Queency's POV
Kakatapos lang naming kumain at todo Chika parin sila grabe !.
OP na ako dito , makaalis nga muna . Nagpaalam muna ako kina mommy at daddy na matutulog na ako kasi may klase pa bukas buti at pumayag sila , si kingstone wapakels busy siya sa moment niya with her ex gf . Mag ex na nga eh pero kung makapagkwentohan ng mga nangyari sa kanila eh parang sila pa . Tss .Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis ng crop top na damit at jeans na Black at kinuha ko din ang leather jacket ko at susi ng motor ko . Yes mga beshess my sarili akong motor . Ang boring dito sa bahay , miss ko ng makipagbasagan ng mukha .
Tumakas na ako , dumaan ako sa bintana ng kwarto ko . At dumiretso sa likod ng bahay namin , may Daan kasi dun na kami lang ni kingstone ang nakakaalam . Dun din naka park ang motor ko .
---
Nasa may lumang bodega ako ngayon tumatambay , himala ata at walang tao rito . Minsan kasi kapag bored ako dito ako naghahamon ng away . Napatigil ako sa pag iisip dahil may familiar na boses na nag salita .
" Kumusta ka na best friend .. oops ! Ex best friend na pala sorry I forgot ! " Napalingon ako dahil sa sinabi niya .
" Shanelle ? ikaw lang pala akala ko kung sino .. tss " kalmadong sabi ko . " Ano nga palang ginagawa mo dito ? Akala ko nagpakalayo layo kana pagkatapos ng nangyari " Tanong ko sabay smirk .
" Psh ! Hindi ko tinuloy , naisip ko kasi na bat ako lalayo kung pwede naman akong gumanti Diba ? Queency ? " Sabi niya at ngumiti ng nakakaloko.
" Gumanti ? Kanino ? Sakin ba ? Dahil binugbog ko yung Kapatid mong bakulaw ? " Sabi ko . " You know what ? You're just waisting your pathetic time . " Dagdag ko ulit.
" Ooh mayabang ka pa rin as always .. " mayabang daw ako baka siya tss .
" Hindi ako mayabang at alam na alam mo yan ex best friend , alam naman natin di ba na hindi ko kasalanan ang nangyari sa Kapatid mo , kasalanan niya yun !" Sabi ko , medyo naiinis na ako dito sa babaeng to eh . Ano na namang kabaliwan to man talaga sa kuya niyang bakulaw.
" Liar ! Binugbog mo yung kuya ko dahil trip mo lang na Saktan ako ! Dahil iniwan ka ni Terence ng dahil sakin " inis na sigaw niya .
Tangina to eh naiinis na talaga ako ah . nilapitan ko siya tsaka kwenelyuhan .
" Ou iniwan niya ako at ikaw ang ipinalit niya .. ikaw na matalik kong kaibigan ! " Nanggigil na ako , ang sarap niya ding bugbugin eh ! . " Pero ipasok mo dyan sa makitid mong utak ! Hindi ko binugbug ang kuya mo dahil trip ko lang. Kasalanan niya yun kong bakit ko siya binugbug ." Sabay bitaw ko sa kanya . Napaupo siya at hinahabol ang hininga . Hindi ko na Malayan na napahigpit pala ang pag hawak ko sa kwelyo niya.
" Binugbog ko ang walanghiya mong Kapatid dahil muntikan na niyang patayin si yanzee . Kaya kung gusto mo pa ding mag higanti sakin , bahala ka. " aalis na sana ako pero may sinabi siya na nag painit ng ulo ko.
" Alam ko namang hindi kita kaya , kaya sa kaibigan o sa pamilya mo nalang ako gaganti para masay--- " di ko na siya pina tapos dahil
* BoOGHSSSS *
Bumulagta na siya dahil sa suntok ko sa mukha niyang plastic !
" Subukan mo lang , baka sa susunod na magkita tayo at may nangyari ni isa sa Mahal ko sa Buhay , sisiguraduhin kong paglalamayan ka . " Sabi ko sabay sakay sa motor ko .
" May araw ka din sakin .. " sigaw niya .. aish hihirit pa talaga eh . Bahala ka dyan baliw ! Pinaharurot ko na ang motor ko baka mahawa pa ako sa kabaliwan ng babaeng yun . Tss ginutom niya ako .. makadaan nga sa jollibee ..
*****

BINABASA MO ANG
Mr.Mabait Meets Ms.basagulera (completed)
Teen Fictionang storyang ito ay gawa lamang ng aking imahinasyon .:) Ang mga lugar at pangalan ng mga character ay gawagawa ko lang .