Di Mo Alam

23 2 0
                                    

Pinasok ang magulong mundo ng di namalayan
Kung saan ang mga kasinulingan ay syang masisilayan
Ginawa ko to para sa isang taong nang iwan
Isang taong pinaasa ang pusong mtagal nang luhaan

Pero di namalayan nahuhulog na ang loob ko sa iba
May nakitang ibang tao na syang nagbigay kaba
Kaba na kung saan takot nang tumibok ang puso na naman sa iba
Isang kaba na lumusong sa pag ibig na kakaiba.

Lumipas ang mga araw, nagkakausap tayo
Hindi kita ginawang panakip butas kahit kailan na nagkausap tayo
Hindi ko alintana ang puso kong basag na dahil sakanya at natatakot akong mabasag ulit dahil sayo
Pero wala parin akong sinabi at ginawa ko pang isulong ang puso

Ngunit sa isang iglap nagbago na naman ang lahat
Di ko alam na masasaktan ulit ako, umiiyak ang puso ng luhang kay alat
Hindi ko na alam, pilit kong hinabol ang oras para satin
Ngunit ikaw tong pilit lumalayo at Di pinapansin ang meron satin

Sabi ko sa sarili ko "masasaktan na naman ako. Pagod na ako pero ayaw kong sumuko sa salitang pag ibig"
Paulit ulit kong wika sa aking pag iisip
Na sana ganon rin ang iyong ginawa bago mo bitawan ang mga salitang nagbibigay kaba sa pusong naging masaya
Di mo alam sa oras na kausap kita binuo mo ulit tong pusong nasira
Di mo alam yon

Di mo alam na sa bawat oras na Di kita kausap nasasaktan ako
Ilang oras naghihintay sayo pero para sa ano?  Para lang makausap ka, para makausap ka lang
Ngunit nasaan ka?  Nasan ko nong miss na miss na kita?  Di ko alam, Hindi ko alam, wala akong kaalam-alam kong nasan kana

Alalahanin mo hindi ka naging panakip butas kasi dumating ka sa buhay ko tapos na akong mahalin sya, dumating ka sa buhay ko at ikaw aking minahal na
Kung sasabihin mong pagod kana ayaw muna.
Sige pagbibigyan kita di mo naman alam diba?  Di mo alam na totoo lahat para sakin.
Kasi para sayo laro lang to sige pagbibigyan kita
Hindi ako maghahabol, hinding hindi
Nakakapagod kasi eh pagod na pagod na po ako kasi

Di mo alam, mahal na mahal na kita kahit sa sandaling araw lang kita nakilala
Di mo alam, wala kang kaalam alam
Kung nakahanap kana ng iba sa panahong di mo na ako kinakausap
Okay lang di mo naman ako gaano kakilala diba? At lalong hindi mo ako gustong makilala

Tatanggapin ko lahat lahat, tatanggapin ko ulit ang sakit
Nagmahal lang naman kasi ako yon ngalang nasa maling oras, maling panahon at maling tao
Magiging okay lang ako
Naniniwala ako don kaya maraming salamat

Salamat sa sandaling nakasama kita
Di mo alam, pinahalagan ko yon lahat lahat
Di mo alam na may halaga bawat pag uusap natin
Alalahanin mo minsan sa mundong pinasok mo may taong nagmamahal ng tapat sayo
Alalahanin mo na kahit nagkakilala tayo sa mundong iyon minahal kita ng totoo

Miss na miss na kita, ung magkakausap tayo dahil nagseselos ka
Mamimiss ko un ung nakakakilig mong pag angkin sakin mamimiss na miss ko yon
Di mo alam, na nahihirapan ako
Di mo, alam ung mga pinagdaanan ko
Di mo alam lahat yon
Pero okay lang un pinasaya mo naman ako kahit sa sandaling panahon
Lab mahal na mahal na kita at wag kang mag alala nadapa man ako, akoy aahon.

Unspoken OneWhere stories live. Discover now