TSHIKIB Beginning

168 2 0
                                    

_____________________________________________________________________________________

To Someone's Heart, I know I Belong (TSHIKIB)

Hello! Ako po pala si Jeeanne, Jeeanne Mae Roxas, 16 years old pa lang ako pero madaming nagsasabi na mukha akong mas matanda pa. Sakit lang, ganon na ba talaga ako katanda tingnan? Anyway, 4th year high school student na nga pala ako ngayong pasukan sa St. Francis of Assisi High School sa may doon. Oo, doon.:P Mahirap na e, baka puntahan niyo ako para tingnan kung mukha nga akong matanda.xD

"Jeeanne!" Di pa ako tapos magpakilala sa inyo tas may umiistorbo na agad.

"Po?" Sagot ko yan. Narealize ko kasing Mama ko pala yung natawag sakin.xD

"Bumaba ka na dyan, malapit na dumating ang service mo. Baka first day na first day mo sa 4th year ay late ka na agad."

"Opo, Ma. Sandali na lang po 'to." Hehe.>:) Lagi nga pala kasi akong late nung mga nakaraan kong taon sa high school, naiiwanan kasi ng service. Masarap kasing magmuni-muni sa harap ng salamin e.

"Buti naman at bumaba ka na. Ikaw na lang ang naandito, kanina pa nakaalis ang mga kapatid mo. Tsaka ayan na service mo oh. Sa school ka na lang mag-umagahan, ang bagal mo kasing kumilos." Aish. Di pa nga pala ako nakain, kawawa naman ako. Gutom na ako. T.T

"Sige po, Ma. Alis na po ako."

Nasa service na ako. Haaaay. Di ko kasi kaservice yung dalawang kaibigan ko e. Kapag wala sila, lagi akong walang makausap tapos wala din akong katabi. Maluwag kasi sa service namin, parang bus 'to na maliit. Gets niyo naman, di ba? Basta bus, kaso mas maliit tas kulay dilaw.:))

Sa school na tayo, wala namang importanteng nangyayari sakin kapag nasa service e. Napakatahimik na mga nilalang ng mga kaservice ko. Ako lang maingay dun, kaso wala ako sa mood mag-ingay ngayong first day. Gutom na ako talaga.-.-" Tsaka ayun na pala yung dalawa kong kaibigan.

"Izzie! Shane! Kanina pa kayo diyan?"

"Nope, kararating lang halos namin. Bakit kasi ang layo ng bahay niyo sa amin e, hindi ka tuloy namin pwedeng makasama sa service ni Izzie. Para naman hindi ka mukhang loner kapag nasa labas ng school."

"Sus. Yan, Shane? Loner? Sa daldal niyan, malabong maging loner yan kahit san mo pa ilagay. Baka kahit langgam nga kausapin niyan e."

Sige lang Izzie, wala ako sa mood makipagtalo sa'yo. Gutom ako e.-_- Papakilala ko muna pala sila sa inyo.

Shane, Shannella Mae Mendrez. Isang nilalang na iisipin mong anghel, bakit? Kasi naman, kahit gaano kaloko, kabaliw, kaadik o ano pa man yang kausap niya, kaya niyang kaibiganin at pagtyagaan. Hindi nagagalit, hindi nagrereklamo at laging kalmado. Maliban pala kapag kami ni Izzie ang kasama. Kapag kami ang kasama niya, makikita mo tunay niyang pagkatao. Sabog yan, pinakagreen din saming tatlo. Ako syempre ang pinakainosente.>:))

Izzie, Elizabeth Esguerra. Ang taong lagi kong kasigawan, kadebatehan, kaaway at iba pa.:)) Madaming natatakot para saming dalawa kasi lagi kaming ganon, pero wala na e. Ganon kami magpakita ng pagmamahal namin sa isa't isa. Si Shane palang ang sanay samin na ganon.xD

"Hoy!"

"Ay, kabayo! Izzie naman, wag kang manggulat."

"E kasi naman, kanina pa kami daldal ng daldal ni Shane dito tapos para ka namang wala sa mundo."

"Sorry na po. Gutom ako e."

"Hayaan mo na nga si Jeeanne. Hindi ka pa nasanay diyan Izzie, e laging gutom yang taong yan kapag umaga."

"Bahala ka nga. Pero kanina pa tunog ng tunog cellphone mo. Try mong tingnan."

Aish. Oo nga, baka si batman ko na to. :"> Siya nga, nawala tuloy gutom ko. Si batman ko nga pala ay yung mahal ko na nakilala ko lang gawa ng text, Eric name niya. Parang ngang may cellphone ako para lang makatext ko siya e. Ang weirdo ko, nu? Pero hayaan mo na, 2 years mahigit ko na ito katext kaya ayun, nahulog na ako ng tuluyan kahit di ko pa naririnig boses niya at kahit di ko pa siya nakikita ng personal.

From: Batman ko <3

Good morning Wifey ko. Sorry kung hindi po ako nagising kasabay mo. Be good sa school ha? I love you.:-* >:D<

 -End-

Kinikilig ako.:"""""> kami nga pala, 1 year mahigit na, baka kasi hindi niyo alam e.xD

"Hulaan ko, yan yung batman mo na hindi mo pa nakikita pero ipinagpalit mo si Peter na 9 months mo ng boyfriend para sa kanya?"

"Ikaw na Izzie ang magaling. Tapon kita diyan e. Inggit ka lang kasi.>:P"

"Ako? Maiinggit diyan sa batman mo na isang taon mo ng boyfriend pero daig pa si kuya ng pbb dahil di mo pa din nakikita? Isang malaking ASA, Jeeanne. Pabatukan Shane yang babaeng yan ng malaman niyang ang tanga tanga niya."

"Jeeane, alam mo na siguro ang gusto kong sabihin, di ba? Sana matauhan ka na, tama na pag-asa mo na sa college magpapakita siya sa'yo. Paano pag hindi siya nagpakita? Mag-aantay ka hanggang makagraduate ka naman ng college? E pano kung isa na pala sa mga may gusto sa'yo ngayon yung para sa'yo talaga? E deh nasayang lang? Tapos ikaw naman, patuloy lang masasaktan."

"Ano ba?! Yan na naman bang mga sermong yan?! Sawa na ako diyan. Hindi niyo ba maintindihan na si Eric lang ang totoong nagpapahalaga sakin?! Hindi siya katulad ng magulang ko na puro mga kapatid ko na lang iniintindi! Kaya bakit ko papakawalan pa? Ano kung nasasaktan ako sa sitwasyon namin? Hindi lang naman ako e, sigurado pati siya kaya dapat magtiis ako. Konti na lang oh, ggraduate na tayo. Malapit na, makakasama ko na siya." Naiiyak na ako. "Konti na lang oh, konti na lang."

Hindi na sila nagsalita. Bakit? Kasi simula nung nakilala ko si Eric slash Batman ko, lagi na nila akong sinesermunan ng ganyan. Alam ko sa sarili ko na ang tanga ko, pero kapag puro sakit na nararamdaman mo, hindi naman masamang maghangad ng kasiyahan at pagmamahal, di ba?

___________________________________________

To Someone's Heart, I Know I BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon