GYC2^MakeOver

16 1 0
                                    

GYC2^MakeOver

At dahil nga nami-miss ko na sina bes Shae at Riley, napag isip isip ko nang pumasok muli sa school ko. Marami na rin kasi akong na-miss na lecture, hihingi pa ako ng hand out sa mga professors ko para naman hindi ako bumagsak sa mga subjects.

Walking distance lang ang bahay naming sa school na pinapasukan ko. Naglalakad akong mag isa sa daan dala ko yung shoulder bag ko.

Oras na para maghiganti ako sa mga lalaki. Gustong gusto ko talagang ipamukha sa kanila. Kung paano masaktan at umasa. It’s time to make some revenge! /.\ humanda kayo boys! Pagsisisihan nyo na nakilala nyo ako.

Tinext ko na sina Shae at Riley na papasok na ako ngayon, mabuti naman daw kung ganoon, marami na din daw kasi silang ichi-chicka sa akin about sa ex-boyfriend kong si Anthony.

“Blythe!” may tumawag sa likod ko na hindi naman kalayuan kaya napalingon ako. Si Riley lang pala, tumakbo sya papalapit sa akin at niyakap ako.

“I miss you Blythe! Naku kamusta kana?? Naka pag-move on kana ba?” hindi ako sumagot, natahimik nalang ako at ngumiti ng pilit kay Riley.

“Ay sorry Blythe! Hehe.” Sabi nya habang naka peace sign. Yan talagang si Riley oh napaka-daldal. Parang chismosa sa kanto, wala yang pinapalampas. Certified chismosa sa aming klase pero napaka friendly nyan, iyakin nga lang.

“Nasaan si Shae?” tanong ko sa kanya habang busy sa pag-aayos ng mga gamit nya.

Hindi sya sumagot sa tanong ko kaya ini-scan nalang ng mga mata ko ang paligid para hanapin si Shae. Tumayo sya at akmang inaayos ang damit. “Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ko.

“Ahhh—Sa canteen may bibilhin lang!” dali-dali naman sya sa paglalakad papalayo sa akin. If I know makiki-chismis na naman yun kung saan saan. Bigla namang dumating si Shae.

“Hi Blythe.” Nginitian ko lang sya ng tipid. “Okay ka lang ba?” heto talagang bestfriend ko kahit kailan parang manhid. Alam na broken hearted ako tapos itatanong nya ngayon kung okay lang daw ako.

“Bes move on din pag may time ha.” Sabi nya habang hinahaplos ang likod ko.

“Paano ako makakapag move on kung sya parin naman yung tinitibok ng puso ko?.” Seryoso kong sabi habang nakatanaw sa malayo. “Paano ba maghiganti?” nanlaki ang mga mata ni Shae.

“OMG! Blythe! Don’t tell me papatay ka para lang sa Anthony na yun??!” ang OA naman ni Bes, Patay agad??

Napatawa na lamang ako sa reaksyon ni Bes. “OA lang Bes? Papatay agad? Hindi ba pwedeng maghihiganti lang sa ginawa nya sa akin?!”

Bigla naman syang kumalma at nagpaliwanag. “Ahh.. Bes, hindi mo naman kasi kailangang maghiganti, hayaan mong dumating sa kanya yung karma nya” hmmm actually may point naman sya, pero hindi maari sa akin iyon. Hindi ako matatahimik hanggang hindi ako nakakaganti kay Anthony at sa mga sakit na idinulot nya sa nagdurugo kong puso. (medyo ma-drama po)

“Hindi yun pwede sa akin Bes, ipapamukha ko sa kanya kung gaano kahalaga yung pinaglaruan at pinakawalan nya.” Seryoso kong sabi.

“ahhh—sige susuportahan kita Bes, pero ipangako mo na gaganti ka lang ha? Wala kang sasaktang tao?”

“Si Anthony lang.” napatango nalang sya.

--

Nang matapos na ang whole day class namin ay nagpag-pasyahan ko na magpatulong kay Shae at Riley kung papaano mag revenge. At ito daw ang unang step: CHANGE YOUR LOOK. Napanganga naman ako nung sinabi nila ‘yon. Hindi kasi ako pala-ayos ng sarili eh, kaya siguro pinagtripan lang ako ng Anthony na yun, sabagay makatulong din ito sa mabilis kong paghihiganti sa kanya.

Glad You Came (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon