CHAPTER 8

11 2 0
                                    

“Ayaw ko na. Bwiset ka.” Sabi ko habang nakatalikod sa kanya. Naiinis ako kasi sobrang saya ko.

“Ayaw ko nga.” Sabi niya sabay hipan pa ng straw para tumalsik sa akin ang pearl. Agad naman akong umilag ngunit hindi ako nagtagumpay dahil kaagad itong napunta sa buhok ko. Mukha ng Christmas tree ang buhok ko sa sobrang sabog dahil sa hangin at mukhang Christmas balls ang mga pearl.

“Tss. Uuwi na ako pero maliligo muna ako doon.” Sabi ko sabay nguso sa direksyon ng banyo. “Tulungan mo ako sa locker ko.” Sabi ko sabay higit sa braso niya. Dumidilim na kasi kaya medyo nakakatakot.

“Takot kasi. Tara na nga.” Kinuha niya ang bag ko na nakasukbit sa balikat ko at iniligay ‘yon sa kabila niya ring balikat. Aapila pa sana ako pero nakita ko na nandito na kami sa harap ng locker ko. Paano niya nalaman?

“Stalker.” Bulong ko habang kinuha ang susi sa wallet ko. Sumandal naman siya sa tabi ng locker ko at ngumiti sa akin. Ang gulo ng buhok niya, pareho kami.

“Kaysa naman sa takot. Tara na nga.” Sabi niya nang matapos kong kunin ang twalya at extra kong damit sa locker. Hinila niya ako papunta sa nag-iisang banyong may tatlong cubicle na may shower. Ang iba kasing banyo ay tig-iisa lang at maliit.

“Ano, hindi mo pa ako bibitawan?” Tanong ko nang makarating kami sa harapan ng pinto. “Maligo kana rin.” Sabi ko sabay subok na kalasin nag hawak niya.

“Hintayin na kita dito.” Sabi niya sabay bitaw ng kanyang bag sa sahig at ipinatong niya ang bag ko sa taas ng bag niya. Gentleman.

“Anong hintayin?” Tanong ko.

“Di ako papasok.” Sabi niya sabay sandal sa pader.

“Ayaw ko nga.” Sigaw ko sabay palo ng braso niya. Buti’t wala ng estudyante ngayon.

“Dalian mo nalang kaya kaysa maginarte ka riyan. Dito lang nga ako para masiguradong hindi ka matatakot.” Sabi niya sa akin na para bang naiirita na. Bumuntong hininga muna ako bago tuluyang pumasok sa banyo at dumiretso sa isang cubicle na may shower.

“Ang tagal mo.” Salubong ko sa kanya pagkalabas niya ng banyong panlalaki. Limang minuto akong naghintay habang hinintay niya naman ako ng, ugh, 30 minutes?  Sinabi ko lang ‘yun dahil hindi ko maiwasang hindi mapatigin sa mukha niya. Gwapo.

“Sorry. Matagal ba talaga?” Sabi niya habang kinakamot ang batok niya, nahihiya yata.

“Bakit ka nagsosorry? Iuwi mo na ako, kanina pa ako gutom.” Sabi ko sabay nguso.

“Pacute pa. Tara na.” Sabi niya sabay kuha ulit ng bag ko sa akin. Ang bigat kaya nun. Pansin ko lang, kanina niya pa ako pinagsisilbihan, ha. Ang sweet niya pa.

Habang papunta kami sa parking lot, panay ang pagsulyap niya sa akin kaya medyo naiilang ako. Tinatanong ko naman kung bakit siya tumitingin pero tatawa lang siya. Buti naman at tuyo na ang buhok ko nang makapunta kami doon at nakita ko kaagad ang sasakyan nilang magara.

Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa kami ng pinto ng driver. Bakit ang bait niya?

“Saan mo gustong kumain?” Tanong niya habang tinitignan ang buhok ko. Bakla?

“Kahit saan lang, hindi naman ako maselan eh.” Pabiro kong sagot. Ililibre niya ba ako? Ano ‘to, date? As if naman kakain pa kami sa labas, ano?

“Okay.” Sabi niya sabay lapit sa driver at may binulong. “Sa malayong kainan, manong. ‘Yung presentable ha.” Hindi ko narinig ang mga sinabi niya pero ang narinig ko lang ay ang salitang ‘presentable’, siguro ay nahihiya siya na baka hindi ko magustuhan kung saan niya ako dadalhin.

“Anong number mo?” Biglaan kong natanong. Ano bang sinabi ko? Hindi nanaman ako nagisip.

Pagkamangha ang una kong nakita sa kanyang mukha, “Number ko?” Tanong niya na para bang hindi makapaniwala. Oo nga naman, babae magtatanong? Hmp, wala naman masama. May kinuha siya sa bulsa niya at nakita kong cellphone ‘yun.

“Tignan mo diyan.” Sabi niya habang iniaabot sa akin yung cellphone. Pinindot ko naman ang button para masindi ito pero pagkakita ko sa screen ay may password naman. Bwiset.

Napansin niya yatang nakatingin lang ako sa screen kaya medyo sumandal siya sa upuan ng sasakyan at itinype ang password. Pinakita niya sa akin, wow. Nilabas ko rin ang phone ko para maisave ko na ang number niya. Nang tignan ko ang contacts niya, nakita ko lang ay dalawang contact name. Isang prinsipe at isang prinsesa. Yak, ang korni ng prinsesa. Siya ba yung prinsipe? Mas lalong yak.

Nilagay ko na pangalan niya sa contacts ko ay Sean lang, tamad ako eh.

“Welcome.” Maganang sabi ng isang waiter, “Table for two?” Tanong niya sabay tingin sa akin. Tumingin ako kay Sean. Grabe, para kaming nagdedate.

“Yes.” Sagot naman ni Sean sa kanya, magaling palang mag-english ‘to. Minsan tuloy iniisip ko kung paano sila nagkaresort, ang yaman.

Nang makaupo kami ay kaagad kong sinipa sa baba ng mesa ang paa ni Sean. Napa-aray naman siya kaya paniguradong nakuha ko ang atensyon niya.

“Bakit dito tayo kumain?” Pabulong kong tanong pero ngumiti lang siya.

Kinuha na ang order namin at nang dumating ito ay lalo pa akong nagutom. Nagsimula na akong kumain pero nakatingin lang siya sa akin. May mali ba? Kumain nalang ako ng kumain na para bang bibitayin na ako bukas. Gutom na ako eh.

“Ang cute mo pala kapag kumakain.” Bigla niyang sabi. Natawa naman ako. Cute daw? Cute ba ang babae na kung kumain ay parang lalaki? Tinignan ko siya ng masama habang nginunguya ko ang pagkaing nasa bibig ko.

Naubusan ako ng salita kaya ang naisip ko nalang ay isang walang kwentang sagot, “Edi palagi mo akong ilibre para lagi akong cute.” Sabi ko sabay ngiti ng nakakaloko. Madalang lang akong nakakakuha ng compliments galing sa mga taong hindi ko pa naman talaga kilala kaya siguro naspeechless ako.

“Edi okay. Gastos kung gastos.” He said while smirking.

Sinimangutan ko nalang siya pero palihim na ngumiti.

“Nakita ko ‘yon.” Sabi niya na para bang sobrang saya niya. Tsh.

Sinabihan ko nalang siya ng sobrang nakakasakit na salita, “K.” at binilisan ang pagkain. Bakit kapag siya ang kasama ko, pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala. Pakiramdam ko malaya ako.

“Paano kung nalaman mo na may girlfriend na si Blair?” Bigla niyang tanong. Hah! Si Blair? Eh halos pagdudahan ko na nga ang kasarian niya eh. Sa gwapo ba naman niya wala paring girlfriend.

“Wala akong magagawa kundi magselos. ‘Yun nalang pwede kong maramdaman eh.” Sabi ko at ngumiti. Totoo naman eh. Kung meron man siyang girlfriend, napakaswerte ng babaeng ‘yun. May gwapong boyfriend.

“Bakit mo ba siya nagustuhan?” Tanong niya bago uminom ng iced tea.

“Kasi gwapo siya.” Mabilis kong sagot.

“’Yun lang? Di mo man lang ba naisip na may mas gu’gwapo pa sa kanya? Di mo ba naisip na puputi din ang buhok niya? Na kukulubot din ang balat niya? ‘Yan ang problema sainyong mga babae eh. Basta gwapo, crush na, mahal na.” Sabi niya na parang nangiinis.

“Edi wow.” Bastos kong sagot. Pikon kasi ako. “Edi feeling mo ikaw mas gwapo kay Blair? Ikaw ba hindi kukulubot mukha mo?” Tumaas na ang tono ng boses ko.

“Sinabi ko ba?” Masungit niyang tanong.

“Puputi din ‘yang buhok mo. Kukulubot din ‘yang mukha mo. Mabubungi kapa. At ang mga tuhod mo, hihina din. Tss.” Naf'frustrate kong sabi.

Bigla namang sumeryoso ang mukha niya at tumingin siya sa mga mata ko. “Okay lang basta ikaw kasama ko pag nangyari ‘yun.”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 18, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon