Nahulog ako Sayo

25 0 0
                                    

Nakita kita, at ako'y nabihag
Sa iyong mga matang puno ng galak
Sa iyong mga ngiting kaayaaya
Hulog na hulog ako at di ko kinaya.

Pinilit kong pigilan
Ngunit sadyang di kayang puksain
Pilit kong iniintindi
Na hindi pwede, bawal at hindi maari

Pero sadyang taksil ang damdamin
Umaasang ito'y maamin
Nagpupumilit itong lumabas
Sakanyang pagpilit ang raming luhang tumagas

Isa sa mga kaibigan ko'y iyong kakilala
Una kayo, bago naging kami
Kayo ang may alaala ng nakaraan
Habang kami ay nagsisimula palang

Inaamin ko sa kanya at akoy tinulongan
Pero sa bawat sambit niya ako'y kinakabahan
Pano kung kayo pala?
Pano kung hanggang dito lang 'to?

Maraming tanong ang umaaligid
Pero isa lang ang masasabi kong masakit
Hindi niya ako kilala
Hindi ako ang tipo niya

Sana dumating ang panahon na titigil ito
Ang damdaming nasa puso
Ang pag asang ako'y kanyang mapapansin
Ang pag asang ako'y iibigin.

Unspoken OneWhere stories live. Discover now