Modelong kay lakas

9 1 0
                                    

Ang sarap balikan ng mga alaala noon
Alaalang nagbigay saakin ng pagkakataon
Pagkakataon balikan ang mga pag subok na aking hinarap
Mga pagsubok na nagbigay ng malaking puwang saking hinaharap

Maraming nasayang na mga luha
Mga sigaw na kay pait na naririnig at nakikita
Naalaala ko nga, umiiyak ako dahil may pinagalitan na isang bata
Nakakatawa kasi hindi ako iyong bata

Iyong panahon na takot sa mga tao
Takot makipag usap, makisama, makiuso
Alalang alala ko iyon, nakakatawa
Naging isang anak sa hindi kadugong ina
Kapatid ang turing sa anak niya

Mabilis manginig sa takot pag umalis ang ina
Pinaamo ang takot nadarama
Naging isang bayani sa isang mosmos na bata
Pinalitan ang takot ng kagalakan at naging maayos na ito

Kaya maraming salamat guro namin
Nagpapasalamat ako dahil sa paggabay samin
Salamat dahil lumabas ako sa aking lungga
Sa panahong takot na takot ako, salamat sa pagpahupa

Hindi namin maaabot ang mga mithiin kong hindi dahil sainyo
Iyong mga tagumpay na nahihita dahil sa inyong pagturo sa puso

Hindi lang kayo naging isang guro
Naging ina, ama, kapatid, pamilya kayo
Naging isang lugar ng kaginhawaan
Na kung saan kumukuha ng kalakasan

Salamat dahil naging malakas kayo
Sa panahong nawalan ng pag asa ang puso
Nawalan ng liwanag at hindi alam kong saan ang patutunguhan
Salamat dahil nandiyan kayo at pinaliwanag ang tatahaking daan

May mga problemang dumadating, isa kayo sa gumagabay
Humanga ako ng malaki dahil nagawa niyo iyon kahit na may problema sainyong kumakaway
Naging isang modelo na nagpapakita na dapat maging malakas
Salamat ng marami aming guro,  aming modelong kay lakas.

Unspoken OneWhere stories live. Discover now