CHAPTER 1

62 3 4
                                    

"Blair, eto na yung tubig mo. Grabe, ang galing mo kanina! Yung three point shoot mo? Boom!" Masaya kong sabi habang ginagaya ko siya paano mag-shoot kanina.

"Tss." Sabi niya habang tumalikod sa akin. Tsh, sungit talaga nung lalaking 'yun. Di man lang niya kinuha yung ino-offer ko na tubig. Agad akong tumakbo para sundan siya.

"Blair, eto tubig oh." Sabi ko sabay abot ng uli ng tubig sa kanya. Pero tinabig niya lang ang kamay ko. Anong ginawa ko? Bakit ba ang sungit nito sa akin? Sa mga kaibigan naman niya ang bait niya. Speaking of kaibigan, nandito na sila. Huhu. Sila lang naman yung mga kaagaw ko kay Blair bukod sa iba pa niyang fangirls. Tsh, sa lahat ng fangirls ako lang ang may lakas loob na lumapit kay Blair. Bakit? Natatakot silang masungitan eh. XD

"Blair, pare." Sabi ni Andrew sa kanya at nag bro fist sila, "nandyan nanaman yata si girlfriend. Hello." Sabi niya at ngumiti siya sa akin. Tawag kasi ng mga barkada niya sa akin ay 'girlfriend' at eto naman ako, gustong-gusto."Sup man. Good game." Sabi ni Philip sa kanya. Tumingin naman siya bigla sa akin. "Hi girlfriend ni Blair." Sabi niya at kumaway sa akin. Napasmile naman ako sa tawag nila. Buti pa sila.

"Osige girlfriend ni Blair, punta lang kami sa shower room, ha? Sama muna namin boyfriend mo." Nakangiting sabi ni Andrew sa akin. Tumango nalang ako at bago sila maka-alis ay hinigit ko si Blair. Yh shet kinikilig ako. Pero bigla niya akong tinaasan ng kilay. Ang sungit talaga nito.

"Ah Blair, a-ano, hmm, sa-sabay na tayong mag-lunch?" Nahihiya kong sabi. Bigla naman niya akong sinamaan ng tingin. "Joke lang 'nu ka ba! Sge, alis kana, bye!" Masigla kong sabi. Bigla naman niyang tinignan yung kamay ko kaya napatingin din ako. Kaya pala hindi siya makaalis. Binitawan ko na siya, "Nakahawak pa pala ako noh? Hehe. Ang galing." Sabi ko habang kinakamot ang ulo ko. Tumalikod na siya at umalis. Kung nahihiya ba ako? Hindi. Ngayon pa ba ako mahihiya eh halos tatlong taon ko na itong ginagawa.

"Calling the attention of all college students, please proceed to your respective classrooms now." Second year students? So ako? Bakit babalik na sa room? Bakit nanaman kaya. Tsh.

Pumunta muna ako sa canteen at bumili ng madaming pagkain. Like a boss ako dito oh! Ako lang mag-isa, haha. Feeling emo. Nung makaakyat na ako, napapansin ko na tahimik na yung hallway, wow, late nanaman ako. Bago nalang sa history kung maaga ako kaysa sa teacher noh. Sinipa ko yung pintuan ng classroom ko at pansin ko na tahimik sila. Aba, himala yata ito ah! Pumasok na ako sa room na parang walang nangyari. Yung teacher? Ayun, mukhang sasabog na yata. Nakakatawa nga yung itsura eh.

"Leontine, Camilla Loise, you're late! Nakung bata ka, sampung minuto nalang oh!" Sabi nung guro habang patingin-tingin pa sa wall clock. Pinagka-kasya ko naman 'yung mga pagkain na binili ko kanina sa bulsa ko, mahirap ng may makakita 'no. Sana walang manghingi.

"Well, what's new?" Sabi ko at umupo sa aking permanent place, sa pinakalikod, ugh. Ewan ko ba sa kalbo kong adviser na 'to at nilagay ako sa likod, pero okay narin . Nagpatuloy na siya sa discussion niya habang ako naman dito ay nakatingin sa upuang katabi ko. Kung hindi lang naman dahil kay Blair, ayaw ko sa pwesto kong 'to eh. Pero nasaan siya? Aish, 'yung lalaking 'yun talaga, porque matalino pacutting-cutting nalang.

Nung magring ang bell ay kaagad akong lumabas ng room para makapag-lunch. Bumili na ako ng pagkain na sapat lang para maubos ko. Hmm, saan na ba si Blair? Nilibot ko ang tingin ko at nakita ko na silang tatlo. Umupo ako sa table na tabi nila at pinagmasdan si Blair habang kumakain.

Bakit ba hindi pwedeng kapag tinignan kita, akin kana. Pero sabi kasi ng iba na paghirapan mo ang pinapangarap mo at eto ako ngayon, sobrang nahihirapan na. I'm tired, not physically but emotinally. Minsan sumagi narin sa isip ko ang pagsuko pero ni minsan di ko sinubukang gawin. Ano pa bang ginagawa ko ngayon? Isang highschool student na nagmamahal na nga. Alam ko, alam ko na masyado akong bata para sa love. Pero ano bang magagawa ko, isang araw nagising nalang ako na nagkapuso ang aking mata habang tinitignan ang lalaking sinisinta.

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon