Gawaing May Balik

42 1 0
                                    

Sariwa pa sa aking memorya ang aming klase nung nakaraang linggo sa EsP. Sa maraming modyul na aming tinalakay, isa dito ay tungkol sa hilig.

Hilig. Ano nga ba ito?

Maraming pwedeng maging depinisyon ngunit ang pinakamainam ay ito: Ang hilig ay isang preperensiya sa pag-gawa ng isang partikular na gawain.

Ibig sabihin, kahit na napakaraming gawain ang nasa harap mo, meron ka lang talagang isang gawain na kahit pagbabaliktarin ay siya lang talaga ang iyong pipiliin. At kapag siya ay napili, nagawa, natangkilik at napaunlad, ito ay makakapagdala sayo ng kasiyahan, kagalakan at kaganapan.

Ano ngayon, ano ang hilig ninyo, mga kaibigan? Hilig niyo bang bumili ng siomai o ng sandwich? Uminom ng coke o ng sprite? Kumain ng gulay o ng fried chicken? Maligo sa umaga o sa gabi? Magsuklay sa loob ng kwarto o sa kalsada?

Napakarami po tayong pagpipilian. Napakarami po tayong mga dapat gawin. Napakarami po tayong pwedeng maging hilig. Napakarami. Ngunit ang tanong ko po, anong klaseng hilig ang tinatangkilik mo?

Isa pa po kasi sa aking natatandaan na turo ng aming guro sa EsP ay ito: Ang klase ng hilig na tinatangkilik mo ay siyang nagbibigay kabuluhan sa iyong pagkatao. At anu-ano ba ang uri ng mga hilig? Marami daw. Pero ang binigyang diin ni Ma’am ay dalawang klase lamang: Ang hilig na may balik o ang hilig na wala.

At ngayon… anong hilig meron ka, mga kaibigan?

Sa araw na ito ay isang espesyal na programa ang ating ipinagdiriwang. Ngunit sa loob ng mga taon na inilagi ko sa mundong ibabaw, ngayon ko lang po nalaman na meron palang araw ang nakalaan sa pagpapa-alala sa akin (o sa atin) ng isang importanteng hilig na may balik. At ito ay ang "Global Handwashing Day".

Ngayong araw na ito, ating binibigyang diin ang kahalagahan ng paghuhugas ng ating mga kamay sa tama at na-aayon na paraan. Sabi nga ng aking Nanay, dapat daw akong kumanta ng "Happy Birthday" kapag naghuhugas ng kamay upang masigurado na ito talaga ay malinis. Lalo pa't kadalasan ay atin itong ginagawa bago kumain kung saan pagmamadali ang ating nasa isipan. Kung kaya't, tama talaga si Nanay, kailangan kong magbilang at kumanta para malinis ko ng maayos ang aking mga kamay.

Ngayon, mapapaisip ka, bakit kaya kailangan pang maghugas ng kamay kung meron namang kutsarang ginagamit? Ang aking sagot? Minsan kasi ay hindi mo talaga mapigilan ang gumamit ng iyong mga kamay kahit may mga kubyertos na. Ngunit, ang sagot ni Nanay ay iba. Sabi niya, kailangan daw itong gawin sapagkat ang dumi ay hindi patay. Ito ay maaring gumapang galing sa iyong kamay papunta sa mga bagay na ating hinahawakan. Napakahaba pa ng kanyang eksplenasyon datapwa't isa ang tumatak sa akin: Napakahirap ba itong gawin?

Napakahirap bang siguraduhin mo na ika'y malinis? Napakahirap bang basain ang iyong kamay, lagyan ng sabon at kumanta habang ito ay nililinis? Napakahirap bang ugaliin na ang iyong mga kamay at daliri ay laging mapuputi?

Ay, oo nga no, hindi naman pala. Hindi naman pala ito mahirap. Hindi naman pala ito nakakapagod. Hindi naman pala ito mabigat na gawain. At yun pa, maliban sa ako'y natutulungang maiwasang magkasakit, ito pala ay isang gawaing tiyak na may balik.

Prose and EssaysWhere stories live. Discover now