Chapter 10. "Let's stay together always"

8.8K 381 64
                                    

Chapter 10. "Let's stay together always"

Bence's POV

            Bence, I'm still here, waiting for you. Please Lord, help Bence to survive. Please Lord.

            "Daphne?" minulat ko ang mga mata ko. Buhay ako? Nasaan ako? Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. Hindi ko alam kung nasaan ako. Maliwanag ang buong paligid. Walang tao, at parang mahiwaga ang lugar na ito. Bigla kong naisip ang isang bagay. " Wait, am I dead? Nasa langit na ba ako?" tinignan ko ang braso ko at ang buo kong katawan. "No, I'm still alive. Buhay ako." Sabi ko sa sarili ko at muli kong nilibot ng tingin ang buong paligid.

            "Where am I? Daphne! Mom! Nasaan kayo?! Mom! Buhay ako! I survived the operation!" hinanap ko sila sa buong paligid pero kahit isang tao wala akong makitang tao. Sobrang tahimik sa lugar na ito. Nasaan ang mga tao?

            Naglakad pa ako kung saan, pero wala akong makitang kahit na ano. Hindi ko alam kung nasaang lugar ako. Nasa Pilipinas pa ba ako? Malamig ang buong paligid at tila puno ng puting bagay ang buong lugar. Napakamahiwaga lalo na ng makita ko ang isang gintong pinto mula sa malayo.

            Tumingala ako at natahimik sa nakita ko. Nakakamangh. Doon ko lang napagtanto ang lahat. Patay na nga ako, ito na ba ang pinto papuntang langit? Gumuhit ang kalungkutan sa aking mukha.

            "No, I'm not dead. Please Lord," napayuko ako at tinakip sa mukha ko ang mga palad ko. "Lord, help me." Lumuhod ako sa harap ng gintong pinto na nasa harap ko. Tumingala at kinausap siya. "Lord, please, give me a chance to live. Hindi para sa akin kundi para sa kanila." Habang nasa ganoon akong puwesto ay may narinig akong tinig mula sa gintong pintuan.

            Naririnig ko ang boses ni Mommy na umiiyak. Ganoon na rin ang tinig ni Daphne. They're all waiting for me. No, I am not going to die. Napatayo ako ng matuwid at tumingin sa gintong pinto. Huminga ng malalim.

            "Lord, ipinapaubaya ko na ang lahat sa inyo." Marahan kong ipinikit ang mga mata ko. Naramdaman ko na lamang ang isang malakas na liwanag na bumalot sa buo kong katawan.

Daphne's POV

            Patuloy na bumuhos ang luha sa mga mata ko. Habang si Tita ay naghihinagpis habang pilit na pinapakalma ni Mama. Is this really happening? Hindi pa rin ako makapaniwala at naiiling ang ulo ko habang nakatingin sa pinto ng operating room at rinig ang matinis na tunog mula sa makina. Si Bence, wala na ba si Bence? Hindi ang sabi niya kakayanin niya. Ang sabi niya mabubuhay siya.

Natigil ako sa pagiyak nang biglang nawala ang matinis na tunog na nanggagaling sa loob ng operating room at nakarinig ako ng komosyon mula sa loob.

Isang babaeng nurse ang lumabas mula sa loob at nababasa ko ang gulat at pagkamangha sa kanyang mukha.

            "Doctor, the patient!" tawag ng lumabas na nurse sa Doctor.

            Mabilis naman na pumasok ang doctor pabalik sa operating room.  Lumapit na ako kila Tita at Mama na nasa waiting area.

            "Ano pong nangyari?" tanong ko sa kanila.

            "Si Bence, lumalaban siya. Mabubuhay si Bence," kahit na umiiyak si Tita ay pilit nitong pinapangiti ang sarili niya gaya na na rin ng pagpipilit sa isip niyang mabubuhay si Bence. Pero walang makakasisi sa amin, na umasang may himala at mabuti ang Diyos na papagalingin at pahabain pa niya ang buhay ni Bence. Napatingin ako sa pinto ng operating room habang nagdarasal sa isip ko.

Hear Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon