TSHIKIB Chapter 13
JEEANNE'S POV
Nag-aalala ako kila Peter at Daryl.-.- Aish. May sayad na ata ako, kaysa maging malungkot ako dahil break na kami ni Eric, mas inaalala ko yung dalawa. Haaaaay. Gusto ko silang makausap. *DING DONG* May tao pang dumating, home alone nga pala ako dito. Sana hindi yun bad guy o ano, pero baka si kuya lang siguro yun. Lakad, lakad, lakad, labas sa pinto, lakad, lakad, lakad, silip. Ah! Sila Daryl at Peter!
"AYOS NA KAYO?!" E kasi nag-aalala ako talaga. Sensya na.-.-"
"Peter, akala ko ba naiyak to dapat?"
"Ewan ko din. Tara alis na pala tayo. Hindi ata dito bahay ni Jeeanne."
"Naman tong dalawang to. Nagtatanong ako tas pinagttripan lang kaysa sagutin." =.=
"Hehe. Joke lang naman. Ineexpect kasi namin nitong si Daryl na naiyak ka ngayon."
"Ahh. E pero dali na, okay na kayo? Pano? Ano bang nangyari?"
"Ang daldal mo, wala ka bang balak papasukin kami bago ka magtanong ng magtanong?" Naman tong si Peter e, ayaw pang sumagot. Daming arte. Psh. Sige na nga, papapasukin ko na tong mga to.
"Ito na po tayo sa loob Mr. Peter, pwede na kayong magkwento?" Aish. Bagal bagal kasi.
"Opo, Ma'am Roxas." Sabay silang sumagot nun tas ayun, nagkwento na din. Kinwento nila na ako gusto nila parehas at ako yung pingtatalunan nila kanina. Ah. Ako pala yung pinagtatalunan nila kanina at yung gusto nila. Wait. Ako yung gusto nila? Ako yung pinagtatalunan nila? Ako?!
"ANO?!" sorry, tagal bago ko bago naabsorb.
"Psh. Parang late reaction ata tong si Jee." Sorry na. -,-
"Pansin mo din pala Peter." Tas nagtawanan yung dalawa.
"Anong nakakatawa, ha?" Hindi ako natatawa kasi hindi ko alam kung pano magrereact, nahihirapan akong iabsorb lahat ng sinabi nila kanina. Aish.
"Taray mo, Best!" E kasi nga ang hirap iabsorb nung mga sinabi niyo.
"Hoy. Anong best? Magbestfriend kayo tas ako ano? Wala lang?" Ewan ko sa'yo.
"Oo nga nu. Yes! Lamang pala ako sa'yo kahit papaano.>:))" mukhang baliw yung dalawa. Tas ako? Wala, di pa din makapaniwala. Hindi ko pa din alam kung paano ako magrereact. Aish. Parang sa wattpad ko lang to nababasa tsaka sa mga manga, pero ngayon nangyayari na sakin. Bahala na nga.
"Babaeng tulala, pwede mo na bang sabihin samin ni Daryl kung bakit ka hindi naiyak? Samantalang iyak ka ng iyak kanina sakin." Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan yun ah. Mmmm. Isip isip......
"Ewan ko. Pakiramdam ko wala na lang yun. Parang nasanay na ata ako kaya isang iyak lang ayos na ako. Pakiramdam ko nga ang baliw ko kasi hindi na ako naiyak." E kasi parang ayos na talaga sakin. Parang dati ko pa hinihintay na magbreak kami. Ah ewan. Ang gulo. Basta parang siya yung hinihintay kong bumitaw kasi alam kong wala na kaming patutunguhan sa relasyon namin.
"Hoy! Hindi ka nga naiyak, tulala ka naman lagi." Sira tong si Daryl. Sigawan daw ba ako sa tenga?
"Hindi ako bingi, okay? Iniisip ko lang kung bakit nga hindi ako naiyak. Tas naisip ko na matagal ko na nga palang alam na wala kaming patutunguhan sa relasyon namin. Kaya lang ako nahawak pa kasi kailangan ko ng tao sa tabi ko na nakakaintindi sakin. Ah basta, ganon yun. Tsaka mas gusto niyo bang umiiyak ako kaya niyo tinatanong kung bakit hindi ako naiyak, ha?"
"Hindi naman sa ganon. Baka sakaling mayakap lang kita ulit pag umiiyak ka ngayon.>:)"
"Siraulo, ako naman dapat yakapin niya. Tapos ka na kanina!"
"ASA naman kayong dalawang may yayakapin ako sa inyo kung naiyak ako ngayon.>:P" Psh. Mukhang naalog isip nitong dalawa gawa ng pag-aaway nila.-.-
"Psh. Oo na lang kahit yakap yakap mo tong si Peter kanina tas akong best friend mo, hindi mo man lang niyayakap." Ah, ewan. Tas biglang....
"Ayos usapan niyo ha. Usapang yakapan.:))" Naman, andito na pala itong si Kuya. Bigla bigla pang naakbay sakin.
"Wag ka nga, kuya. Wag mong pansinin tong mga to. Dun ka na. At paano ka nga pala nakapasok sa bahay, ha?" tinanggal ko yung kamay ni kuya sa balikat ko, bigat kaya.
"Wala ka na dun at tsaka hindi ikaw kinakausap ko, Anne. Di ba, Peter at.. Ah.. Umm. Sino ka nga ba?." Sige kuya, ipahiya mo sarili mo. Yabang yabang mo, hindi mo naman pala kilala.
"Daryl po. Manliligaw ni Jeeanne." What?!
"Anong manliligaw?! Hindi ko naman-mmmmmm" Aish. Kuya! Wag mong takpan bibig ko! Kailangan kong mapagsabihan yang si Daryl!
"Wag mong pansinin si Anne. Kuya nga pala niya ako, Xander name ko." Anong wag ako pansinin?! E ako yung liligawan tas wag ako pansinin?! Wala ka talagang sense kuya!
"Ahh. Hello po kuya." Kuya ka diyan?!
"Kung hindi ka nagpakilala na manliligaw nito, baka inakala ko na sila na ulit ni Peter. Ngayon na lang kasi ulit to naligaw samin." Ewan ko sa'yo kuya. Hmp.
"Ah. E. Hindi po. Manliligaw lang po ako ulit ni Jee." Ikaw din?!
"Ahh. Wag niyong papaiyakin tong batang to ha? Tama ng magulang lang namin ang nagpapaiyak sa kanya." Psh. Sige lang kuya. Kapag ikaw narinig nila mama, patay ako. Haaay.
"Hinding hindi po namin papaiyakin si Jeeanne, pangako po yun." Ge, kayo na sabay. Pero at least pinakawalan na ako ni kuya.-.-
"Anne, pag ikaw pinaiyak ng isa sa dalawang yan, sabihin mo kay Kuya ha?" Ngumiti siya sakin tas ginulo buhok ko at umakyat na sa kwarto niya. Ang sweet talaga ni kuya sakin.
"Akala ko ba si Eric lang yung laging nandyan sa tabi mo? E ano yun?" ah. E. Ewan ko.
"Tas ano ding ginagawa namin dito ni Daryl? Tas andyan pa sila Izzie at Shane." Oo nga, sabi ko nga.
"Oo na po. Pero pakiramdam ko, isa din yun sa dahilan kaya hindi ako naiyak ulit ngayon gawa ng nagbreak na kami ni Eric." Pakiramdam ko lang naman yun ha.
Tas ayun, sinabi nilang wag ko daw isipin na nanliligaw sila o ano. Gusto daw nila normal lang kami. Mas ayos daw sa kanila kung walang ilangan at komportable kami sa isa't isa. E deh sige, normal kung normal. Kaya ang resulta, nagkulitan lang kami hanggang sa umuwi sila. Nag-wii kami tas nagmagic sing din. Ang saya, sayang lang hindi pwede sila Izzie at Shane. Hayaan na, may next time pa naman.
Alam ko dapat malungkot ako ngayon, pero ewan. Basta masaya ako kasi kahit pala wala si Eric may kaibigan ako, may kasama pa din. Masaya ako kasi may mga nagmamahal pa din pala sakin. Aish. Parang nahawa ata ako dun sa dalawa kanina. Para na din akong baliw, nakangiti lang. Excited na akong pumasok bukas tuloy.:"> tara, tulog na tayo..
BINABASA MO ANG
To Someone's Heart, I Know I Belong
SaggisticaKung minsan, hindi yung hinahanap natin ang kailangan talaga natin sa buhay.