Chapter 2. Ang Panaginip.

5 2 0
                                    

Alas dos ng madaling araw, pawisan akong bumaba para uminom ng tubig. Nakita ko na naman sila.

Madilim pero may kaunting liwanag na sumisilip mula sa nag-iisang poste sa gitna ng kalsada, sapat na maaninag ko ang mga nangyari.

Isang lalaki. Dalawang kotse. Tatlong segundo. Pagsabog ang tumapos.

Ako ba 'yung lalaking yun?

Isang lalaking duguan at hirap na hirap ngunit hindi bakas ang takot o pangamba. Dalawang kotseng nag-uuunahan- hindi ko alam kung karera o sadyang babanggain nila ang lalaki ngunit pagkatapos ng tatlong segundo, bago pa man din sila sumalpok sa binata, isang malaking pagsabog ang tatapos sa eksena at doon na ako mapapabalikwas ng gising.

Sino siya? Bakit ko 'to napapanaginipan?

"Nate?"

Halos maihagis ko ang basong hawak ko sa biglang paglapit ni mama.

"Basang basa ka sa pawis. Ayos ka lang?"

"O- opo, ma."

"Maaga pa masyado, masama ba pakiramdam mo?" sabay haplos sa noo at leeg ko. "Wala ka namang lagnat."

"Ayos lang po ako. Naalimpungatan lang. Matutulog na rin po ako ulit."

"Nga pala, nakapag-impake ka na ba?"

"Opo."

"Anak, magiging maayos din ang lahat."

Nagbitiw nalang ako ng isang pilit na ngiti bago tuluyang bumalik sa kwarto.

"Joshua Nathan. Napakagandang pangalan."

"Sana lumaki kang maayos, mabait, may takot sa Diyos, at mapagmahal sa kapwa."

"Ready ka na sa first gift na bubuksan mo?"

"Tuturuan kitang mag-bike mamaya pagkagaling ko sa office, ha?"

"Kawawa naman ang anak ko. Ang laking sugat niyan ah. Papaluin natin si papa mamaya."

Kapag malungkot ako, papanoorin ko lang 'tong mga videos na kinuha nila mama at papa sa akin nung bata pa ako. Dito man lang, makita ko at maranasan ulit ang saya ng pamilya namin.

Gumagaan ang pakiramdam ko. Lalo na kapag nakikita ko si papa na tumatawa.

Pero saan nga ba nagkulang si mama? Bakit kailangang may maging pangalawa? Bakit sa videos na 'to, kitang kita naman na mahal niya si mama. Na masaya siya sa amin. Paano nga ba nagtapos sa ganito?

Paulit-ulit. Hinding hindi ko 'to pagsasawaang panoorin.

SHOOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon