TSHIKIB Chapter 11

76 2 0
                                    

TSHIKIB Chapter 11

DARYL'S POV

Ano ba yan? Hindi pala si Jeeanne yun. Nakakahiya tuloy kay Trice. Ayun sila Izzie, pero hindi naman nila kasama. Asan kaya yun? Haaay. Hindi din nagrereply. Mahanap na nga lang si Peter.

"Jerome! Asan si Peter?" Sila kasama dapat nun ha.

"Peter? Hindi sumabay samin. Tinatamad daw siyang kumain. Nasa may garden ata ng Botany Club yun." Ano namang ginagawa nun dun? Aish. Mapuntahan na nga lang.

Lakad, lakad, lakad, lakad. Aish. San ba yun? Hindi ko naman kasi pinupuntahan yun e. Ay! Dito yun. Lakad, lakad, lakad. Wala namang tao e. Pero may garden pala kami dito. Kahit paano, maganda naman. Ano yun? "PeterAnne's Territory?" Tsk. Parang bata naman yung naglagay nun. Teka, PeterAnne's? Si Peter kaya na kakilala ko yun? Ah ewan. Makaalis na lang.

"Daryl? Hindi ko nga yun nakita ngayong lunch time e." Teka, sino tong babaeng nagsasalita? Ako ba yung tinutukoy niya? Daryl daw e.

"Hinahanap ka niya kasi kanina, nagmamadali pa nga kaya umalis agad sa room." Mukhang ako nga, si Peter to e. Sino ba hinahanap ko kanina? Ah! Si Jeeanne. Si Jeeanne?! E deh nandito siya?!

"Ahh. Pero hindi ko siya nakita. Nasa clinic ako nung subject bago maglunch tas dumiretso ako dito." Sh*t! Siya nga. Bakit magkasama itong dalawang to?

"Bakit? Masama pakiramdam mo?" May sakit si Jeeanne?! Kaya siguro nagtext sakin.

"Nope, just the usual. Kunwari masakit ulo ko tas nahihilo para makapagpahinga sa clinic." Buti naman kung ganon, akala ko kung napano ka na. E pero bakit ganon text niya?

"Just the usual? E deh may problema ka?" Aish. Nakakainggit si Peter, bakit alam na alam niya kapag may problema si Jeeanne? TvT

"Ah. E. Haaaay. Ikaw na Peter. Pero okay na naman." Ahh. Buti naman, wala na pala akong dapat ipag-alala.

"Kung okay na yun, hindi ka didiretso dito sa tambayan natin." Tambayan niyo? E deh si Peter nga yung nasa may  signboard? Tapos, si Jeeanne yung Anne? Sakit lang. Akala ko ba wala na tong dalawang to?

"Naman e...... Peter, pwedeng umiyak sa'yo? Kahit ngayon lang ulit?"

Sh*t, sh*t, sh*t! Bakit nandito ako ngayon?! Bakit kailangan kong makitang nakayakap ka sa kanya Peter?! T*ng*n* lang! Teka, kalma ka lang, Daryl. May problema lang si Jeeanne kaya siya niyakap ni Peter. Kung nakita mo siya ng una, ikaw sana kayakap niya ngayon. P*cha! Ako dapat kayakap niya ngayon Peter e! Aish. Makaalis na lang dito. Kakausapin ko na lang si Peter mamaya, ayaw ko ng gulo...

PETER'S POV

"Jee, ayos ka na?" namiss kong yakapin to.

"Yup." Buti naman.

"Ano ba problema mo ngayon kay Eric?"

"Tss. Talagang pag may problema ako, si Eric agad?" e ano pa ba?-.-

"Malamang. Hindi ka na naman naiyak ng ganyan dahil sa magulang mo ha."

"Sabi ko nga po e."

"Oh, ano problema mo?"

"E kasi, kanina nakwento ko kila Izzie na may bestfriends na babae si Eric. Sabi nila baka may ginagawang kababalaghan siya kasama isa sa best friend niya."

"Sus. Wag mong pansinin yung mga yun. Ayaw nung dalawang yun kay Eric kaya hayaan mo na lang yung sinabi nila."

"Hindi naman yun e. Kaya ako pumunta sa clinic, kasi.. k-k-kasi.." Naman, naiyak na naman.

"Tahan na muna, sabihin mo na sakin kung ano yung problema mo."

"Kasi nakipagbreak na sakin si Eric. Peter, iniwan na ako ni Eric." Gago talaga yung lalaking yun.

"Sshhh. Tahan na. Bakit daw ba?" kapag yang dahilan niyang gagong yan ay di matino, hahanapin ko yun masapak lang.

"E kasi hindi na daw niya ako kayang tiisin. Napakaisip bata ko daw. Masyado daw akong alagain. Nakipagbalikan na daw siya sa ex niya. E ginagawa ko naman lahat ng gusto niya, di ba?:(((((" Aish. Jee, tama na pag-iyak.

Wala na akong masabi sa kanya. Dati, gusto kong magbreak sila nung gagong yun. Pero, ngayon, sa nakikita ko, t*ng'n*. Naguiguilty ako. Kahit kailan, hindi ko talaga kayang makitang naiyak si Jee.

JEEANNE'S POV

Wala na kami ni Eric. Iniwan na niya ako. Mas pipiliin daw niya na makasama yung ex niya kaysa sakin. Buti pa si Peter nandito pa din para sakin. Namiss ko yakap niya. Ganto muna sana kami kahit ilang minuto pa...

__________________________________________________________________________________

To Someone's Heart, I Know I BelongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon