Chapter 3. Ang Bagong Simula.

4 1 0
                                    

"Dahan-dahan sa paintings ha? Kuya, 'yung isang box, nai-akyat na ba?"

Abalang-abala si mama sa pagpapababa ng mga gamit. Alam niyang hindi ako puwedeng magbuhat dahil sa pilay ko sa kaliwang balikat mula pa no'ng pagkabata kaya hinayaan niya na lang akong mag-ikot-ikot at obserbahan ang paligid ng bago naming bahay. Kahit paano naman ay tumutulong ako sa pag-aayos at sa magagaan na kahon.

Bagong titirhan, I mean. Pero matagal na 'to. Pamana sa kanya 'to ni lolo pero hindi niya tinirhan noon dahil may kalayuan sa Maynila. Pero dahil mas gusto na niya ngayon ng tahimik na lugar at buhay, heto, nandito na kami ngayon.

Puti. Asul. Itim. Mukhang pinabago ni mama ang pintura. Sa pagkakaalala ko kasi, beige ang base color nito dati. Mas gumanda. Mas bumagay sa westernized theme ng bahay. Malaki at malawak ang harapan na may iilang mga halaman. Napangiti rin ako sa maliit na duyan na nakasabit sa puno ng mangga. Nandoon pa pala 'yon. Naalala ko no'ng huling dalaw namin dito, nag-away pa kami ng pinsan ko dahil nag-agawan kami sa duyan na 'yon.

May kalayuan ang pagitan ng mga bahay dito. Probinsiya kasi. May isang bahay rin sa tapat lang namin pero parang walang nakatira. Medyo marumi kasi ang harapan na parang walang naglilinis. Pero may nakaparadang gray na kotse sa loob. 'Yung sa hilera naman namin, ilang metro pa yata ang layo pero tanaw pa rin naman ang detalye ng mala-mansyong bahay sa kanan ng amin at ang sa kaliwa naman ay may mataas na pader pero kita pa rin ang kalahati ng bahay na mukhang palasyo naman sa ganda. 'Yon yata ang na-kwento ni mama dati na nakapangasawa raw ng Amerikano.

Naalala ko 'yung kwarto ng pinsan ko na nasa Canada na ngayon. Doon yata ang magiging kwarto ko. Umakyat na ako sa loob para tingnan at matantya na kung anong mga gamit pa ang kailangan o kung anong mga dapat ipaayos para habang nandito pa 'yung ibang nagbubuhat, maipagawa na agad.

"Wow." 'Yan nalang ang nasabi ko nang buksan ko ang kwarto. Maayos na pala. Malamang si mama na naman ang nag-asikaso nito bago pa man din kami lumipat. Dark blue ang kurtina na nakasabit sa malaking bintana nito. May lamp shade na rin at study table sa gilid at nababalutan na rin ng dark blue rin na comforter ang kama. Pinagsamang puti at sky blue naman ang mga unan at sa gilid ay may maliit na mesa na may mga nakapatong na libro. May iilang cabinets na rin at malaking salamin sa bandang kaliwa. Alam na alam talaga ni mama kung anong mga kailangan ko. Ibang iba ito sa magulo at makalat na kwarto ng pinsan ko. Malamang, kapag umuwi 'yun o dumalaw dito, maiinggit na naman 'yun.

May kumatok sa pinto na bahagyang nakabukas.

"Nagugutom ka ba?" Si mama.

Umiling lang ako.

"Nagustuhan mo ba? Ikaw na bahalang mag-ayos. Kung may kailangang idagdag, sabihan mo lang ako. 'Yung ibang gamit mo, ipapa-akyat ko na."

"Ma, salamat po."

Isang ngiti lang ang sinagot niya at isinara na niya ang pinto.

SHOOTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon