CHAPTER 3

15 1 0
                                    

“Mam, wait lang po.” Sabi ni manong na kanina pa hinihingal kakahabol sa akin. Kasi naman eh, gusto ko maaga ako makarating doon para makakapili ako ng place para sa amin ng seatmate ko. Actually, five thirty talaga ang dapat magkikita-kita dito sa campus pero five o’clock palang ngayon. May isang bus narin, remember, isang section lang magfi-fieldtrip para daw easy lang bantayan. Lumapit ako doon at kinausap ang driver.

“Manong, can I make sakay na ba?” Pataray kong tanong sa driver. Sabi kasi sa mga nababasa ko, mas susundan ka kapag nagtataray ka. Well, para sa driver na ‘to, mukha naman siyang nauto kaya pinapasok na ako. Hmm, saan kaya ako uupo? Sa harap ba? Pero hindi ba boring ‘yon? Sa likod? Mayadong magulo doon. Sa gitna nalang. Bumaba na muna ako sa bus para kunin kay mang Rudolpo ang bag ko at para din sabihin sa kanya na pwede na siyang umalis.

Actually ang dala ko lang naman ay ‘yung bag ko na backpack at isang side bag na medyo malaki din. Naupo muna ako sa pwesto naming ni seatmate at tinignan ang cellphone ko. No text messages. Wala man lang text na galing sa mga magulang ko na, ‘wag kang kang papagutom doon, ha?’ o kaya naman ‘text mo kami pag may nangyari’. Akala siguro ng iba na masaya maging ako. Mahirap maging Camilla Loise Leontine. May pamilya nga, may Blair nga, pero bakit kahit nandyan sila, wala akong maramdaman na presensya nila.

“Pwede ka bang umusog? Tss” Sabi ng isang pamilyar na boses. Habang nakayuko ang ulo ko, napasmile ako. Pinunasan ko ang mga luha ko, ni hindi ko namalayan kanina pa pala ako umiiyak. Inangat ko ang paningin ko at eto nanaman ako, nahuhulog ulit. Nagsmile ako at umusog papalapit sa may bintana. Buo nanaman araw ko.

“Blair, buti ang aga mo ah?” Tanong ko sa kanya. Sana naman sumagot siya. Pero ano pa bang expect niyo? Syempre hindi ‘yan sasagot, sino ba naman ako. Ha-ha. Sumandal nalang ako at ipinahinga ang ulo ko sa bintana ng bus.

Unti-unting nagsi-datingan ang mga kaklase ko at unti-unti naring umingay. Sabi ko na nga ba eh, kahit saan ako umupo, maingay parin. Tinignan ko si Blair na ngayon ay nakasandal at nakashades, suminag narin kasi ang araw dahil magsi-six thirty na. Tumingin nalang ako ulit sa labas at nagmukmok.

Nag-usap kami noon ni mama at tinanong niya ako kung may iba na daw ba akong gusto pero hindi ko siya sinagot at tinanong niya din ako kung mahal ko ba talaga si Blair o obsessed lang daw ba ako sa kanya, ang sagot ko lang sa kanya ay isang pilit na ngiti. Ano ba naman alam ng mga magulang ko sa pinagdadaanan ko? Ni hindi man nga siguro nila alam kung saan ako pupunta ngayon eh. Pag tatawag ako sa kanila, makakausap ko lang ay yung sekretarya nila.

Naramdaman ko na medyo gumalaw si Blair kaya agad akong napatingin sa kanya. Napa buntong hininga nalang ako sa pwesto ko ngayon. Pwede naman ako sa ibang upuan nalang pero dito parin ako sa taong mahal ko, kahit sa tuwing kasama ko siya ay nasasaktan lang ako. Hinawakan ko ng dahan-dahan ang isang banda ng leeg niya at inilapit ‘yun sa akin. Malayu-layo pa ang biyahe at alam ko na sasakit lang ang balikat ko dahil ipinatong ko ang ulo niya dito. Worth it naman eh. Sinandal ko muli ang aking likod sa sandalan ng upuan at pumikit. Trending talaga si Bryant Blair sa akin, aba, kahit ano nalang ang gawin ko siya nakikita ko ha. Tumagal din kami sa ganung posisyon ng ilang oras. Nagsalita yung tour guide at sinabi sa amin na malapit na daw kami sa Enchanted Kingdom. Tinapik-tapik ko ang left shoulder ni Blair para magising siya.

“Blair~ gising kana..” Sabi ko habang tinatapik parin ang kanyang balikat.

“Hmm..” Sabi niya at inipit ang kanyang ulo sa aking leeg. Mygosh, buti nagpabango ako at naglotion.

“Blair, gising kana~” Tinapik ko ulit ang balikat niya. Hahampasin ko na ‘to eh, tulog mantika. Ginalaw ko ng kaunti ang aking balikat para gumalaw ang ulo niya. Hindi naman ako nabigo dahil nagising nga siya. Tinignan niya ako ng masama pero nagsmile nalang ako sa kanya. Mali nanaman ako.

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon