CHAPTER 6

12 2 1
                                    

Wednesday ngayon at wala kaming pasok dahil magf'fieldtrip ang ibang section hanggang Friday, at hanggang Friday ay tutulala ako sa bahay. Ano kayang magandang gawin? Redecorate my room? Make some DIY stuffs? Bake? Tumingin ako sa mga post it note nakadikit sa aking pader na nagsisilbi bilang kalendaryo ko.

Pumunta nalang ako sa school para doon ay tumambay. Nandoon lang ang mga first year students at ang third at fourth year din pala. Wala akong kakilala sa ibang year levels kaya pumunta ako sa likod ng school kung saan madaming naglalampungang students kapag lunch at recess.

Umakyat ako sa hindi gaanong kataasang puno at sumandal sa isang sanga nun. Nang tumingin ako sa aking kaliwa ay nakakita ako ng isa pang sanga ng kalebel lang ng inuupuan ko. Unti unting pumikit ang aking mga mata at nakatulog ako.

"Pst.." Tawag ng isang boses. Si Blair ba 'yon? Binuksan ko nang dahan-dahan ang aking mga mata at medyo malabo pa ang aking nakikita pero pamilyar sa akin ang pigura ng taong nasa ibaba. "Buti naman at nagising kana. Naglunch kana ba?" Tanong niya. Kinusot ko ang aking mga mata at nagulat sa aking nakita. Halos mahulog na ako sa aking kinauupuan.

"Sean?" Sigaw ko mula sa itaas. Anong ginagawa niya dito sa paaralan ni lola?

"Ang nag-iisang gwapon si Sean. Tumpak!" Sabi niya at tumawa. Dahan dahan naman akong bumaba para makapagusap kami ng maayos. "Good morning, mademoiselle." Sabi niya at kinuha ang aking kamay at hinalikan ito habang nilalagay ang kanyang kamay na may dalang supot sa kanyang likuran. Natawa ako sa kanyang ginawa.

Umayos na siya ng tayo at humarap sa akin ng may malaking ngiti sa kanyang maamong mukha. "Kain tayo?" Sabi niya at itinaas ang dalawang supot ng isang sikat na fast food chain. Tumango ako at nagtaka kung saan kami uupo.

Hinawakan niya ang aking pulso at hinila papunta sa isang nakalatag na malaking tela. Umupo siya doon kaya gumaya ako sa kanya. Naalala ko nanaman na nakita ko palang siya kahapon.

"Bakit ka pala nandito?" Tanong ko sa kanya.

"Edi ano pa? Dito ako nag-aaral." Tipid niyang sagot. Nabigla ako sa sinabi niya. Dito?

"Bakit hindi mo sinabi?" Tanong ko sa kanya pero pinagkibit balikat niya lang ang tanong ko. Naalala ko ang mga sinabi ni Blair sa akin nung fieldtrip kaya tumahimik nalang ako. Nasaktan talaga ako. Bumalot sa amin ang matinding katahimikan kaya nagsalita nalang ulit ako.

"Wala ka ring pasok? Kailan fieldtrip niyo?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.

"Wala po kaming fieldtrip na mga third year students." Napaangat ako ng tingin sa kanya. Third year student na siya?

"Bakit ka nandito? Teka, nagcutting ka ba? Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Taranta kong tanong sa kanya. Hindi siya pumasok?

"Easy there. Pumasok ako pero nag-cutting lang. Chill." Sabi niya sabay taas ng kanyang kamay na para bang aso ako na pinapakalma. Sumubo siya ng kanyang pagkain at ngumuya ng nakanguso.

"K." Sabi ko at umirap sa kanya. Naamoy ko naman ang mabango niyang pagkain na dahilan upang magwala ang mga dragon sa aking tiyan. Humalakhak siya ng malakas kaya namula ako ng sobra. Isang Leontine, magugutom? Ha!

"Kain kana, prinsesa." Sabi niya sa akin sabay abot ng isang plastic. Tumingin ako dun at kaagad na natakam. "Wag kanang mahiya. Kain kana." Malumanay niyang sabi kaya kumain nalang ako.

"May kaboses ka, alam mo 'yun." Sabi ko bago sumubo ng isa pa.

"Hindi ko alam. Pero ngayong sinabi mo ay alam ko na," Sabi niya habang tumatawa.

"Jerk." Bulong ko habang umiiling.

Kumain kami ng tahimik pero hindi parin talaga matanggal sa isipan ko kung sino ang kanyang kaboses.

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon