CHAPTER 10

1.5K 32 1
                                    




Lumipas ang mga araw at mabilis na naka recover si Nicole sa kaniyang injury.

"Toffy, thank you ha. Hindi lang pala kita personal bodyguard, personal therapist din pala kita." Ang sabi ng dalaga habang hawak ni Toffy ang bukong-bukong ni Nicole at mina-massage ang paa nito.

"Wala yun, ma'am...bukas makakapasok ka na pero 'wag ka munang sumali sa practice ng team n'yo, baka ma-stress ang paa mo."

"Oo nga eh, ang dami ko ng na-miss na practice...ilang araw na akong wala."

"Ang importante ngayon, okay na yang paa mo at makakapaglaro ka na sa actual game n'yo, ma'am."

Kinabukasan.

"Welcome back, Nicole!" Ang bati ni Billy sa dalaga.

"Na-miss ka namin, okay na ba yang paa mo?" Ang tanong naman ni Nikki.

"Okay na pero hindi pa rin ako pwedeng maglaro, istrikto kasi ang therapist ko." Ang sagot ni Nicole.

"Ha? Sino ba ang therapist mo?" Tanong ni Jaymie.

"Si Toffy." Ang sagot ni Nicole.

"Bilib na talaga ako sa'yo, idol na kita kuya Toffy." Ang sabi naman ni Billy. "Ang galing mo, lagi kang nandiyan para kay Nicole, saka ang tiyaga mo. Alam mo bang for the first time, ikaw lang ang bodyguard na tumagal sa kanya. Pang ilang buwan mo na ba sa kanya, kuya Toffy?" Ang pagpapatuloy ng binata.

"Pangatlong buwan ko na ito, sir Billy." Ang sagot ni Toffy.

"Wow! Record to beat na yan." Ang sabi ni Nikki.

"Grabe kayo ha.... kapapasok ko lang mukhang pinagtitripan n'yo na agad ako." Ang sabi naman ni Nicole.

"Na-miss ka lang namin, saka totoo naman yung sinasabi ni Billy di ba?" Sabi ni Jaymie.

"Oo nga, saka may napansin din kaming malaking pagbabago sa'yo, Nicole." Sabi ni Nikki.

"Ha? Ano yun?" Ang tanong ng dalaga.

"Hindi ka na gaanong masungit at suplada kay Toffy, dati grabe ka kung ipagtabuyan mo s'ya sa harapan namin, pero ngayon..." Ang sabi ni Billy.

"Pero ngayon ano?" Ang tanong ni Nicole.

"Suplada ka pa rin pag dating sa akin...nagseselos tuloy ako." Ang pabirong sabi ni Billy, sabay takbo papalayo sa dalaga.

"Sira ka talaga, Billy. Anong selos ang sinasabi mo d'yan? Hindi kita boyfriend, 'no? Pasalamat ka't hindi ako pwedeng tumakbo...naku, pag nahuli kita, sasabunutan kita makita mo!" Ang gigil na gigil na sabi ni Nicole.

"O, kita mo? Ang suplada talaga." Ang sabi ni Billy.

"Hahaha..." Ang tawanan ng lahat.

Kinahapunan.

"Hi Nicoy, mwah! Kumusta ka na? Okay na ba yang paa mo?" Ang tanong ni Psyche nang maabutan niyang palabas ng classroom si Nicole.

"Heto, okay naman na. Teka, anong ginagawa mo dito? Mukhang naligaw ka na naman yata." Ang tanong ni Nicole.

"Nag-text sa akin si Billy, sabay daw kami mag snack...gusto mo sumama?"

"No, thanks. May meeting pa kami ng team ko, isang lingo na lang sports fest na....teka nga, nililigawan ka ba ni Billy, Kisay?"

"Hinde. Bakit mo naitanong?"

"Parang ang bilis mo kasing sumama 'pag si Billy ang nagyaya sa'yo."

My BuddyGuard: Why Goodbye?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon