Dahil sa nag-overall champion ang College of Law and Political Science, nagkaroon sila ng thanksgiving party at ginanap ito sa pinakamahal na hotel.
"Kuya Toffy, pwede bang dito na lang ako sa table n'yo?" Ang tanong ni Billy nang lapitan ang mag-amo.
"Hay naku, manggugulo ka lang dito Billy, pang dalawahan lang itong table namin." Ang sabi ni Nicole.
"Basta dito na lang ako sa tabi n'yo." Ang sabi ng binata sabay kumuha ng banquet chair at tumabi kila Nicole at Toffy.
"Pagbigyan mo na, ma'am." Ang sabi naman ni Toffy.
"Sige na nga. Basta 'wag kang magulo ha, ayoko ng makulit." Sabi ni Nicole.
"Sir Billy, congrats...ang talino n'yo naman." Ang sabi ni Toffy.
"Wala yun, maliit na bagay. Ang dapat talaga i-congratulate dito, kaming lahat...at last, nakatikim din kami ng overall championship title. Para sa College of Law and Political Science...cheers!" Sabi ni Billy.
"Cheers!" Ang sabi naman nila Nicole at Toffy.
Lumipas ang ilang minuto.
"Excuse me gentlemen, punta lang muna ako sa table ng mga ladies, ha." Ang sabi ni Nicole sa dalawang binata.
"Sige po, ma'am." Ang sagot ni Toffy.
Nang makaalis na si Nicole. "Kuya Toffy." Ang sabi ni Billy.
"Yes, sir." Ang sagot ni Toffy.
"Ang ganda ni Nicole at Nikki, 'no?"
"Oo naman, sir."
"May aaminin ako sa'yo ha, pero atin-atin lang 'to."
"Ano yun, sir?"
"Crush ko silang dalawa."
"Alam ko yun, sir."
"Ha? Pa'no mo nalaman?"
"Sinabi sa akin ni ma'am. Pero ang gusto mo raw talaga si ma'am Nikki, tama ba?"
Biglang nag-blush si Billy. "O-oo kuya Toffy, gusto ko rin si Nicole kaya lang 'di ako uubra sa katarayan ng amo mo...kaya nga pala ako pumunta dito sa table n'yo kasi magpapatulong ako sa'yo."
"Ha? Anong tulong, sir?"
"Shhh... 'wag kang maingay baka marinig tayo nila Nicole."
"Okay, anong tulong ba ang kailangan mo?"
"Gusto ko sanang isayaw si Nikki, kaya lang hindi ko alam ang tamang approach."
"Lapitan mo lang sir, tapos sabihin mo: 'pwede ba kitang isayaw?'"
"Yun na yun, kuya Toffy?"
"Oo, sir...straight to the point."
"Nahihiya kasi ako, eh."
"Patay tayo d'yan...kaya mo yan, sir Billy."
"Samahan mo ako, isayaw mo din si Nicole. Sayang yang tuxedo mo, ang gwapo mo pa naman d'yan sa suot mo."
"Hindi pwede sir, hindi ako marunong sumayaw saka hindi ako parte ng okasyon n'yo, bodyguard lang ako ni ma'am Nicole dito.
Dinadaga ang dibdib ni Billy, hindi siya makalapit sa table nila Nikki. Sa totoo lang, napakahusay sumayaw nitong si Billy pero hindi pa kasi niya nasubukang isayaw ang kaniyang ultimate crush na si Nikki.
BINABASA MO ANG
My BuddyGuard: Why Goodbye?
أدب المراهقينSi Nicole Andrea Dela Vega, anak-mayaman, isang dalagang may taglay na kasungitan, pagka mata-pobre at iba pang hindi magandang pag-uugali na ito marahil ang dahilan kung kaya't walang tumatagal na bodyguard sa kaniya. Isang intelligence report ang...