GYC3^Admirer

19 2 0
                                    

GYC3^Admirer

Matapos ang super duper make over sa akin nila Bes ay nagkaroon na ako ng mga manliligaw. Mayroon na ring nagbibigay ng chocolates, letters at flowers. Oha! Effective ang make over nila Bes, pero hindi ko sila ine-entertain kasi nga focus muna ako sa revenge, Speaking of revenge Dumaan ang ilang araw at hindi ko parin nakikita si Anthony. Oyy wag kayong OA, hinahanap ko sya kasi sisimulan ko na ngang maghiganti sa kanya. Pero parang wala rin namang kahihinatnan kapag naghiganti ako sa kanya.. hay life! Ano bang buhay ito?

TOK TOK TOK

“Pasok.”

“Ano yan manang?” tanong ko kay Manang Lucy habang may dala-dalang chocolates.

Oo may kasambahay kami. Simula kasi nung nagwork si kuya Lorenzo sa Rivera Group of Company eh guminhawa na ang buhay namin, kahit na iniwan kami ni Papa sa hindi malamang dahilan.

“Chocolate po” common sense manang.

-_- kung hindi lang ‘to matanda, eh nasagot ko na ‘to

“Para sa inyo po, may nagpapabigay..”

“Sino---” nang i-abot nya sa akin ay umalis na sya kaagad kaya naman hindi ko naitanong kung sinong nagpabigay

May nakita akong nakadikit na parang quote sa likod ng chocolate.

“What hurts you today, makes you stronger tomorrow.”

Sino naman kaya itong nagpadala na ito? Pa-sikreto pa.. hmmm balewala na nga lang.. siguro isa ang ‘to sa mga suitors ko na nagkakandarapa sa akin.

Kinabukasan

Naglalakad ako ngayon dito sa pathway, pupunta ako sa next subject ko which is Management Accounting, ang layo naman kasi ng building na ‘yon. Tinetext ko si Bes Shae kung nasaan, naghiwalay kasi kami kanina may hihiramin lang daw siyang book sa library.

“Ouch!” may nakabangga na pala sa akin. Hinde. May nakabanggaan na pala ako dahil sa ka-busy-han ko sa pagce-cellphone.

Pagka-tingala ko ay kita ko ang mukha nya, mukhang hindi sya makapaniwala sa nakikita nya ngayon. Para syanga nakakita ng multo, multong maganda -_-

“Blythe?” mukhang hindi talaga sya makapaniwala na ako ang nasa harapan nya ngayon.

Sa itsura ko kasi ngayon parang lahat ng lalaki eh luluwa ang mga mata kapag nakita nila ang ka-sexy-han kong ito.

“Oh, bakit ganyan yung mukha mo?” tanong ko.

“ngayon ka lang ba nakakita ng maganda,? or I should say, ngayon ka lang ba nakakita ng isang dyosa?” sarkatiko kong tanong sa kanya.

Nakatingin lang sya sa akin “Im sorry.” Wika ni Anthony.

“Para saan yung SORRY?? Para ba sa panloloko mo o dahil sa nabangga mo ako?” gustong gusto ko sana yang sabihin, pero kailangan kong kontrolin ang sarili ko. Hindi ito ang tamang oras para sabihin ko iyon at lalong hindi ito ang tamang panahanon para magdrama sa harap nya.

“Uhh. I know naman na you did’nt mean that. Its okay. For now I should go, may next class pa kasi ako.” Pahinhin effect na sabi ko. Syempre kailangan kong magpa-impress sa kanya, nang sa ganoon ay unti unting mapalapit ang loob nya sa akin.

“Blythe may---” hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya at tuluyan na akong dumiretso sa paglalakad patungo sa aking next subject.

Im sure na nabighani lang sya sa aking kagandahan. At hindi lang ‘yon, im pretty sure na makikipagbalikan sya sa akin. This time ako naman ang babawi, ako naman ang magpapamukha sa kanya kung gaano kasakit ang masaktan at maloko.

Anthony Cruz’s POV

Pesteng puso ‘to! bakit bigla nalang bumilis ang tibok nang makita ko siya. Hindi ko naman siya mahal, at mas lalo namang hindi ko naman sya minahal dahil pinagpustahan lang naming siya ng mga ka-barkada ko, pero bakit ganun? Ilang araw ko lang siyang hindi nakita, pero nang nakita ko siya kanina para akong nakakita ng anghel… anghel sa lupa. Oo aaminin ko nagagandahan na ako sa kanya, naa-attract. ‘ni hindi ako makapagsalita kanina noong nakabanggaan ko sya. Peste! Ano bang nangyayari sa akin?

Sayang lang yung 2 years na relasyon namin, hindi kasi ako nanalo. Ang pustahan kasi naming magba-barkada ay ang mapasagot si Blythe at ako ang unang makakuha ng virginity nya pero wala, napaka kj kasi nitong si Blythe kaya ayun hinayaan ko nalang. At yung time na nakita ako ni Blythe sa mall, yun yung time na magkasama kami ng girlfriend ko. Oo two-timer ako playboy at walang pakialam sa nararamdaman ng mga babae. At noong time na ‘yon, napagpasyahan ko nang makipag-split sa kanya at sabihin ang totoo na pinagpustahan lang naming sya.

“Pare, nakita mo na ba si Blythe? Wow lang! babaeng babae na sya.” Sabi ng ka-barkada kong si Ivan

“Oo nga eh, ang laki ng pinagbago nya.” -Karl

“Dapat ‘di ka nalang nakipag-break. Sayang oh! Chicks na yan.” sabi sa akin ni  ang pasimuno ng pustahan naming si Xander, ang pinaka playboy sa lahat.

“Dude chance mo na sana yan para maka score ka. Tss!” -Lim

“Magsitigil nga kayo.” Seryoso kong sabi.

Blythe Natalie’s POV

Pupunta ako ngayon sa locker room para kuhanin ang P.E. uniform ko. Pagkabukas ko ng locker ko ay maraming nagbagsakan na mga letter mula sa aking mga suitors/admirer. Binasa ko ang ilan sa mga ito.

Hay hanggang ngayon ba naman patuloy parin sila sa pagbibigay ng mga love letter na yan, aanhin ko naman itong mga ito? Wala naman akong pakialam sa kanila. Itinapon ko nalang sa trash can. Pampasikip lang kasi sa locker ko. 1:15 pm na pala naku late na naman ako ng 15 minutes. Dali-dali na akong nagpalit ng P.E. uniform ko at lumabas nang ng locker room at nagtungo sa gym.

Hingal na hingal ako pagpasok ko ng gym, agad namang nagsitinginan ang mga classmate ko lalong lalo na ang professor kong terror na si Sir Trinidad, isang 40 years old man na walang ginawa sa buhay kundi ang magalit, ayaw na ayaw nyan na may nale-late sa klase nya.

“Ms. Arellano.”

Napatingin naman ako kay Sir Trinidad na galit ang mukha.

Hindi ko nalang initindi ang mga sasabihin ni Sir. Kaya tumingin na lamang ako sa mga kaklase kong nakaupo sa may bleachers. Yung tingin nilang parang nagsasabing lagot-ka-kay-sir look.

“Your late!” sigaw nya.

Ayaw ko sa lahat eh yung tinataasan ako ng boses.

“Why are you late?” tanong nya. Hindi nalang ako umimik at tumungo nalang ako.

“I’m talking to you Miss Arellano.” Tumaas na naman ang boses nya. Tila naha-highblood na ang matandang hukluban na ito.

“Sorry Sir!” pasigaw na sabi ko. Nagulat naman ang matanda.

“You don’t have the right to shout at me!” sabi ni matanda.

Yung mga classmate ko nagulat din sa inasta ko.

“at bakit Sir?”

“Kayo lang ba ng may karapatang sigawan at ipahiya ako sa mga nasa harap natin?” saad ko.

“Don’t talk to me on that way. Go to the Dean’s office now!”

Hindi ko sya pinansin, as if naman na susundin ko ang utos nya.

Sa halip na pumunta ako sa Dean’s office ay nagtatakbo na lamang ako palabas ng gymnasium.

“Ms. Arellano!!” Sigaw ni Sir tanda.

Napatawa nalang ako sa ginawa ko, nagtungo nalang ako sa canteen at dito tumambay. Hindi ko talaga akalain na magagawa ko iyon. Akalain mo iyon, nagawa kong sagutin ang professor namin samantalang dati eh takot na takot akong ma-late sa kahit minor subject at takot na takot akong bumaba yung rank ko dito sa school. Pero ngayon iba na, ibang iba na.

“Iba na talaga ang epekto ng broken hearted sa mga tao ‘no?”  Napa-huh nalang ako

“Ang laki ng pinagbago mo.” Sabi nya, teka sino nga ba ‘to? tatanungin ko na sana yung lalaking kumausap sakin nang paglingon ko ay bigla na lamang syang nawala sa paningin ko.

Glad You Came (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon