Chapter 6. Ang Pagtatagpo.

10 1 0
                                    

Bigla na naman akong napabalikwas mula sa pagtulog. Nakita ko na naman sila. Isang lalaking hindi ko kilala. Dalawang kotseng nag-uunahan. At matapos ang tatlong segundo, sinundan ng isang malaki at nakakabinging pagsabog.

"Ayos ka lang, Nate?"

Laking gulat ko sa nakita ko. Totoo ba 'to?

"Papa?"

"Oo, anak. Kumusta ka na?"

"Pa- papa.." at hindi ko na napigilan ang sarili kong yakapin siya at umiyak ng umiyak. Parang ang tagal ko na siyang hindi nakakasama sa sobrang pangungulilang nararamdaman ko.

"Papa, 'wag ka nang aalis. Please?" hindi pa rin matigil ang pag-iyak ko habang nakayakap pa rin sa kanya.

"Hindi naman siya aalis."

Nagtaka ako sa pagbabago ng boses niya. Napabitiw ako at muling nagulat na hindi na pala si papa ang yakap ko. Si Andrei.

"Andrei?"

Ngumiti lang siya habang hinahaplos ang buhok ko.

"Hindi ka namin iiwan."

Pero mayamaya pa ay nakarinig ako ng isang malakas na putok ng baril. Parehong nanlaki ang mga mata namin ni Andrei at napahawak siya sa dibdib niya. Dugo. Puro dugo. Maging ako ay may dugong tumutulo mula sa aking dibdib. Napasigaw ako.

Nagising nalang ako nang maramdaman kong tinatapik ni mama ang pisngi ko.

"Nathan! Nathan!"

Pagkadilat ko ay napabalikwas ako ng bangon.

"Nathan! Gising! Gumising ka muna, nak!" yugyog sa akin ni mama para akong hinigop pabalik sa realidad. "Magpupunta tayo sa ospital, bilisan mo. Bumangon ka na ha?!" at agad siyang lumabas sa kwarto ko nagmamadali.

Ospital? Ano bang nangyayari? Nananaginip lang ba talaga ako kanina?

"Ma! Sinong na-ospital?!" sigaw ko mula sa kwarto. Napakabilis ng tibok ng puso ko na halos lumabas na yata ito sa dibdib ko. 11:52 PM. Nakita ko ang oras mula sa relo ko.

"Si Andrei! Kaya bilisan mo nang bumaba d'yan! 'Wag ka nang magbihis! Ayos na yang pajama mo!" sagot niyang pasigaw mula sa baba.

Para akong binuhusan ng nagyeyelong tubig. Si Andrei? Naguguluhan ako sa mga nangyayari. Hindi ko na alam kung alin ang panaginip at hindi.

Agad kaming sumakay ni mama sa kotse at pinaharurot niya na ito.
Walang kibuan sa sasakyan dahil halong nerbyos, pag-aalala, at pagtatataka ang nararamdaman ko. Minsan akong napapatingin kay mama na balisa at halos namumutla na dahil din sa tensyon.

Ilang minuto pa yata ang layo ng ospital mula sa amin pero dahil sa pagmamadali ni mama ay parang humikab lang ako at nakarating na agad kami.

"Saan 'yung binata na nabaril? Si Andrei?" bungad agad ni mama sa nurse na nasa station nang makapasok na kami sa emergency unit ng ospital. Sumenyas naman ang babae na sa gawing kanan kami magpunta. Patakbo na halos ang lakad ko para lang makasabay kay mama. Pero teka, nabaril? Nabaril si Andrei? D'yos ko. Parang awa mo na, biniyayaan mo na ba ako ng super powers? Halos mawala na rin ako sa sarili kakaisip!

Nang makarating kami sa isa pang station nang nurse ay akma nang magsasalita si mama pero nakita ko na agad si Andrei na nakahiga na ngunit may malay naman at inaasikaso ng isang duktor. Agad ko naman itong itinuro kay mama na agad ding tumakbo palapit kay Andrei.

"Kumusta siya? Kumusta ka, Andrei?" habol-hininga niyang tanong.

"Okay lang po siya, ma'am. Natanggal na rin po yung bala sa braso niya," sagot naman ng duktor. Habang nag-uusap sila ay napapatingin naman ako ng palihim kay Andrei na napapangiti nalang din sa inaasta ni mama. Hindi ganoon kalayo ang pagitan namin kaya kapag siya naman ang mapapatingin sa akin ay inilillihis ko ang aking mga mata. Pero naramdaman niya na rin yata ito.

"Nathan?"

Napatingin ako sa pagtawag niya. Para akong tinawag ng isang engkanto na nanigas yata ang aking buong pagkatao na hindi ko maintindihan kung bakit.

"Hi. Uhm... Ayos ka na ba? Anong nangyari? Bakit-" hindi na niya pinatapos ang mga sasabihin ko. Tila ramdam niya rin na naguguluhan ako na nahihiya na naiilang. Hindi ko rin maintindihan

"Andrei nga pala," sabay abot niya sa kanan niyang kamay na ginantihan ko rin naman.

Sa unang pagkakataon, sa dinami-raming beses ko nang nakipag-kamay sa mga tao, ngayon lang ako nakaramdam ng ganito.

"May tinulungan lang akong dalaga kanina. May umagaw kasi ng bag niya. Hinabol ko. Ang kaso may dala rin palang baril at naunahan ako. Mabuti na nga lang daplis lang 'to eh. Swerte at may pulis din na malapit sa amin kaya narespondehan kaagad."

"Teka, nag-aaral ka pa, tama? Bakit may baril ka na rin?"

"Rehistrado naman kaya ayos lang. At hindi naman ako kagaya ng iba na yabang at tapang lang ang habol kaya nagdadala."

Matapos asikasuhin ni mama ang mga dapat asikasuhin ay nakalabas din naman agad kami ng ospital kasama si Andrei. Isinabay na rin namin siyang umuwi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 19, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SHOOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon