Chapter 7. "I'll fight for you"

4.8K 216 14
                                    

Chapter 7. "I'll fight for you"

Bence's POV

"Son, you know it is bad for you to go." Nag-aalalang sabi ni Mommy sa akin habang ako ay nagbibihis ng damit panglakad. Tinignan ko si Mommy at kita kong labis siyang nag-aalala. Pero kailangan kong gawin 'to, for Daphne.

"I know Mom, but it's Daphne," Mahina kong nasabi kay Mommy.

"Anak wag kang magpadalos-dalos," Aniya't hinawakan ang kamay ko.

"Pupuntahan ko lang si Daphne Mom, susunduin ko lang siya. And I know that this is happened because of me," Nalungkot ako sa sinabi ko kay Mommy. "Kaya dapat din na ako ang umayos ang gulong ito." Alam kong nag-aalala si Mommy, pero nag-aalala rin ako para kay Daphne. Baka mapahamak siya ng dahil din sa akin. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag nangyari 'yon.

Natapos na akong magbihis at lumabas na ako ng ward ko. Habang naglalakad palabas ng ospital. Tinawag ako ni Mommy, lumingon ako dito. I saw her smile, napangiti rin ako sa ngiti nito.

"Be safe, please Son." Tumango ako sa sinabi ni Mommy at ngumiti.

"Opo" Sagot ko saka dumiretso na palabas ng ospital.

Mabilis akong lumabas ng ospital habang hawak ang cellphone ko. Tinawagan ko ang number na tumawag kanina.

"Where she is?" Nanggagalaiti kong tanong dito habang mabilis na naglalakad.

"Oh boy, sobra ka yatang nagaalala sa piping 'to?" Natatawang sagot niya. Nakakainis, why is she doung this?

"Just answer my question!" Sigaw ko at tsaka pumara ng taxi. Pumasok ako sa taxi. Sinabi niya ang lugar kung nasaan si Daphne na siyang sinabi ko sa driver ng taxi na puntahan. Habang nasa byahe ako, hindi mawala ang kaba at pagaalala ko kay Daphne and I keep on blaming myself for this.

This is my entire fault. This is my entire fault. Daphne, wait for me, I will save you. I'll fight for you.

Nasasabi ko sa isip ko habang nakakuyom ang kamao at nanginginig sa takot at pagaalala. Pinagdarasal na sana ay nasa ligtas na kondisyon si Daphne at walang masamang ginawa sa kanya ang babaeng iyon. Kapag nagkataon na may mangyari sa kanya. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko. Hindi ko mapapatawad ang mga taong gumawa nito.

Wala siyang kasalanan, dahil sa una pa lang ay ako ang lumapit sa kanya. Ako ang nagpilit na mapalapit sa kanya. Ngayon, siya ang nagsasakripisyo sa ginawa ko. Naiinis ako. Bakit nangyayari ang mga bagay na 'to?

Nakarating na ako sa lugar na sinabi ng babae kanina. Nasa liblib na lugar kami, ang sabi niya bumaba lang daw ako sa kalsada. Nilibot ko ng tingin ang paligid, puno ng matataas na talahib ang buong lugar. At tanging iilang poste lang ang nagbibigay ng liwanag. Kalsada naman ito, pero walang dumaraan na sasakyan at mga tao. Tahimik ang buong paligid.

"Daphne! Nasaan ka?!" Sigaw ko sa buong paligid habang nililibot ng tingin ang buong lugar. Paikot-ikot ako habang tinatawag ang pangalan ni Daphne.

"Ilabas niyo na si Daphne! Narito na ako! Di ba ako ang may kasalanan sayo? Ilabas niyo si Daphne!" Sigaw ko na siyang nagpabilis ng paghinga ko. Naramdaman ko ang pagkirot ng dibdi ko.

Not this time, please. Saad ko sa isip ko habang nakahawak ang kanang kamay ko sa kaliwang dibdib ko.

"Daphne!" Hinihingal na ako sa pagod at dahil na rin sa pagsigaw na ginawa ko. Nararamdaman ko ulit ang pagkirot ng dibdib ko. "Not now, damn it." Maktol ko.

Hear Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon