Chapter 38

1.4K 30 2
                                    

Queency's POV

Pagdating ko sa bodega , pansin ko lang walang katao tao sa paligid , nakakapagduda naman.

Pumasok ako sa loob at bumungad sakin ang mga kaibigan kong nakagapos pansin kong apat lang sila wala si kingstone sh***. Lalapit na sana ako ng biglang may lumabas na mga naka itim na lalaki . Wow men in black ang peg nila ha .

" Ano ba ang kailangan niyo sa mga kaibigan ko ? At saka asan si kingstone ? " Tanong ko sa mga men in black .

Hindi nila sinagot , mga pipi ata yung mga to eh , tsk na tigil ako sa pag iisip ng may babaeng lumabas .... Psh siya na na man kulit ng lahi nitong babaeng to ano na naman kaya ang gimik nito .

" Hoy shanelle ! Ano na namang kagagahan to ha ?"

" What ever queency , by the way nagustuhan mo ba ang surprise ko . " Shanelle

" Ou naman nasurprise nga ako eh .. salamat ha ? Nag effort kapa tuloy " I said in a sarcastic tone.

" Tsk ! Kahit pala nasa kapahamakan na ang mga kaibigan mo mayabang ka pa din " shanelle

" Hep ! Correction hindi ako mayabang , maganda ako "

" Shut up ! Boys kunin nyo nga yung lalaki na pinahirap nyo kanina . " Utos niya .

Pumunta yung tatlong lalaki sa may likoran .pagbalik nila nagulat ako sa nakita ko .

" Oh ano queency di ka makapag salita ? " Shanelle

" Hayop ka ! " Susugurin ko na sana siya ng biglang humarang ang mga men in black niya .

" Boys , let the show begin " shanelle

Agad nag sisuguran ang mga alipores niya .

" Sheeeewyt nakakapagod na warm up yata ang kakaharapin ko ." Sabi ko sa isip ko.

Habang nakikipagsuntukan ako , binubugbug din ng iba pa niyang  alipores si kingstone , sina ethan at jayden din pinapahirapan nila hindi na nakatalukbong ang kamay ng tatlo . Nandilim ang paningin ko ng Makita kong sinaktan nila si yanzee . Shit ! Alam talaga niya ang kung sino ang ipapain sakin .

Kaya dahil sa nakita ko di ko Alam kong pano ko napatumba lahat . Agad kong pinuntahan si yanzee . Sinuntok ko ang lalaking sumampal at sinuntok sa tiyan niya .

" Bes okay na .. "

" Salamat bes , ikaw okay ka lan--- sheeeyt bes sa likod mo " sigaw ni yanzee .

Bago pa ako makaharap nasaksak na ako sa tagiliran . Sumigaw naman sina yanzee ...

" Hayop ka shanelle ano bang kasalanan namin sayo ha ? " Yanzee

" Queency " kingstone.

" Wife--- aaargh ! "

Napalingon ako kay ethan , pinagsusuntok siya . Bugbugin sarado na ang katawan niya . Kaya kahit masakit ang saksak ko sa tagiliran . Tumayo parin ako at nakipagsuntukan ulit .

Nang napatumba ko na lahat ng alipores ni shanelle agad akong lumapit kay ethan .

" Hubby ! Jusko ang Dami mo nang pasa ang gwapo mong mukha .. waaaaah hubby ! " Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman kong pag aalala sa kanya . Lumapit na din sina yanzee samin tinulungan nina kingstone si ethan na tumayo .

Habang busy kami sa pag yayakapan napansin kong wala si klea . Kaya naglilingon ako . Damn it!

" Itigil nyo nga muna yang pagdadrama nyo ... Hindi pa ako tapos " hawak niya si klea at tinututukan niya Ito ng baril.

" Klea ..! " Sigaw ni kingstone.

" Ikaw kailan ka ba titigil sa kagagahan mo ha ? Atsaka pwede ba mag move on ka na "

" Hindi madaling kalimutan ang ginawa mo sa kuya ko queency , dahil sa ginawa mo comatose parin siya Hanggang ngayon ! Alam mo namang siya lang ang meron ako diba ?! Nagkaganun siya dahil sayo , iniwan din ako ni Terence dahil sayo ! Ano bang meron ka ha? " Umiyak siya habang sinasabi niya sakin ang hinanakit niya . Baliw pala to eh gagantihan ako sa dahilan niyang walang kwenta.

" Alam shan sayang ang ganda mo eh , unang una kung ano man ang nangyari sa kuya mo hindi ko sinasadya yun at saka may kasalanan siya kaya ko yun nagawa sa kanya at pangalawa hindi ko naman kasalanan na iniwan ka ni Terence . Namumuhay ako ng matiwasay shan .. matagal ko ng kinalimutan ang nakaraan .. kung tutuusin nga ikaw ang may malaking kasalanan sakin eh . Pero kinalimutan ko yun para mamuhay ng walang iniisip na kahit anong hinanakit at galit sa puso ko . Subukan mong gawin yun ... " Mahabang litanya ko.


Tumawa siya na parang baliw .

" Move on wala sa bukabularyo ko yan queency .. kaya sige bibitawan ko siya kasi alam kong hindi siya masyadong makakasakit sayo kung siya sinaktan ko kaya naman ..." Binitawan niya si klea at dahil nanghihina na ang katawan ni klea napaluhod siya sa sahig.

Kasabay ng pagluhod ni klea ay siya ring pagtutuk ng baril ni shanelle kay kingstone.

".... Kapatid mo na lang ang ang sasaktan ko para quits na tayo .. "

Agad kong niyakap si kingstone kasabay ng pagyakap ko sa kanya ...


* Bang ! *


" Queency , n--no--nooo ! Queency ! " Niyuyugyug ni kingstone ang katawan ko pero parang namamanhid ang katawan ko hanggang sa unti unti naring nandidilim ang paningin ko.

Ito na ba ang katapusan ko Lord ? Isasama nyo na ba ako sa paraiso ? .. after kong masulyapan ang mga mukha nang kaibigan ko everything went black

---------



******

Mr.Mabait Meets Ms.basagulera (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon