Mabilis na lumipas ang mga araw.
"Toffy, samahan mo nga pala ako bukas mag jogging. Malapit na nga pala ang sports fest namin sa school, miss ko nang magpapawis." Sabi ni Nicole.
"Sige ma'am, anong oras tayo gigising bukas?" Tanong ni Toffy.
"Mga 5:00am, pwede na siguro yun."
"Okay ma'am, noted."
Kinabukasan, sa di inaasahang pagkakataon, bahagyang naunang nagising at nakapag ayos ng sarili itong si Nicole kaya naman bumaba na ito sa kaniyang kuwarto at pinuntahan ang guardhouse kung saan nanunuluyan si Toffy.
Di naman makapaniwala sina Dan at Hector sa kanilang nakikita.
"Tol, di ba si ma'am Nicole yun?" Ang tanong ni Hector.
"Oo nga 'no...dito ba s'ya pupunta? Ang tanong naman ni Dan habang papalapit sa kanila ang dalaga.
"Good morning ma'am Nicole!" Ang sabay na bati ng dalawang guwardiya habang nagkakape sa labas ng guardhouse.
Nginitian sila ni Nicole. "Good morning din." Ang sagot ng dalaga.
"Ma'am, tuloy po kayo." Ang anyaya ni Dan na nagba-blush dahil sa unang pagkakataon ay nginitian siya ni Nicole at sinamahan nito ang dalaga sa loob ng guardhouse.
"Maupo po kayo, ma'am." Ang sabi naman ni Hector.
"Salamat. Nasaan na si Toffy?" Ang tanong ng dalaga.
"Baka nagbibihis lang po, ma'am." Ang sagot ni Dan.
"Tol, nanaginip lang ba ako? Si ma'am ba talaga yun?" Ang tanong ni Hector kay Dan nang makabalik sila sa labas ng guardhouse.
"Oo naman. Bakit?" Sabi ni Dan.
"Wala ka bang napapansin? Mukhang bumait si ma'am di ba?"
"Oo nga eh, si Toffy lang pala ang kailangan para bumait si ma'am."
"Shhh...wag kang maingay baka marinig tayo."
Lumipas pa ang mga ilang minuto, habang nakaupo sa sofa si Nicole, biglang lumabas mula sa shower room itong si Toffy at palibhasa'y puro lalake ang nakatira sa nasabing guardhouse ay kampanteng lumabas si Toffy na naka tapis lang habang nakasabit naman sa kaniyang balikat ang maliit na towel. Walang kamalay malay ang binata na nandoon si Nicole, nakuha pa ni Toffy na maglakad lakad at sumipol sipol habang pinupunasan ang basang buhok.
Kitang-kita naman ni Nicole ang 6-pack abs at mala-superman na dibdib ni Toffy. Maya-maya pa, animo'y naalimpungatan si Toffy at mabilis na bumalikwas papunta ng shower room, at:
"M-ma'am...anong ginagawa n'yo d'yan? Kanina pa ba kayo d'yan?" ang natatarantang tanong ng binata na nasa pintuan ng shower room na kalahati lang ng kaniyang katawan ang nakalitaw.
"Oo...ang bagal mo kasi eh." Ang sagot ni Nicole na nakayuko at tinatakpan ng kaniyang kamay ang kaniyang mukha.
"S-sorry po, ma'am...may nakita ba kayo?"
"Oo, halos nakita ko na ang buong kaluluwa mo."
Hiyang hiya si Toffy at namumula ang mukha nito. Hindi siya makapaniwalang nakita siya ni Nicole na naka tapis lang.
"Ma'am, di ba 5:00am naman ang usapan natin? Quarter to five pa lang naman, ah." Ang hirit ni Toffy na hindi makalabas ng shower room.
"Bakit bawal ba akong pumunta dito ng mas maaga? May pa noted-noted ka pa d'yan ha. Nagulat ka ba? This is what you called element of surprise, you're a soldier dapat alam mo yan, tama ba ako?" Tanong ni Nicole.
BINABASA MO ANG
My BuddyGuard: Why Goodbye?
Teen FictionSi Nicole Andrea Dela Vega, anak-mayaman, isang dalagang may taglay na kasungitan, pagka mata-pobre at iba pang hindi magandang pag-uugali na ito marahil ang dahilan kung kaya't walang tumatagal na bodyguard sa kaniya. Isang intelligence report ang...