Pasensya Na

25 2 0
                                    

Hindi ko sinadya na mahalin ka
Mahalin, higit pa sakanya
Hindi ko sinadya maging  totoo
Totoo na mahalin ka sa puso ko
Hindi ko sinadyang masaktan
Masaktan sa iyong pagkawala
Hindi ka sinadyang umiyak
Umiyak sa puso kong nawasak
Hindi ko sinadya ang lahat, pasenya na
Pasensya sa lahat ng naamin ko at aaminin ko pa.

Hihingi ako ng tawad sa lahat ng inamin ko
Pasensya na kong Di ko napigilan ang sarili ko
Di ko Lang maiwasan damhin ang iyong salitang binitawan
Mga salita na pinanghahawakan ko kaya akoy nasaktan

Iniwan mo akong umaasa na babalik ka
Alam ko may iba kang ginagawa
Na may pinagkakaabalahan ka
May mga importanteng bagay na dapat mong gawin
Sino ba naman ako?  Di mo nga ako kayang mahalin.

Namalikmata ako sa salitang gusto kita
Akala ko kaparehas nitoy Mahal kita
May malawak pala itong distansya
Sa salitang pweding manligaw
Nawala din ako saglit, pusoy naligaw
Di na alam kung paano bumalik
Umiyak, nakikiusap na tama na
dahil akoy nawasak na

Mahal kita kaya Di na kita gugulihin
Pinalaya ko na yong sarili kong ikay mahalin
Malaya na tayo na sa isat isa
Kahit walang tayo na nagkaisa
Pagod na kasi akong umasa
Akoy sawang sawa na sa katangahan ko
Ang hirap nang umiyak ng patago
Kaya stranger maging masaya ka sana
Pinalaya na kita dahil panalo kana.

Unspoken OneWhere stories live. Discover now