Ocassional 2.2

322 13 2
                                    



*Please read the previous chapter first. For sure nakalimutan niyo na ito. Hehe. Bale one-shot po ito. Continuation ng Ocassional 2.1* 

September 24, 2014

It's been a month since lumipad ako papuntang London. Sabi ko, ginawa ko iyon para makalimot.. Para makapagsimula ulit..

Ilang linggo na rin akong naghanap ng trabo at last week sinwerte ako at natanggap sa isang kumpanya. Swerte talaga dahil mukang big time dahil hindi ko rin ine-expect ang salary na ibibigay nila sa'kin.

Natanggap ako. Pero hindi ko pa alam kung saang pwesto ako mapupunta. Ngayong araw ko malalaman.

Mag-iisang oras na ako sa coffee shop sa tapat ng building na pinag-applyan ko. Aba, hindi pwedeng ma-late. Ang hirap kaya maghanap ng trabaho.

Maya-maya pumasok na rin ako sa building.

Ang dami namin dito. May iilan na mukang Pilipino pero karamihan mga foreigners or European.

"Miss Tatlonghari?" Naku, hindi pa mabasa ang apelyido ko!

"Yes? I'm here!"

"Good morning miss. This way please.."

Sumunod naman kaagad ako sa kanya. Ang dami naming dinaan. At nagulat ako nang tumigil kami sa harapan ng isang malaking pintuan na may nakasulat na "CEO".

"Wait for me here, miss."

"Oh okay.."



...



"Sir, she will be your new secretary."

"Miss Tatlonghari, meet your boss,





Mr. Jose Marie Viceral, the CEO of Trips and Vices Incorporation."



Nagpintig naman ang tenga ko nang marinig ko ang pangalan na iyon. Could it be?

"Good day, Miss Tatlonghari.." pormal na bati niya sa'kin. Nag-iba na ang itsura niya. Siguro dahil nagging mas sosyal na siya. O dahil mas mukha siyang macho ngayon. Basta gwapo pa rin siya.

"Uhm, miss."

Naputol ang pag-iisip ko; nakita ko na iniaabot pala niya ang kamay niya sa'kin.

"I'm sorry sir. Good day to you as well." Sabi ko sabay abot ng kamay ko.

"My schedule for today is clear. So I guess, I won't need you for the rest of the day. You can go. I'll see you tomorrow at 8am." Dire-diretso niyang sabi bago humarap sa katabi ko.

"Serena, kindly give Miss Tatlonghari a copy of my schedule. And please tour her around the building. Thank you. I'll go ahead."

Bago naman siya umalis ay humarap siya sakin, sabay sabing, "It was nice to see you again." Ngumiti siya at saka tuluyang umalis.

Mapaglaro talaga ang tadhana, ano?



...


I have another chapter coming up. Promise the next chapter wouldn't take 5months. Hahaha! Tina-type ko na. Gusto ko lang talaga mag-update na. Hehe!

Sorry na po. Labyu!


- A




We Live in Lies (Vicerylle)Where stories live. Discover now