Hi! Welcome! After "Her Last Smile" at natapos na rin ang "Sleeping Butterfly" here comes my another story, a story of life, hope and love. A story that will teach us to keep going na kahit sobrang hirap ng buhay. Sana magustuhan niyo at suportahan niyo. Salamat. ^O^/
HEAR ME BOK TEASER ON THE SIDE... WATCH WATCH WATCH! ^o^/
HEAR ME FACEBOOK PAGE ON THE EXTERNAL LINK...CLICK AND LIKE! ^o^
I recommend na i-play niyo po yung video sa bawat chapter para mas maramdaman natin ang bawat eksena. :) Nakakatulong ang music sa pagbabasa. 'Yan din po ang pinapakinggan ko while writing and editing this story. So ayun, try niyo po. :) Salamat!
Chapter 1. "Me of the present time"
Daphne's POV
Kaba. Takot. Pangamba. Ayaw ko sa mundong ito. Hindi ako ligtas sa mundong ito, dahil puno ng masasamang tao ang mundong ito. Panghuhusga at panghahamak ng mga tao. Pang-aalipusta at hindi pantay na pagtrato ng mga tao. Ayaw ko sa mundong ito, lalo na isang katulad kong, itinuring nilang kakaiba. Pinagtitinginan nila akong lahat. Mga tingin nilang parang nagpapalubog sa akin sa lupa. Mga tingin nilang mapanghusga. Mga tingin nilang hindi ko tanggap. Natatakot ako, sana nasa bahay na lang ako. Sana hindi na ako pumapasok pa.
Nakita kong may isa sa kanila ang lumapit sa akin habang nakaupo ako sa aking upuan. Naguumapaw na kaba at takot ang dumadaloy sa buo kong katawan. Nagpapawis ang aking mukha at nanginginig ang mga tuhod.
"Daphne gusto mo bang—" Hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya ay lumayo na ako agad sa kanya. Inurong ko ang upuan ko para makalayo sa kanya. "Daphne di kita sasaktan—" Pagpapatuloy niya, mas lalo akong lumayo sa kaklase kong lumapit sa akin. Umalis din siya kaagad na may pagkadismaya sa kanyang mukha.
"Sabi naman sayo di ka papansinin niyan eh" Narinig kong sabi ng kasama niyang babae na pinuntahan niya.
"Gusto ko lang naman siyang maging kaibigan. Gusto ko lang siyang makausap." Pagpapaliwanag ng babaeng lumapit sa akin.
"Ano ka ba, look! She's a freak! Parang mangkukulam." Panghuhusga naman ng isa nila pang kasama. Tumayo ako at lahat sila ay biglang nagulat sa ginawa ko. Lahat ng mga kaklaseko ay natahimik at napatingin sa biglaang pagtayo ko. Nakayuko lang ako habang hingal na hingal sa pagpipigil ng pagiyak ko.
Naglakad na lamang ako palabas ng classroom namin. Habang tahimik silang nakasunod ang mga mata sa akin. Nakayuko lang ako at nakaharang ang buhok ko sa aking mukha, bagsak ang balikat habang naglalakad sa gilid ng hallway. Na kulang na lang ay yakapin ko ang pinakagilid ng hallway upang walang makapansin sa akin. Umiiwas lang ako sa mga tao sa paligid ko. Umiiwas na ma-encounter ang isa sa kanila na alam kong, huhusgahan at iinsultuhin lamang ako. Kahit na ganoon, napapaisip pa rin ako kung bakit ba nangyayari sa akin ang mga bagay na ito. Bakit ba nangyari sa akin iyon?
Muling sumagi sa isip ko ng nangyari sa akin noon. Ang dahilan kung bakit ako naging ganito ngayon. Isang pangyayaring sumira sa buhay ko. Isang pangyayaring nagdala sa akin sa nakakatakot na kapalaran. Hindi ko napansin na lumuha na pala ako. Niyakap ko ang sarili ko. Nabalot muli ang katawan ko ng takot at pangamaba. Nang mahimasmasan ako, pinunasan ko ang aking luha at nagpatuloy sa paglalakad. Habang naglalakad ako, hindi ko naman sinasadya na makabangga ang isang babae.
"Ouch! What the hell freak! Are you seriously blind? I thought your just a monster! Sucks!" Malakas na sigaw ng babae sa akin. Yumuko ako bilang paghingi ng dispensa sa babaeng nakabanggaan ko, pero hindi niya ito tinanggap at malakas akong tinulak.
BINABASA MO ANG
Hear Me
SpiritualSometimes we don't say what we feel not because we don't want to but because we don't know how.