Ocassional 2.3

165 6 0
                                    

*Please read the previous chapter first. For sure nakalimutan niyo na ito. Hehe. Bale one-shot po ito. Continuation ng Ocassional 2.1 and 2.2* 




Karylle's POV

Ilang buwan na rin kaming magka-trabaho pero hanggang ngayon para pa rin kaming normal na tayo. Napaka pormal at professional ng relationship namin. Para namang wala kaming pinag-samahan.

Pero kung sabagay. Ako naman ang may kasalanan. Ano pa nga ba inaasahan ko? Ako na nga itong nangiwan at lahat. Alangan namang Matuwa siya dahil nagkita na kami? Alangan namang salubungin niya ako ng yakap o halik? Alangan namang humiling pa ako nang higit pa. Adik ba ako? Siguro, oo, kasi iniwan ko siya.

...

Kakatapos lang ng meeting ni Sir Vice. Sabi niya pwede na raw ako umuwi. Buti naman naisipan pa niya akong pauwiin. 1am na kaya?!

Naghihintay lang ako ng cab nang may tumigil na itimi na sasakyan sa harap ko. Eh kanino pa nga ba, edi sa boss ko. Bigla namang bumukas ang bintana.

"Karylle halika na." Naks finally tinawag niya rin ako sa pangalan ko. Akala ko kinalimutan na niya ako eh.

"Naku Sir, hindi na po."

"I insist."

"Sir maghihintay na lang po ako ng cab. Medyo malayo po kasi. Abala pa sa'yo. Uwi ka na po at magpahinga ka na."

"Pag naubos pasensya ko, sisisantehin talaga kita..."

"Sir naman, hindi ka na mabiro. Ito na nga po, sasakay na oh!" Nakakastress talaga 'tong lalaking 'to kahit kalian!

...

Syempre buong byahe tahimik lang. Mag-uusap lang kami pag magtatanong siya ng directions. Sobrang awkward. Lalo na ngayon na nandito kami sa harap ng building ng apartment na tinutuluyan ko. Magpapaalam na sana ako but for some unknown reason, nagkatama yung mga kamay naming. Aaminin ko, may kuryente. May spark... May spark pa rin...

"Uhm, sorry po sir. I'll go ahead na po. Thank you and sorry po sa abala. Good night Mr. Viceral!" at lumabas na ako. Narinig ko na lang na bumulong siya ng "no problem."

...

To be honest, gabi gabi kong iniisip si Vice. Lolokohin ko lang ang sarili ko kapag sinabi kong wala na akong nararamdaman para sa kanya. Mahal ko si Vice. Mahal ko pa rin si Vice. Pero pinakawalan ko siya.. Mukhang wala na yata talaga akong magagawa.

...

Flashback

Papunta ako sa office ni Vice dahil ibabalita ko na pumayag nang makipag-meeting sa kanya yung kliyenteng sobrang tagal niya nang hinahabol. Dire-diretso akong pumasok dahil sabi niya 'wag na daw akong kumatok pag pupunta ako don.


Kaso, sino ba namang hindi magugulat pag nakita mo siyang nakikipaghalikan...

Ang masakit pa no'n, nalamang kong si Solenn pala yung kahalikan niya. 


Sila pa rin pala hanggang ngayon..


Napansin siguro ni Vice na nandito ako kaya natigil sila sa ginagawa nila. Ewan ko ba ba't hindi rin ako kaagad makagalaw.


"Karylle," bulong niya.


"S-sorry sir." 'yun lang ang nasabi ko at tuluyan na akong umalis.

We Live in Lies (Vicerylle)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang