Kinaumagahan...
"Ma'am, pansinin mo naman ako." Ang sabi ni Toffy habang nagmamaneho papuntang unibersidad. "Para tuloy naaalala ko yung mga unang araw ko sa inyo ma'am...dati kasi hindi mo ako pinapansin at kinakausap." Ang pagpapatuloy ng binata.
"Just keep on driving... 'wag mo muna akong kausapin, Toffy." Ang sagot ni Nicole.
"Yan, ganyan na ganyan ka ma'am nung una tayong magkakilala."
"I said just keep on driving!"
"O-okay po. Sorry, ma'am."
Pagdating sa unibersidad.
"Bes, parang ang lungkot mo ngayon." Ang sabi ni Nikki.
"Masama lang ang pakiramadam ko." Ang sagot ni Nicole.
"Gusto mo samahan ka namin sa clinic, Nicole?" Ang tanong ni Billy.
"No thanks."
Hanggang sa lunch time.
"Nicole, hindi ka ba nagugutom? Kumain ka naman, patapos na kami, hindi mo pa nababawasan yang pagkain mo." Ang sabi ni Billy.
"Oo nga bes, aminin mo na kasi...may problema ka 'no?" Ang tanong ni Nikki.
"Oo nga naman, tayo lang naman ang nandito, atin-atin lang 'to. Ano ba talaga ang problema mo at sobrang lungkot mo yata. Alam mo hindi bagay maging malungkot ang isa sa mga pinaka magagandang babae dito sa unibersidad na katulad mo Nicole." Ang sabi ni Billy sa naka pangalumbabang si Nicole.
Napabuntong hininga si Nicole. "Ewan ko ba, parang ang hirap kasing tanggapin..."
"Tanggappin ang alin?" Tanong ni Nikki.
"Mahirap tanggapin na aalis na si Toffy." Sagot ng dalaga.
"Ha?" Ang sabay na sabi ni Billy at Nikki.
"Anong aalis? Saan pupunta si kuya Toffy?" Ang tanong ni Billy.
"I mean matatapos na kasi ang kontrata niya sa akin as my bodyguard."
"Eh di i-renew...problema ba yun?" Sabi ni Nikki.
"But that's not the case, bes. It's too late, may bago na siyang amo pagkatapos ng contract ni Toffy sa akin."
"So, yun pala ang dahilan kaya ang lungkot-lungkot mo. Mami-miss mo si kuya Toffy 'no?" Ang sabi naman ni Billy.
"S'yempre naman, napamahal na sa akin si Toffy. Ang saya-saya ko at ang gaan-gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko s'ya."
"Naku bes, ikaw ba yan? Nai-in love ka na kay Toffy 'no?" Ang tanong ni Nikki.
Hindi makakibo si Nicole.
"Sinasabi ko na nga ba eh. I knew it from the start, maski nung unang kita ko pa lang kay kuya Toffy alam ko magkakaroon kayo ng magandang chemistry. Teka, kelan ba aalis si kuya Toffy?" Ang sabi ni Billy.
"Sa 18th birthday ko mismo." Ang sagot ng dalaga.
"Naku! Nakakalungkot nga yan. Pero don't worry Nicole, nandito naman ako...you can always have my shoulder to lean on." Ang sabi ni Billy sabay tapik sa balikat ni Nicole.
"Billy tumigil ka d'yan ha, may pa-shoulder-shoulder to lean on ka pang nalalaman d'yan...duma-the moves ka na naman." Ang sabi ni Nikki.
Napangiti si Nicole, alam niya kasi na umandar na ang kapilyuhan ni Billy.
BINABASA MO ANG
My BuddyGuard: Why Goodbye?
Teen FictionSi Nicole Andrea Dela Vega, anak-mayaman, isang dalagang may taglay na kasungitan, pagka mata-pobre at iba pang hindi magandang pag-uugali na ito marahil ang dahilan kung kaya't walang tumatagal na bodyguard sa kaniya. Isang intelligence report ang...