Chapter 5. "I want to see your smile"
Daphne's POV
"Daphne Good Morning!" Masaya at nakangiting bati niya agad sa akin.
Nakita ko na naman siya sa tapat ng gate na naghihintay. Hindi ko alam, kung ako ba ang hinihintay niya o may iba pa. Marahil ibang tao iyon. Pero pagpapasok na ako ng school sumasabay naman siya sa akin. Baka nga ako, pero bakit naman niya gagawin 'yon?
Sa pagbati niya sa akin, may ilang mga istudyante ang napatingin sa amin at nagtatakang kinakausap ako ni Bence. Lahat sila masasama ang tingin sa akin. Lahat sila. Napatingin ako ulit sa kanya at nakangiti lang siya. Naglakad na ako papasok ng school at tulad ng nasa isip ko sumunod nga siya at sumabay sa akin sa pagpasok. Nagkukwento siya tungkol sa napanuod niyang pelikula kagabi. Tawa lang siya ng tawa habang nagsasalita at halatang masayang masaya ang simula ng araw niya.
Biglaan namang pumasok sa isip ko ang nangyari kahapon. Naalala ko kung paano niya pagmasdan ang ilog habang seryoso ang mukha at tila may malalim na iniisip. Kung paano ko nakita ang pangamba sa mukha niya nang sagutin niya ang tawag sa cellphone niya.
"Daphne, pwede ka bang makasabay mamaya sa lunch?" Tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang pagsagot dito. Napa-yes pa ito sa galak at tuwa. Bahagya naman akong napangiti sa naging reaction nito at pakiramdam ko, pumantig ng malakas ang puso ko.
Inihatid muna niya ako sa classroom ko at tsaka siya pumasok sa room nila. Pagpasok ko ng room, lahat ng atensyon ng mga kaklase ko ay nasa akin. Tinitignan nila ako ng kakaiba. Bawat galaw at kilos ko pinapanuod nila. Naglakad na lang ako papunta sa upuan ko. Naupo na lamang ako sa upuan ko at tumahimik.
Natapos na ang klase namin bago ang lunch break. Nagulat ako ng nagkaroon ng komosyon sa loob ng room namin. May pinaguusapan silang tao at lahat sila nakatingin sa pinto ng room. Nang mapalingon ako sa pinto. Nakita ko siya na nakatayo at nakatingin sa gawi ko. Nakangiti at sumisenyas na kakain na raw kami. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at yumuko. Habang nakayuko ako, patago akong ngumiti. Kakaiba ang nararamdaman kong saya ngayon. Natutuwa akong nakikita ang ngiti mula sa labi niya. Nagliliwanag ang paligid ko kapag nakikita ko ang mga nangungusap niyang mga mata.
Nagsilabasan na ang mga kaklase ko. Tumayo na rin ako para puntahan siya. May mga naririnig pa akong kaklase kong naiinis sa akin. At kinakabahan ako roon, itutuloy ko ba? Baka ito lang ang maging dahilan ng kapahamakan ko. Pagpunta ko sa kanya, hinawakan niya ang braso ko.
"Tara na Daphne!" Hinawakan niya ulit ang kamay ko hinila ako pababa papunta sa cafeteria. Habang naglalakad kami. Napansin kong may hawak siya sa kabila niyang kamay. Sa pagkakakita ko, para itong lunch box.
Nakarating na kami sa cafeteria at nakahanap na rin kami ng table. Pinaupo niya muna ako rito at iniwan ang dala niyang lunch box. Sinabi pa nito na wag na akong bumili ng lunch dahil marami raw siyang niluto. Natuwa naman ako sa sinabi nito. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya at natawa ng mahina. Nagtaka naman siya sa ginawa ko. Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangiti rin siya sa akin.
"I'm glad to see you smiling. I always wanna see you smile." Nakangiti niyang sabi sa akin. Nang mga oras na 'yon naging magical ang paligid ko. Para an gang aliwalas ng buong paligid ng mukha niya habang nakangiti sa akin. Kita ko ang saya sa kanyang mga mata. "
"Oh, wait I'll buy our drinks, naiwan ko kasi yung juice kanina sa chiller, ang tanga ko 'no?" Sabi niya habang natatawa. "Dito ka muna, I'll be right back" Aniya at nginitian lang ako saka siya naglakad paalis. Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niya. Hindi dahil sa naiwan niya ang juice kundi sa sinabi niyang natutuwa siyang makita akong masaya at nais niyang makita ang ngiti sa aking labi.
BINABASA MO ANG
Hear Me
SpiritualSometimes we don't say what we feel not because we don't want to but because we don't know how.