GYC1^PainOfYesterday
Naglalakad ako ngayon dito sa mall, hinahanap ko kasi si Shae yung bestfriend ko, sabi kasi nya mag c-cr lang sya. Eh 15 minutes na syang wala. Girl bonding daw sabi nya, hindi naming kasama si Riley, actually tatlo kaming magbe-bestfriend busy nga lang ngayon si Riley.
Tine-text ko naman sya pero hindi parin nagrereply Mapuntahan na nga lang sa Powder Room.
Lakad …
Lakad …
“Nasaan na kaya yun?” sabi ko sa sarili ko.
Habang hinahanap ko ang bestfriend kong si Shae. May nahagip ang mga mata ko na hindi kanais-nais.
Si Anthony?
Tama ba ang nakikita ko?
Ang boyfriend ko… may kahalikan?
Parang bigla akong nanlumo sa nakikita ng mga mata ko ngayon, bumilis ang tibok ng puso ko. Nangingilid na ang mga luha ko. Ano itong nakikita ko? Hindi ito pwede, hindi ito totoo.
Hindi na ako nag alangan na lumapit pa, nilakasan ko nalang ang loob ko sa nakikita ko. Huminga muna ako ng malalim bago maglakad patungo sa kanya at sa babaeng kahalikan nya na ka-holding hands na nya ngayon, kahit na sobrang hina na ng loob ko sa nakikita ko. Hindi ako pwedeng maging mahina sa harap nila..
Kailangan kong ipaglaban ang karapatan ko….
Karapatan ko bilang girlfriend nya.
Ang saya-saya nilang nagbobonding habang ako heto, malayo sa kanya at nakatanaw lamang na parang ako yung kontrabida sa love story nilang dalawa.
“Anthony”
Bigla naman silang napatingin sa akin. Dahil abala sila sa pakikipag ladian sa isat-isa. Gulat ang mukha ni Anthony nang makita nya ako.
“Anong nangyayari dito?” magiyak-ngiyak na tanong ko sa kanilang dalwa. Pagkasabi ko nito ay bigla nalang nya akong hinila papalayo sa babaeng kasama nya. Hindi ko kilala kung sino yung haliparot na lumalandi kay Anthony, basta ang alam ko lang MALANDI SYA!
“Ano ba Anthony!”
“Bitiwan mo nga ako.” Pagpupumiglas ko.
“Bakit ka ba nandito?” Inis na tanong nya habang hinilamos nya ang kanyang kamay sa mukha.
At sya pa itong may ganang magalit.
“Anong bakit ako nandito??” Sigaw ko “Tanga ka ba o buwang lang? Girlfriend mo ako, at ako ang dapat magtanong sayo kung bakit ka nandito at kung bakit kahalikan mo yung babaeng kasama mo!” Nilakasan ko nalang ang loob ko nang sabihin ko iyon. Pero sa totoo lang gustong gusto ko ng umiyak at magwala.
“Girlfriend ko sya.” Mahinang sabi nya.
Nang sabihin nya iyon ay unti-unti nang bumagsak ang mga luha ko at hindi ko na na-control ang sarili ko. “Di ba ako yung girlfriend mo?” Humihikbi kong tanong. “Bakit sya yung kasama mo? Hindi ba dapat ako yun??”
Gago ka Anthony! Gago ka talaga!
“Tama na Blythe” Sabi nya habang nakayuko at umiiling-iling. “Sasabihin ko na sa iyo ang totoo.” Pahayag nya.
“Pinagpustahan ka lang namin.”
Natulala na lamang ako sa sinabi nya. Parang may tumusok sa dibdib ko na libo libong mga karayom. So sa loob pala ng 2 years na pagiging mag-boyfriend/girlfriend namin eh niloloko at pinagtitripan lang nya ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko.
ANG SAKIT!
ANG SAKIT SAKIT!
Ang sakit isipin na yung taong mahal na mahal mo, yung taong tinuturing mong mahalaga sa buhay mo, taong nagsisilbing inspirasyon mo ay pinaglaruan ka lamang pala sa loob ng dalawang taon.
PAKK !
Isang sampal. Akala nya ba ay sapat na iyon?? Hindi kulang pa iyan.
Matapos ko syang sampalin ay sinugod ko ang babaeng kasama nya.
“Walang hiya ka! Ang kapal ng mukha mo! Mang aagaw!” Habang sinasabunutan ko siya ay agarang pumunta sa akin si Anthony at hinawakan ang braso ko. Wala na akong pakialam kung maraming nanonood sa amin.
“Tumigil ka nga Blythe” sigaw ni Anthony. May guard na rin dito sa kinatatayuan namin para patigilin kami sa pag aaway.
“Break na tayo. Hindi kita mahal Blythe”
At mas lalo pang tumulo ang mga nangingilid kong luha dahil sa mga sinabi nya…
***
“Blythe!” Sigaw ni Mama
“Blythe!” May yumuyugyog sa balikat ko. Nag unat-unat ako ng mga braso ko.
“Tanghali na anak, late kana sa school mo.”
“Hindi nalang ako papasok.” Makikita ko na naman kasi sya. Lalo lang akong masasaktan.
“Anong hindi papasok?” sigaw ni Mama “Porket nagbreak lang kayo ni Anthony eh sisirain mo na yang buhay mo. Anak hindi lang si Anthony ang lalaki sa mundo.” Sabi nya habang nagliligpit ng hinigan ko. “Marami pang iba dyan.”
“Hindi ako papasok.” Pagmamatigas ko kay mama.
Hindi na sumagot si Mama at umalis na lamang sa kwarto ko. Wala rin naman syang magagawa eh. Kung anong gusto ko ay makukuha ko rin.
Ako si Blythe Natalie Arellano. Maganda, matalino, mabait. 18 years old, taking (BSEM) Bachelor of Science in Entrepreneurial Management. May kakambal ako si Loresse Ysabelle Arellano close kami dati nung mga bata pa kami, pero ngayon ay hindi na simula nung kinuha sya samin ni Papa wala na kaming connections sa isat isa. Hiwalay kasi sila Mama at Papa, at hindi ko alam kung anong rason at wala na akong balak pang alamin. Tatlo kaming magkakapatid panganay si kuya Lorenzo, may trabaho na sya ngayon sa isang Company.
Pumapasok ako sa isang private school. Dating masiyahin at happy-go-lucky pero ngayon ay isa nang broken hearted, at rebelde. Dahil ito sa kanya, si Anthony Cruz na ngayon ay Ex-boyfriend ko na, pinaglaruan nya lamang ako.
Umasa ako na magiging kami hanggang sa huli, pero mali pala ang akala ko. Hindi pala lahat ng tao dapat pagkatiwalaan. Hindi pala lahat dapat mahalin. Dahil karamihan sa kanila ay manloloko. Oo sabihin nyo na Man Hater ako. Galit ako sa mga lalaki dahil magaling lang silang magpaiyak ng mga babae. Yun lang naman ang alam nila eh ang magpaiyak at magpaasa ng mga babae. Ang gusto ko lang naman ay ipamukha sa kanilang mga lalaki na hindi kami mga laruan para gamitin at pagkatapos ay iiwan na lang.
Nakakabored din pala dito sa bahay. Kaya napagpasiyahan ko nalang na mag-bukas ng account ko sa facebook. Madami na ring nag p-pm sa akin kung bakit hindi daw ako pumapasok, hindi kasi nila alam na wala na kami ni Anthony.
Message fr. Shae Meredith Sanchez
Bes, kamusta kana? 1 week ka nang hindi pumapasok ah. Pasensya na hindi kita nadadalaw busy kasi sa school eh. Pasok kana bes, miss ka na talaga namin ni Riley.
Hay nami-miss ko na sina bes. Simula naman nung um-absent ako, hindi parin naman nagbabago ang pagtingin ko sa mga bestfriends ko. Kasi sa mga lalaki lang naman ako may galit. At isinusumpa ko iyong mga lalaking mapaglaro! Itaga nyo yan sa bato. LAHAT NG LALAKING DADAAN SA AKIN AY IIYAK AT MAGMAMAKAAWA. Waaaaaaaah! (Evil Laugh)
BINABASA MO ANG
Glad You Came (On-Hold)
Teen FictionIsang malungkot na babae na galing sa isang broken family, naloko at pinagtripan ng boyfriend nya.. Siya si Blythe Natalie Arellano. Gusto nyang maghiganti sa mga lalaki dahil sa ginawa sa kanya ng Ex-boyfriend nya pero parang hindi tumutugma sa mga...