CHAPTER 2

41 3 2
                                    

Monday na ngayon at mula bukas hanggang friday ay periodic exams na namin. Medyo abala ang mga students sa pagre-review, yung iba walang ginagawa, at si Blair ko? Ayun may sinusulat, baka gumagawa ng reviewer. Pero bakit makulay yung papel? Yung bang parang origami paper. Hay, bahala na nga, kulitin ko nalang.

"Blair, ano 'yan?" Tanong ko sa kanya habang pasulyap-sulyap sa ginagawa niyang reviewer pero bigla niyang tinakpan 'yun. Pero papatalo ba ako? Hinila ko ng konti yung biceps estle muscle este braso niya para makita ko 'yun. Bigla naman niya akong tinignan ng masama.

"Pwede ba, wag ka ngang makialam." Sabi niya.

OMG. Naiiyak na ako. Bakit ba hindi ko nairecord 'yun? Grabe ang saya ko kasi kinausap niya ako. Ano bang araw ngayon ng mamarkahan ko sa calendar ko. Ahh, 12 pala ngayon. Hmm. Nanatili akong tahimik, pinipigilan ko kasi yung kilig ko.Tapos naalala ko pa yung fieldtrip namin sa 20. Okay, eight days nalang woo.

Nagtataka ba kayo kung nasaan yung teacher? Wala, walang teacher buong araw. Pero may mga palakad-lakad sa labas na nagbabantay-- pero nagk'kwentuhan lang sila. Hay, ano bang pwedeng gawin? Wala naman akong kaibigan sa classroom eh, actually wala talaga. Siguro ay takot narin silang kausapin o lapitan ako kaya ganun. Minsan nga naiisip ko, lahat na ba ng oras ko na kay Blair nalang? Hindi naman nasasayang, dba? Hintay lang, mamahalin din ako niyan.

"Camilla Loise, pinapatawag ka ng 'yong lola." Sabi nung teacher na nasa may pintuan ng aming room. Ano nanaman bang problema ni lola? Ugh. Pumunta na ako kaagad sa opisina niya para malaman ko narin kung ano yung sasabihin niya.

"Apo, napaka-bilis mo naman yata?" Sabi ng lola niya pagkapasok niya palang. Mukha talagang inaasahan niya akong pumasok agad dito. Paano kung hindi ako yung pumasok? XD Nakakahiya 'yun.

"Ah, opo. Ano po 'bang nais niyong sabihin at ako'y kailangan pang papuntahin dito?" Tanong ko sa kanya. Malalim kasing magtagalog si lola kaya dapat kapag kinausap mo siya, ganun din. At oo, nasa bokabularyo ko pa naman ang mga salitang 'po at opo' .

"Nais ko lang sanang tanungin ka kung ikaw ay sasama sa iyong mga kamag-aral sa susunod na linggo? Wala kasi akong makakapiling kapag ako'y lumisan ng bansa, nais ko sanang bumili ng bagong lupain sa bansang Canada." Dudugo na yata ang ilong ko kay lola eh. Sana naman 'wag niya ako masyadong pahirapan. Kulang nalang gawin niyang tagalog yung 'Canada'.

"Paumanhin po ngunit ako'y sasama sa kanila. Tingin ko din ay kailangan ko ng maki-halubilo sa iba ko pang mga kamag-aral dahil kung sa inyo pong napapansin, hanggang ngayon eh wala parin akong mga kaibigan." Sabi ko sa kanya sabay kamot ng ulo ko. Ano ba mga pinagsasabi ko? Si Camilla makikihalubilo? Na-ah. Tumango nalang si lola at lumabas na ako.

Dumiretso na ako kaagad sa classroom At syempre tahimik, yung iba daldalan pero pabulong at syempre may mga natutulog. NATUTULOG?! Si B-Blair, nakaside yung upuan niya at nakapatong ang kanyang ulo sa aking desk.

Dugdug.Dugdug.

Lumapit ako sa place ko at nagbend ng kaunti para makita ko siya kung tulog ba. At oo, tulog nga. Ayaw ko naman umupo kasi baka magising siya. No choice, umupo ako sa floor at isinandal ang likod ko sa katapat kong upuan -- tulog naman 'yan di mapapansin. Lumapit ako ng kaunti kay Blair at nagsalita,

"Blair, hello. Wow, normal conversation na natin ito ah. Yung magsa-salita ako tapos hindi ka sasagot. Ha-ha. Blair, wag mo akong itataboy ulit, ha? Natatakot kasi ako na isang araw, puso ko na mismo susuko at sasabihin sa akin na, 'tama na, ayaw talaga eh'. Blair, mahal kita tandaan mo 'yan ha?" Sabi ko sabay punas ng luha ko. Siguro ganito talaga pag nagmamahal, nasasaktan.

Tumayo na ako at nagpagpag, "Blair, gising kana." Sabi ko habang medyo tinatap yung balikat niya. Mga three minutes din akong nakatayo kaya nung nangalay na ako ay dahan-dahan akong umupo sa place ko. Tinitigan ko yung mukha niya, "Sana pag niyakap kita, tayo na." Di ko mapigilang sabi. Hinaplos ko yung buhok niya pero bakit parang ang likot ng mata niya? Yung bang parang nagtutulug-tulugan nalang. Napapanood ko kasi 'yun sa mga bata eh. XD Pero bigla akong nalungkot ulit, ano kayang panaginip niya? Sayang.. Kasi yung mga matang 'yan di man lang ako matignan..

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon