GYC6^Prince?

11 1 0
                                    

GYC6^Prince?

*Monday

“Bes!” bati ni Riley at Shae.

As usual, laging ganito ang routine naming magbe-Bes magchichickahan sa umaga hanggang matapos ang klase. Sa bahay? Ayun, iniiwasan ko nalang sila at nagtitimpi hanggang kaya ko pa. Ang tangi ko nalang nagagawa sa harap nila ay ang maging cold, sinubukan nilang kausapin ako sa isyung iyon pero pilit lang akong umiiwas. Wala na akong balak bungkalin ang isyung yon. Bahala na sila.

Nag-smile ako sa kanila. Alam narin nila ang tungkol sa pag uwi ng kapatid ko at Papa ko at ang isyu. Nag-advice nga sila na kausapin ko daw para magkaintindihan at magkaayos kami pero ako itong nagmamatigas, ayaw ko parin talaga. Hindi pa ako handa.

“Balita ko may bagong girlfriend na ulit si Anthony” naging interesado ako sa sinabi ni Bes Riley.

“Hindi naman ‘yon nawawalan eh” sarkastikong sabi ko. Totoo naman eh?

“Sabagay--- hahaha, wala namang bago dun.” Napailing nalang ako at pilit na ngumiti.

---

Nang matapos ang pangalawang klase namin ay biglang dumating sa classroom namin si Ms. Pauline yung head ng registrar.

“Class I have an announcement” nang nagsalita si Ms. Pauline ay nagsitahimik ang lahat.

“So na-post ko na yung ranking nyo sa Bulletin Board, paki-tingnan nalang. Then kung may itatanong kayo about sa ranking lumapit nalang kayo sa registrar’s office.”

Nang makaalis si Ms. Pauline ay nagtakbuhan na ang mga classmates ko patungo sa may bulletin board para tingnan ang resulta.

“Mga Bes tara!” yaya ni Bes Shae sa amin.

Well, tutal recess naman ngayon at ang boring boring dito sa classroom, samama nalang ako sa kanila.

“Saan ba tayo pupunta?” tanong ni Bes Riley.

“Sa may bulletin board, dali!”

At hinila na kami ng tuluyan ni Bes Shae.

--

“Sayang si Blythe ano?”

“Oo nga eh, yan si Francheska tuloy yung rank 1”

“Eh ang sama naman kasi nang inasta nya kay sir Trinidad”

“Ano bang nangyayari ‘dun?”

“Balita ko split na sila ni Anthony tsaka may family problem daw”

Rinig na rinig ko ang pag uusap ng ilan sa mga classmate ko. Pshh. Mga wala na talagang magawa sa buhay.

Lumapit sa akin sina Bes habang nakasimangot.

“Bes!” Sigaw sakin ni Bes Shae habang nakasimangot tapos parang naluluha. Alam ko na ang ibig sabihin ng mukhang iyan.

“Ano ka ba naman Bes!! Ranking lang yan.” Sabi ko at nag fake smile sa kanya.

“Eh kasi naman! Sayan---” pinutol ko na agad ang sasabihin nya, tss magdadrama lang ‘tong bestfirend ko.        

“Pssh. Hindi naman na mahalaga sa akin yun, kaya okay lang yan,” natatawa ko pang sabi. Ang galing mo Blythe! Ang galing mong magtago ng nararamdaman! Kahit sa totoo lang Big Deal sa akin yung pagiging rank 1. Nakaka-disappoint lang kasi simula first year ako yung top, ako yung role model ng school, hindi ko na nga alam kung anong magiging reaksyon ni Mama. Well kahit naman hindi na ako mag alala kung magagalit sya o hindi dahil alam ko naman na wala na siyang pakealam sa akin.

“Talaga??” biglang sumingit sa usapan naming si Francheska.

Nakataas pa ang kilay nya habang tinitingnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko nalang pinansin, si Bes Shae naman inirapan lang si Cheska (short term for Francheska). Maldita din kasi tong si Shae eh. Sa aming tatlo eh ako yung pinaka behave. Whahaha de joke :3 madaldal po ako sa totoo lang.

“Paano ba yan Blythe, ako na yung Top 1.” Pagmamayabang nya sa akin. Pshh, ugali talaga ng babaeng ‘to!

“and so?” pagmamataray ko. Wag nya kong paandaran ng kayabangan nya. Pektusan ko ‘to eh.

“Pinapaalala ko lang naman sayo na kapag once na nakuha ko na ang gusto ko, walang iba pang makakaagaw.” Ang BITCH! Parang pinagbabantaan ako ng babaeng ‘to.

Ngumisi muna ako. “pinapaalala ko lang din sa’yo na trono ko yan simula first year. At ngayon ka lang naging top 1, tandaan mo NGAYON LANG.” pagkasabi ko ay umalis na kami at nagpunta sa canteen para magpalamig ng ulo.

--

Pagdating naming sa canteen ay nagkakagulo ang mga estudyante kaya naman agad na nagtatakbo si Bes Riley sa kung saan may nag-iiritang mga babae. AlamNaThis! Pag sa chismisan talaga walang pinapalampas.

Maya-maya ay bumalik na si Bes sa kinauupuan namin. Anong nangyayari dito? Bakit namumula at parang kinikilig?

“Anyare sa’yo?” – Bes Shae.

KILIG NA KILIG

“Si Prince!”

“Sinong Prince?” tanong ko. PRINCE??? Sino ba ‘yon? Da heck!

“Si Prince Kian nandito sa canteen!” pagkasabi nya ay parang naging heart-shape ang mga mata nya.

“Sino bang yung Prince Kian na yan? At parang ang dami yatang nahuhumaling sa kanya?” – Bes Shae

“OMG!!!”

“Kyahhhhhhh!”

“Heto na sya!”

“Papalapit na si Prince!”

Sigaw ng mga girls na nasa kabila at likod ng table namin. Napasigaw na din si  Bes Riley habang si Bes Shae naman ay parang nahumaling narin. Kalalanding bata!

Pagharap ko kung kung sino ang kinahuhumalingan ng mga girls na ito ay nakita ko si Kent Brian.

Tumingin ako kay Bes Riley nang may pagtataka.

“Bes nasaan na yung Prince Kian? Wala naman eh” tanong ko sa kanya sabay kulbit sa may balikat nya.

“Bulag ka din Bes eh ano?” sarkastikong sabi ni Bes Shae.

“OMGGGGGG! Naka-smile sa atin si Prince kinikilig na sabi ni Bes Riley.” Ha? Nasaan ba yun?

Nilingon-lingon ko ang ulo ko at hinanap ng mga mata ko pero wala parin akong nakikitang mukhang prinsipe dito sa canteen. Pinaglololoko ba ako ng mga babaeng ito?

“Hi Blythe” naka-ngiting bati sa akin ni Kent Brian.

Riley’s POV

“Hi Blythe” O_________O

Binati sya ni--- ni Prince! OH MY GEE! Magugunaw na yata ang mundo ko!

Nag-smile lang si Blythe, habang ako nakanganga at amaze na amaze kay Prince Kian. <3

Na-starstruck na yata ako kay Prince. Hindi naman sya artista. Hahaha ewan hindi naman sya sobrang gwapo pero ang lakas ng dating nya sa mga girls.

To be Continued… [EDITED]

NOTE: may ibang part po akong in-edit. :D

Glad You Came (On-Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon