GYC5^MeetHim
Iminulat ko ang aking mga mata at tumingin sa wall clock. Hindi ko namalayan na isang oras na pala akong nakatulog dahil sa kaiiyak, hanggang ngayon ay naiisip ko parin kung anong nangyayari sa ngayon, sa buhay ko. Para akong isang batang walang kaalam-alam sa mundong ginagalawan ko. Bakit ganoon? Bakit wala akong alam?
May naririnig akong mga nag uusap sa may living room sa baba, alam ko nang sila iyon kaya naman hindi na lamang ako lumabas dito sa kwarto, magkukulong na lamang ako magdamag.
Im so lost :’(
May kumatok sa pinto.
Hindi ako sumagot, sa halip ay nagkunwari akong tulog.
“Blythe” tawag sa akin ni Mama habang kinakatok ang pinto, hindi parin ako sumasagot. Ang sama ng loob ko, hindi ko alam kung bakit, may kung anong mabigat dito sa dibdib ko na hindi ko talaga maipaliwanag.
Makaraan ang ilang segundo ay nagsalitang muli si Mama “Anak, tulog na yata ang kapatid mo, pagod na siguro sa school kanina.” Si Loresse siguro ang kausap ni Mama.
Gusto ko siyang yakapin at kamustahin, pero hindi ko magawa dahil nananatili parin sa puso ko ang galit na inilayo sya sa amin ni Papa. Hindi naman ako dapat magalit sa kanya dahil una sa lahat, wala naman siyang kasalanan sa pag-alis nila ni Papa. Pero iba talaga eh, parang may kakaiba.
--
Umaga na, nagising ako sa tunong ng alarm clock. Maaga akong nag alarm dahil ayoko pa silang makita, maaalala ko lamang ang sakit. Bakit ba kailangang mangyari ito? Bakit kailangan nilang magsinungaling? Bakit?
Bumangon ako at naligo pagkatapos ay pumasok na ako sa school kahit na 9 am pa ang schedule ng first subject ko ngayong araw, mas gugustuhin ko pa na tumambay sa school kesa sa mag stay sa bahay.
Alas-sais pa lamang ng umaga kaya naisipan kong mag-breakfast na muna dito sa canteen.
Isa-isa kong tinusok ang bake mac na parang mabubutas na yung styro-foam na lalagyan sa sobrang gigil ko sa pagkain, let me rephrase it ‘sa sobrang inis ko sa mga nangyayari sa akin’.
“Kawawa naman yung Bake Macaroni, masyado mong tino-torture.” Sarkastikong singit ng isang lalaki habang nakatayo sa harap ko na may dalang brownies at drinks .
Teka, sino ba ‘to?
“You don’t care.” Mataray na sagot ko. Bakit ba kasi nangingialam ang lalaking ito?
Umismid lamang sya at umupo sa isa sa mga upuan dito sa round table at inilapit sa tabi ng kinakain kong bake mac ang isang drinks.
“Sino ka ba?” curious kong tanong.
Tumingin lamang siya sa mga mata ko. Sa halip na sagutin ang tanong ko ay sinimulan nya ang pagkain ng brownies habang nakatingin sa malayo. Tsss! Ang weird ng lalaking ‘to.
Nang maubos ang kinakain ko ay tumayo na ako at isinakbit ang shoulder bag sa aking balikat, naglalakad na ako palayo ay biglang nagsalita ang weird na lalaking nakasabay kong kumain.
“Kent Brian” napaharap ako sa sinabi nya.
Napa-huh face ako, yung tipong naguguluhan. Tumayo siya at lumapit sa akin.
“Kent Brian Rivera.” At inilahad nya ang kanyang kamay para makipag-shake hands. Tiningnang ko ang kanyang mga mata at sandali akong may naalala, sino nga ba iyon?
Inabot ko ang kanyang kamay sabay sabi ng aking pangalan.
--
“Mga Bes! Kilala nyo na ba yung bagong transferee sa engineering department?” tanong ng Besfriend kong chismosa (Riley).
“Hindi pa,---” agad namang pinutol ni Bes Riley ang sagot ni Bes Shae
“Naku! Kung alam nyo lang kung gaano ka-pogi ‘yon! Laglag panty nyo mga teh!” kinikilig na sabi ni Bes Riley.
“Ows? Talaga? Baka naman chika lang yan ha.” – Bes Shae.
“Hindi ah! Ang pogi-pogi kaya ni Prince Kian.”
Prince Kian? Prinsipe ba sya tulad ni Prince William ng Royal Family? Wow ha!
Natapos ang maghapong klase. Ang boring, walang kakwenta-kwenta kaya uuwi na lang ako at magkukulong nalang magdamag sa kwarto ko.
“Blythe Natalie.” Naglalakad na ako papasok sa subdivision ng biglang may tumawag sa akin.
Ah yun lang palang lalaki kanina “Sabay na tayo.” Sabi nya habang may backpack sa likod. Ngumiti nalang ako bilang pag sang-ayon.
Tahimik lang kami habang naglalakad patungo sa aming mga bahay, ang awkward kasi naman hindi kami close.
“Taga rito karin pala.” Panimula nya. Nagsalita din ang lalaking ito, akala ko matutuyuan na kami ng laway eh.
“Oo, since birth.” at ngumisi ako.
Ngumiti lang sya.
“Bakit ka nga pala nag-transfer sa school namin?” tanong ko. Halata naman kasing transfer sya. Ngayon ko lang sya nakita eh.
“May babalikan ako.” Seryoso nyang pahayag.
“Sino?” hindi siya sumagot, dire-diretso lang sa paglalakad “Tsaka bakit mo sya babalikan?”
“May atraso ba sya sa’yo?” sunod-sunod na tanong ko. Bakit ba bumaballik na naman ang pagka-madaldal ko?
“Wala”
“Eh mahal mo?” tanong ko, ano ba tong sumasagi sa utak ko, wala namang connect yun ah. Hindi sya sumagot, natahimik na lang ako. Mukha yatang naba-badvibes ito sa kadaldalan ko. Sareeeh!
Dire-diretso lang kami sa paglalakad, mas nauuna sya sa akin, ang bilis kasing maglakad. Nang malapit na ang subdivision namin ay nagpaalam ako sa kanya.
“ah— dito nalang ako, ito na yung bahay namin eh.” Awkward na sabi ko sa kanya.
“Sige.” Sabi nya habang nakatalikod parin sa akin.
Naku badtrip yata si Kent Brian dahil sa tabas ng dila ko. Bakit naman kasi ganito? Bakit ang gaan ng pakiramdam ko kapag kasama ko sya? Bumabalik tuloy yung dati kong ugali.
To be Continued …
Pagpasensyahan nyo na po kung medyo boring yung story ah, wala pang mga kilig moments eh. Hayaan nyo darating di tayo dyan :’> Pasensya na din kung Short update lang palagi at lalong lalo na sa mabagal na pag-aupdate hirap mag-isip ng scenes eh. :D
BINABASA MO ANG
Glad You Came (On-Hold)
Teen FictionIsang malungkot na babae na galing sa isang broken family, naloko at pinagtripan ng boyfriend nya.. Siya si Blythe Natalie Arellano. Gusto nyang maghiganti sa mga lalaki dahil sa ginawa sa kanya ng Ex-boyfriend nya pero parang hindi tumutugma sa mga...