Chapter 8. "Come back to me"
Daphne's POV
"May sakit sa puso si Bence, dapat ay magpapaopera siya pero nalaman niyang nasa masama kang lagay Daphne. Kaya naman, umalis siya para tulungan ka. Daphne, mahal na mahal ka ng anak ko."
Tulala ako habang nasa sasakyan pauwi sa bahay kasama ko si Mama. Bence is still in a critical status. Nasa ICU siya at nagpapagaling. There is no assurance of Bence condition. Maaring isang pitik lang ay mawala siya sa mundong ito. At ipinagdarasal kong hindi mangyari 'yon.
"Daphne, please hear me. I love you Daphne. I love you."
Napatingala ako nang maalala ko ang sinabi niya sa akin habang binubugbog siya ng mga lalaki. Naaalala ko ang mukha niya nang sabihin niyang mahal niya ako. Marahan na tumulo ang luha ko habang pilit na pinipigilan ang tuluyan na pagbuhos nito.
"Anak, he will be alright. Everything will be fine. Magtiwala tayo sa Kanya." Hinaplos ni Mama ang likod ko, tumingin ako sa kanya at yumakap siya. Umiyak ako sa kandungan ni Mama. Nilalabas ang sakit at lungkot na nararamdaman ko ngayon.
Limang araw na ang nakalipas mula nang ma-confine si Bence sa ospital. Hanggang ngayon, hindi pa rin siya gising. Nagaalala ang lahat sa kondisyon niya. Lahat nagdarasal na sana, magising na si Bence. Umaasa ako na magigising siya, sasabihin ko pa sa kanyang mahal ko rin siya. Araw-araw akong pumupunta sa osipital para alamin ang kalagayan ni Bence. Binabantayan ko siya araw man o gabi. Hinihintay ang paggising niya.
Narito ako sa bahay, maghapon akong wala sa sarili. Hindi rin ako pumapasok sa school at nagkukulong lang sa kwarto ko. Inaalala ang mga bagay na nangyari. Iniisip ang kalagayan ni Bence at pinagdarasal na gumising na siya. Lumabas ako ng kwarto at hinanap si Mama.
"Oh, anak? May kailangan ka?"
"Ma, gusto ko pong bumisita sa kanya." Diretso kong sabi.
Sumangayon naman si Mama sa pabor ko. Natuwa na rin ito na bumalik na ang boses ko at nakakapagsalita na ako ng normal. Pero bakit ako, hindi ko magawang matuwa sa pagbalik ng boses ko? Ngayong, kaya ko ng sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya. Pero maririnig niya kaya ako? Kung kahit na sumigaw ako kung wala naman siyang malay, may pagasa kayang marinig niya ako?
Nakarating na kami sa ospital ni Mama. Natatakot ako sa maaaring balita ng Mommy ni Bence tungkol sa kalagayan nito. Natatakot ako na baka, mawala siya sa akin. Pumasok kami sa kwarto ni Bence.
"Mare, iwan muna natin siya." Sabi ni Mama sa Mommy ni Bence.
"Tara, lumabas muna tayo." Tinignan ako ng Mommy ni Bence. "Take care of my son Daphne." Isang mapait na ngiti ang ipinakita nito bago tuluyang lumisan.
Ngayon, nasa tabi ako ni Bence. Nakahiga siya at natutulog. May mga nakakabit na aparato sa kanya. Meron sa ilong, meron sa bibig. Pero mas marami akong nakitang nakakabit na aparato sa bandang dibdib niya.
Pinagmasdan ko ang mukha niya habang mahimbing na natutulog. May mga galos pa rin ito gawa ng pagkakabugbog sa kanya. Habang tinitignan ko ang mukha niya. Labis akong nasasaktan. Nakikita ko sa mukha niyang natutulog na nahihirapan siya.
Kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa pisngi ko. Dama ko ang init ng kamay niya pati na rin ang lambot ng mga palad nito. Hindi ko namalayan na bumuhos na pala ang aking luha.
BINABASA MO ANG
Hear Me
SpiritualSometimes we don't say what we feel not because we don't want to but because we don't know how.