TSHIKIB Chapter 19
JEEANNE'S POV
Sabado pero kailangan na namang pumasok. Hindi para sa review o ano, dahil sa committee ako. Ayokong pumasok, yan tuloy, tamad na tamad akong kumain.
"Ayusin mo kaya pagkain mo." Sorry kuya. -.-
"Tinatamad kasi akong pumasok, Kuya. T^T"
"Sus. Bakit kasi sumali-sali ka pa diyan tas tatamarin ka din naman pala?"
"Hindi naman ako nagpresinta sa sarili ko, sila Izzie kaya. T.T"
"Ahh. E bahala ka na diyan."
"Naman Kuya e. Akala ko ba tutulungan mo ako kapag may problema ako?"
"Oo nga, Anne. Pero hindi kapag may problema ka dahil sa katamaran.:P Sige, mauna na ako ha? May pasok din ako. Ingat ka, Anne. Umuwi agad." Palabas na si Kuya sa pinto tas tumigil siya bigla tas may nagsalita.
"Ahh. Hello po, Kuya Xander. Susunduin lang po sana namin si Jeeanne." Sino yun? Si Daryl?
"Anne! Bilisan mo nang kumain diyan, nandito sila Daryl at Peter. Sinusundo ka daw." Aish. "Sige ha, kayo na bahala sa kapatid ko. Pasok na muna kayo. Ge, una na ako." Tas umalis na si Kuya.
"Bakit niyo ko sinusundo?"
"Wala kasing service pag may pasok ng Sabado, di ba?"
"Oo nga. E pero bakit niyo nga ako sinusundo?" Sensya kung makulit. -.-
"Ah. E. Kasi Jee. Ano e." Ayaw pang diretsuhin nitong dalawang 'to.
"Bakit nga?"
"Jeeanne, seryoso kami na manliligaw kami sa'yo. Hindi lang yun dahil sa plano nila Izzie. Gusto ka talaga namin ni Peter. Hindi kami umaarte lang nung nag-away kami dati. Kaya naman kami nagkaayos agad, kasi wala namang patutunguhan kung mag-aaway pa kami. Mag-aalala ka lang."
"Totoo yung sinabi ni Daryl. Jee, gusto pa din kita. Mali pala, mahal pa din kita. Kaya manliligaw ako ulit sa'yo kung ayos lang. Pero hindi naman pala ako nahingi ng permiso, sa ayaw mo o sa gusto, manliligaw ako. Tama na siguro yung mga sinayang kong oras nung pinabayaan kita kay Eric."
"Yung mga sinabi ko, para sating dalawa. Tas yung sinabi mo, para sa'yo lang. Laban naman ng patas oh."
"Sensya na. Hindi mapigilan yung nararamdaman e."
Alam niyo kung anong reaksyon ko sa kanila? "Hahahahahahaha!" Oo, natawa ako, tinatawanan ko lang sila. Sama ko ba? E kasi naman. Alam mo yung unang una sa lahat, ang gwapo gwapo nitong dalawa tas biglang parang mga bata na nagtatalo ngayon? Pero natutuwa ako kahit ganon. Hehe. Ewan ko, kaysa kasi magtalo sila, nagtutulungan sila kahit iisa lang sa kanila yung pwede kong magustuhan. Kaso kung tatanungin niyo ako ngayon, wala akong nararamdamang may mas espesyal sa kanilang dalawa, patas lang sila. Anyway, kaya nga sila manliligaw e.
"Psh. Tinatawanan lang tayo, Peter. Mga kakornihan mo kasi. Tsk."
"Hindi, hindi. Para kasi kayong mga bata. Kapag tiningnan kayo, ang cool niyo. Pero nung nagsalita na. Wahahahahahhaha!" Hindi ko sinabing ang gwapo nila, syempre. Baka lumaki mga ulo e. Anyway, natatawa talaga ako. Sorry.:))
"Aish. Yaan mo na lang, Daryl. Pero Jee, seryoso kami." Napatigil tuloy ako ng tawa.
"Seryosong seryoso. Pero tuloy pa din yung usapan. Kailangan normal pa din yung pakikitungo natin sa isa't isa. Though alam namin na may magbabago sa pakikitungo namin sa'yo kasi nga nanliligaw, pero hindi mo kailangang isipin yun masyado. Basta nakapag-usap na kami ni Peter na may the best man win."
"Kayo may sabi niyan. Walang sisihan pag hindi ko napansin yang mga efforts niyo sa panliligaw niyo.:P"
"Yup. :)"
"Okay, tara na. Punta na tayo sa school.:D"
Sa totoo lang, kahit nasabi na nila sakin dati na manliligaw sila. Hindi ko pa din alam magiging reaksyon ko. Patay malisya na lang. Wala pang problema. Mammroblema na lang ako pag may naging mas matimbang na sa kanilang dalawa dito sa puso ko dahil naparamdam nila sakin yung naparamdam ni Eric dati.
*School
Nagmeeting lang kung anu-ano pa yung agenda na hindi pa nagagawa at kung sinu-sino gagawa. Tapos may announcement samin na magkakaron daw kaming mga committee ng leadership training sa Baguio. Aish. Bakit napakahassle sa buhay ko nitong committee na 'to? Sensya, tamad ako pag may trabaho na gagawin. Ayos ba naman kung gala lang e.-.- Anyway, free time daw namin. Bawal pa kasing umuwi hanggang wala pa yung time na nakalagay dun sa sched. Haaaay.
"Ayaw kong sumama sa Baguio."
"Wag KJ, Jee. Hahayaan mo bang kaming apat lang ang pupunta? Mamimiss mo yun happenings, sige ka.:P"
"Haaay. Sabi ko nga po, Shane. Sasama ako dun sa leadership training na yun."
"Pero Jee, matanong lang. Bakit ba ayaw mong nasama sa mga gantong activities? Nag-aaral ka ba sa inyo?"
"Izzie, wag mo ng itanong. Hindi yan nag-aaral. Baka mapoot ka lang sa ginagawa niyan sa bahay tapos isa siya sa mga running for valedictorian ng batch natin."
"E bakit, Peter? Alam mo ba ginagawa ni Jeeanne sa kanila?"
"Daryl, wag ka na nagtatanong ng mga bagay na makakasakit sa'yo.>:))" Tas nagtalo na naman yung dalawa. Haha. Ang kukulit lang.
"Izzie, Jee. Alam niyo ba, male version niyo yang dalawa.:))"
"Asa naman, Shane. Di ba, Jee?"
"Oo naman. Hindi kami ganyang kaisip bata.:))"
"Sinong isip bata, ha?" Sabay na tanong nung dalawa.
Kaya sumagot din kaming tatlo ng sabay, "KAYO!" Tas sabay tawa.:))
Nagkulitan, nag-asaran, nagkwentuhan at nagtawanan kami hanggang sa payagan na kaming pauwiin nung moderator namin sa committee. Hindi naman pala ganon kasama yung may pasok ng Sabado. Masaya din pala, basta kasama sila.:D
___________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
To Someone's Heart, I Know I Belong
Non-FictionKung minsan, hindi yung hinahanap natin ang kailangan talaga natin sa buhay.