WLIL - Liar

1.7K 42 8
                                    

February 2014

"Karylle..."

"Sige na Vice mag-"

"Karylle!"

Nagulat siya sa pag-sigaw ni Vice.. "B-bakit?"

"Maghiwalay na tayo."

Tila nabingi naman si Karylle sa narinig niya. Ilang minutong katahimikan ang namagitan sa kanilang dalwa. Hindi alam ni Karylle ang sasabihin niya samantalang naghihintay naman ng sagot si Vice. Hindi nagtagal, si K na rin ang bumasag sa katahimikan..

"Nagjo-joke ka na naman eh! Nako, halika na nga dito at matulog na tayo. Pagod lang 'yan." Tumalikod na rin siya pagkasabi niya noon.

"Karylle hindi ako nagbibiro! Sinabi na ngang gusto ko nang makipaghiwalay sa'yo..."

Nagkuyom naman ang mga kamay ni Karylle."Ito na ba 'yon?" and tanong niya sa sarili. Pero hindi siya papayag. Ayaw niya. Hindi niya kaya...

Nahihirapan na siyang huminga dahil sa mga nangyayari. Pero madaming gumugulo sa isipa niya. Madami siyang gustong bigyan ng kasagutan.

"Bakit?" Iyon lang ang tangi niyang nasabi na sa sobrang hina ay himalang narinig pa ito ni Vice..

"Ayoko na. Pagod na ako. Sawang-sawa na ako."

"Saan ba ako nagkulang? Ano bang mali? Anong mali sa akin?

...... Ano bang naibibigay niya sa'yo na hindi ko maibigay?"

Dahil sa narinig ay nagpintig naman ang tenga ni Vice. Nagulat siya sa sinabi ni Kaylle.

Sa puntong ito, hindi na rin niya alam ang gagawin..

"A-ano b-ba y-yang s-sinasabi -m-mo? Kalokohan na naman yan!" Nauutal na pagkakasabi niya pero pinilit pa rin niyang mag-tono ng boses ni tila galit pa.

"Vice mahal kita. Oo't muka na akong tanga dahil mahal kita pero dammit Vice! Hindi naman ako bobo para hindi maisip 'yon!" Karylle is now facing him. Dahil na rin sa sakit, sa galit, sa frustration at lahat na ay hindi na rin nito napigilang umiyak.

"Pa-paano m-mo na-nalaman??"

"Hindi na naman mahalaga kung papaano eh. Pero Vice, bakit? Nandito naman na ako eh.

Pero bakit siya na naman?"

FLASHBACK

2009

"Wow! Oh eh bakit mag-isa ka dito? Nasan na ang mahal mong si Summer? Kumusta siya?" Tanong naman ni Karylle kay Vice habang palinga-linga sa paligid.

"Engaged na siya." Mahinang sagot ni Vice.

"Oh! Congrats sa inyo!! Ang saya mo for sure. Girl of your dreams mo yun eh!" Masayang sabi ni Karylle sabay niyakap niya si Vice.

"Yun na nga eh...

Hindi naman sa akin..."

Malungkot na bulong ni Vice sa tenga ni Karylle habang nakayap pa rin si Karylle sa kanya.

Unti-unting pumulupot ang braso ni Vice sa bewang ni Karylle at ibinaon na niya ang ulo niya sa balikat ng dalaga.

Here we are

Standing in the middle of a broken heart...

---

After that incident sa bar, nagkaroon na ulit ng communication si Vice and K. Eventually they became "real" friends na.

We Live in Lies (Vicerylle)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant