Ocassional 2.1

1K 32 6
                                    

Note: Not connected with "We Live In Lies (Vicerylle)". This is a One-Shot. ;)

-Gravity x Sara Bareilles-

Something always brings me back to you.

It never takes too long.

No matter what I say or do I'll still feel you here 'til the moment I'm gone. 

 

"Umiiyak ka na naman diyan.. Bakit mo ba kasi pinakawalan?"

"Natatakot kasi ako na baka hindi ako 'yung magpapasaya sa kanya. Magkaibang-magkaiba kasi kami.. Alam mo naman kung anong klaseng tao siya 'di ba? At isa pa, pakiramdam ko, hindi talaga ako bagay sa kanya.."

"Namimiss mo?"

"Ano ba namang klaseng tanong 'yan?"

"Kung namimiss mo nga?"

"Oo.."

"Hay nako."

"Minsan talaga hindi sapat na mahal mo lang ang isang tao."

March 22, 2012

"Hi miss.."

"Shit Vice! Ginulat mo 'ko! Nakakainis ka talaga!" Sabay hampas nito sa dibdib ng binata.

"Aray ko naman! Surprise? Wala man lang welcome hug o kiss? Pisikalan agad? Aba Karylle, kung gusto mo talaga ng pisikalan, 'wag naman di-- Aray!" Nakatikim na naman siya ng hampas mula sa dalaga.

"Bastos ka talaga! Halika nga dito." Lumapit si Vice at agad naman siyang niyakap ni Karylle at may binulong dito, "Namiss kita." Agad naman napangiti si Vice sa narinig. Medyo humiwalay siya ng kaunti para makita ang muka ng dalaga. Hinawakan niya ang muka nito sabay sabi, "Mas namiss kita."

May inabot na paper bag si Vice.

"Oh, isuot mo yan ha. Susunduin kita mamaya. See you later!" Bigla naman nitong hinalikan si K sa lips na ikinagulat nito. Pagkatapos bigla na lang itong nawala. Napailing na lang si K.

...

Nasa harap naman ng pinto ng bahay nila Karylle si Vice. Kakatok na sana siya nang biglang bumukas ang pinto. Pakiramdam niya'y iniluwal nito ang isang napakagandang nilalang mula sa langit.

We Live in Lies (Vicerylle)Where stories live. Discover now