Chapter 2. "Be with you"
Daphne's POV
Pagtapos nong araw na pumunta kami ni Mama sa kaibigan niya, ay nakilala ko ang lalaking 'yon na siya ring kumausap sa akin sa may garden. Palagi niya na akong binabati at pinapansin sa school. Nginingitian niya ako at kinakausap, pero iniiwasan ko siya. Hangga't maaari ayaw kong makausap ang ibang tao. Hangga't maaari ayaw kong mapalapit sila sa akin. Natatakot ako dahil baka isa rin siya sa kanila.
Isang hapon, pauwi na ako nang may limang babae ang humarang sa daraanan ko. Mukhang galit sila at may binabalak na masama sa akin. Matalim ang mga tingin nila habang nakataas ang isang kilay na animo'y isang maling kilos ko lang ay sasaktan na nila ako. Nagumapaw agad ang kaba at takot sa aking dibdib ko. Sa mga titig nila. Hindi maganda ang mangyayari dito.
Umurong ako pero nilapitan naman nila ako. Akmang tatalikod na sana ako nang may nabangga ako sa likod ko na kasama rin nila. Bumalik ang tingin ko sa harap ko.
"Hey freak! Bakit ka kinakausap ni Bence Adam?" Sigaw ng isa sa kanila at halatang nangingitngit sa galit. Nanatili lang akong nakayuko sa harap nila at tumahimik. Natatakot ako, kinakabahan sa maaaring gawin nila sa akin.
"Girl, pipi raw 'yan. So don't expect na magsalita 'yan." Sabi isa niyang kasama sa kanya.
"What? Pipi naman pala eh kung makalandi kala mo kung sino!" Sigaw ng naunang magsalita kanina at saka itinulak ako.
"Ang kapal mo!" Sinampal naman ako ng isa sa kanila. At sa lakas 'non ay halos tangayin ang katawan ko. Nagsimula ng dumami ang mga istudyante at nanuod sa nangyayari.
"Akin na nga 'to freak!" Kinuha ng isa ang bag ko at inihagis sa lupa.
Wala na akong nagawa kundi ang manahimik at tanggapin ang pananakit nila. Marami na ring istudyante ang nakapalibot sa amin at pinaguusapan ang nangyayaring kaguluhan. Naupo ako para pulutin ang mga gamit ko. Nang bigla akong nakarinig ng sigaw ng isang pamilyar na boses.
"Tama na!" Napalingon ako sa sumigaw, at doon nakita ko siya. Galit na galit habang nakakuyom ang dalawang kamao. "Itigil niyo 'yan!" Sigaw niyang muli na nagpatahimik sa mga babaeng humarang sa akin.
Nang mga oras na 'yon. Pakiramdam ko, sasabog ang puso ko sa tuwa at kaba. Pakiramdam ko, may super hero na bumaba para iligtas ako. Pakiramdam ko, ligtas na ako. Nagsimula ng tumulo ang luha ko nang makita ko siya. Tumingin naman siya sa akin at nagtama ang aming mga tingin. Nakita ko ang pagaalala sa kanya mga mata.
Lumapit siya sa akin at inalalayan akong tumayo. Nagkatinginan kami at nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya. Kinuha niya ang bag ko at hinila paalis sa lugar na 'yon. Nagulat ako sa ginawa niya at hindi ko na nakuha pang kumawala sa biglaan nitong paghila sa akin mula sa kaguluhang iyon. Alam kong niligtas niya ako, pero bakit niya 'yon ginawa? Katulad din ba siya ng mga tao 'yon?
Gumagambala sa isip ko ang mga tanong na hindi ko mahanapan ng kasagutan. Nagtatago ang takot at pangamba sa puso ko habang ramdam ko ang paghawak niya sa aking braso. Natatakot ako.
Huminto ako sa paglalakad na siya ring nagpahinto sa kanya. Tinignan ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Napansin niya ito at mabilis niyang inalis.
"God, sorry, did I hurt you?" Nagulat na tanong niya.
Nakikita ko ang pagaalala sa kanyang mata habang direkta ko itong tinitignan. Iniwas ko ang tingin ko at umiling na lamang. Medyo masakit ang braso ko pero hindi ko magawang tumango sa tanong niya. Hindi ko alam. Pero pakiramdam ko, ligtas ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hear Me
SpiritualSometimes we don't say what we feel not because we don't want to but because we don't know how.