole? Sobrang sungit kasi, parang laging galit sa mundo ang ganda pa naman ni ma'am."
"Uy, may hugot si Dan oh!" Sabi ni manong.
"Siyempre naman, patay na patay kaya yan kay ma'am. Di kompleto ang araw n'yan 'pag di n'ya nakikita si ma'am Nicole." Ang pagbubulgar ni Hector.
Namula bigla ang mukha ni Dan at parang nahiya tuloy tumingin kay Toffy.
"Ingat ka Dan, bantay sarado ka na ngayon kay Toffy." Ang pabirong sabi ni manong.
"Mukhang masaya naman pala kayo dito ah. Gaano na ba kayo katagal dito?" Tanong ni Toffy.
"Si manong Eduardo, dito na pumuti ang buhok n'yan, kami naman ni Dan, isang taon na kami bilang mga bodyguards ni Sir Richard." Sagot ni Hector.
"Mabuti naman at tumatagal din kayo." Ang sabi ni Toffy.
"Kung di lang mabait si sir Richard, matagal na kami umalis dito...saka si sir kasi ang ginaguwardiyahan namin hindi si ma'am Nicole, kaya goodluck na lang sa'yo pare, sana makatagal ka sa ugali ni ma'am, wala kasi talagang tumatagal d'yan eh, ni minsan di pa kami nginitian n'yan." Ang hugot ulit ni Dan.
"Ganun ba? Napansin ko nga parang laging nakabusangot si ma'am Nicole...pero okay lang, ako na bahala dun. Iwan ko na muna kayo d'yan mga 'tol." Sabi ni Toffy.
Sumapit ang kinabukasan. Maagang naghanda si Toffy para sa kaniyang unang araw sa paghatid kay Nicole sa unibersidad.
"Good morning, ma'am Nicole!" Ang nakasaludong pagbati ni Toffy sa dalaga.
"What's good in the morning?" Ang pabalagbag na sagot ni Nicole.
"Ahm...akin na po ang mga gamit n'yo, ma'am."
"O, ayan! Ingatan mo yan ha." Nakasimangot na iniabot ng dalaga ang kaniyang laptop at iba pang mga gamit.
"Ang sungit naman nito." Ang sabi ni Toffy sa kaniyang sarili.
BINABASA MO ANG
My BuddyGuard: Why Goodbye?
Novela JuvenilSi Nicole Andrea Dela Vega, anak-mayaman, isang dalagang may taglay na kasungitan, pagka mata-pobre at iba pang hindi magandang pag-uugali na ito marahil ang dahilan kung kaya't walang tumatagal na bodyguard sa kaniya. Isang intelligence report ang...