CHAPTER 5

16 2 1
                                    

Tinanghali na ako ng gising dahil siguro sa pagpupuyat ko kagabi. Wala na akong kasama sa kwarto ngayon. Napatingin ako sa cellphone ko at bumulaga sa akin ang mga messages ni Blair. Napatingin ako sa oras. Oh shit. May lunch kami ngayon at ala una na ng hapon.

From: Blair Leonard <3

‘Where are you?’

Napangiti ako bigla. Pero napawi ‘yon ng nabasa ko ang pangalawa niyang message.

From: Blair Leonard <3

‘Gumaganti ka ba sa akin? Tss, ang babaw mo.’

Pagpikit ko ay may lumandas na luha sa aking mga pisngi. Hinding hindi kita gagantihan Blair. Humiga ako ulit at nagisip ng irereply sa kanya.

To: Blair Leonard <3

‘Tinanghali kasi ako ng gising eh. Sorry.’

Sana maintindihan niya ako. Sana hindi na siya magalit. Tumayo ako para maligo at mag-ayos para makalabas na. Huling araw na namin ngayon at mamayang gabi pa kami uuwi. Pagkatapos kong naligo ay nagsuot nalang ako ng polo shirt at palda. Nang kinuha ko ang cellphone ko sa kama ay bigla itong nagvibrate.

From: Blair Leonard <3

‘Forget it.’

Napangiti ako sa aking nabasa. Lumabas na ako ng aming kwarto dahil kumakalam na ang aking sikmura. Ng makapunta ako sa cottage naming buong klase ay nandoon na sila at nagtatawanan. Ano kayang meron? Kumuha ako ng mga pagkain at halos mapatalon ako ng may biglang kumalbit sa aking likuran.

“Tagal mong nagising, girl.” Sabi sa akin ni Megan at tumatango si Lira sa kanyang tabi habang nakanguso. Natawa naman ako sa kanila kasi tingin ko ay kanina pa nila ako hinihintay na magisng.

“Bakit hindi niyo ako ginising?” Tanong ko habang tumingin sa likod nila at hinahanap si Blair. Nang makita ko siya ay agad ko din silang tinignan.

“Ikaw naman kasi, mukhang ang sarap ng tulog mo.” Sabi ni Lira habang natatawa.

“Humihilik ba ako?” Gulat kong tanong habang binibitawan ang aking plato sa mesa. Tinakpan ko ang aking bibig sa kahihiyan.

“Relax, hindi naman.” Sabi ni Megan kaya nakahinga ako ng maluwag.

“Pero parang muntik na.” Dagdag ni Lira sa sinabi sa akin ni Megan. ‘Tong babaeng ‘to kahit kalian talaga kontrabida sa buhay ko eh. Binelatan ko nalang silang dalawa at kumuha na ulit ng pagkain.

“Punta ka nalang sa amin pagkatapos mo riyan, ha?” Sabi ni Megan habang kumukuha ako ng inihaw na bangus. Tumango nalang ako at narinig ko ang mga yapak nila palayo. Kumuha nalang ako ng kanin saka lumapit na sa kanila.

Umupo nalang ako at tahimik na kumain para hindi na ako mapansin.

“Camilla.” Tawag ng isang nakakapangilabot  na boses. Inagat ko ang aking ulo at may matang sumalubong sa akin. Blair. Isang maamong mukha ni Blair. Napaawang ang aking bibig habang tinititigan niya ako. Anong gagawin ko?

“Blair, upo ka muna oh?” Alok ko sa kanya at umusog ng kaunti upang may maupuan siya. Umiling siya at hinila ako patayo. Binitawan ko muna ang aking plato sa maliit na mesa doon upang makatayo ng maayos. Ano bang gagawin niya? Narinig ko ang hagikgik nila Lira at Megan.

“Let’s go.” Aniya at hinila ako palabas. Sumunod nalang ako kasi nga hawak niya ang aking braso.

“Saan tayo pupunta?” Tanong ko sa kanya habang mabilis kaming naglalakad. Hindi siya sumagot at bigla nalang siyang tumigil sa harap ng isang restaurant. Naalala ko na konti palang pala ang aking nakakain kanina.

UntouchableTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon