TSHIKIB Chapter 17
PETER'S POV
Nandito kaming lahat ngayon nila Izzie, Shane at Daryl sa school. Inaantay lang namin si Jee. Hindi namin siya nakausap kahapon kahit pumunta kami sa kanila. Masyado na siguro kasi kaming naiiyak lahat nun. Oo, pati ako at si Daryl. Hindi masamang umiyak ang isang lalaki, basta hindi lagi.
"Ayan na si Jeeanne. Ano na? Ready na kayo?" Oo naman, Shane. Kagabi pa ako handa.
"Guys, pwede ko ba kayong makausap?" Bungad samin ni Jee. Tumango lang kami lahat. Akala kasi namin hindi kami papansinin nito at kami ang kailangang lumapit.
"Sorry sa inasal ko kahapon. Alam ko mali ako. Alam ko naging masyado akong naging makasarili nitong nakaraan. Puro sarili ko na lang iniisip ko –" Naiyak na si Jeeanne. Iba yung iyak niya ngayon. Hindi 'to dahil kay Eric. Hindi 'to dahil sa pamilya niya. Alam niya na talaga sa sarili niya na nagkamali siya.
"Jee, tama na." Sabi ko sa kanya. Ayaw ko ng umiyak ulit. "Psh. Kahapon pa kami nagddrama, hanggang ngayon pa ba?"
"Tama si Peter, Best." Sang-ayon sakin ni Daryl.
"Kalimutan na lang natin yun. Basta alam na naman natin mga naging mali natin." sunod ni Shane.
"Onga. Tsaka namimiss ko na pagtatalo natin, Jee." Adik talaga ni Izzie.
Tas niyakap niya si Jeeanne, sumunod naman si Shane. E kami kaya ni Daryl, pwedeng maiyakap?
"Group hug!" Sigaw ni Daryl.
"Wag ka na Daryl!" Haha. Ayaw payakap ni Izzie at Shane si Jee sa iba.:))
"Naman e. Kahit ngayon lang, mayakap ko si best." Tas kunwaring naiyak.
"Pre, tama na. Daig na ang bading.:))"
Nagtatawanan na lang kami. Mas ayos yung ganto. Pero masasabi pa kaya namin ni Daryl na totoong gusto namin si Jee? Bahala na. Ang mahalaga ngayon, ayos na tropa namin. Hehe. Tropa na e, nu? Ganon talaga. Kami kami lang rin naman ang magkakasama lagi.
JEEANNE'S POV
Mas ayos talaga na ganto, hindi ko kailangan ng boyfriend. Sila lang ayos na sakin.^^
"Ms. Roxas, are you listening?" Aish. Sorry, Ma'am.
"Yes, Ma'am."
"As I was saying, we need 3 representatives from this class. They will be the one helping the teachers in organizing the seniors' activities such as JS prom, Graduation Ball and scheduling the picture taking for your Graduation Picture. Is there anyone who would like to volunteer?" Psh. Hassle yan ngayong senior year, wala akong balak sumali diyan.-.-
"Ma'am! Me, Shane and Jeeanne will do it." What?!! Ayoko nga e, Izzie naman.-.-
"Then it's settled. Any objections? None? Okay, class dismissed. You may take your lunch now."
Lumapit sakin sila Shane at Izzie.
"Ayos ba? Hehe. Gusto ko talagang mag-organize ng activities natin ngayong last year na natin dito." Excited na sabi ni Izzie.
"Sana hindi mo na ako dinamay." E kasi ayoko talaga.
"Hay nako, Ms. Running-for-Valedictorian. Wag kang tamarin, kasama mo naman kami ni Izzie oh." Fine, sabi ko nga.
"Yo, girls! Wala kayong balak lumabas sa room niyo?" Aish. Ang hyper ni Peter.
"Ito na, ito na." Hatak hatak ako ni Izzie habang sinasabi yun. Ayaw ko talaga. TvT
"Oh? Anong nangyari sa'yo, best?" Ewan ko sa inyo. T.T
"Ayaw kasi niyang masama sa volunteers para sa mag-oorganize ng activities ng seniors, e pero isinama namin siya ni Izzie." Psh. Tatawa-tawa pa 'tong si Shane.
"Kasama din kayo?!" yup, di mo ba narinig? "Kasama din kami ni Peter. :D" Psh. Laki ng ngiti.-.-
"Oh, tapos?" Wala akong paki dun. Ayaw ko talaga.-.-
"Ang mean mo, Jee. Kakabati lang natin, ganyan ka na samin."
"Ang drama mo, Peter.-.-" E, totoo naman kasi.
"Ayos lang yan, Jee. Sama-sama naman tayo e. Dali na, payag ka na. Please?"
"Tss. Fine. No choice na naman ako e."
"Yey!" Tas niyakap ako ni Shane. Sila Izzie, Peter at Daryl naman tuwang tuwa din.-.-
Uwian na, at last. Tas may announcement bigla na lahat ng kasama sa committee, may meeting. Hay. Hassle talaga 'to...-.-
SHANE'S POV
Talagang ayaw ni Jee sa ganto. Anyway, katatapos lang nung meeting. Hindi na maipinta mukha ni Jeeanne tas pinagttripan na tuloy siya nila Daryl at Peter. Napaisip lang ako, gusto kaya talaga nitong dalawa si Jeeanne? Ah, ewan. Tanungin ko na lang sila mamaya.
Pauwi na kami lahat, kami ni Izzie ang magkasabay tas sila Jee, Daryl at Peter naman.
"Ingat kayo sa pag-uwi!" Sigaw ni Jee.
"Kayo din!" Di talaga papatalo itong si Izzie.-.-
PETER'S POV
Nasa bahay na din, ayaw ko din sanang sumali dun. Kaso kasama naman si Jee, kaya ayos lang.>:) Mmm. Magawa na mga lagi kong ginagawa pagkauwi, bukas ng laptop, log-in sa facebook tas tsaka magbibihis. Pagkabihis ko, may nakita akong message sa fb ko..
"May gusto ka pa ba talaga kay Jeeanne?"
____________________________________________________________________________________
BINABASA MO ANG
To Someone's Heart, I Know I Belong
No FicciónKung minsan, hindi yung hinahanap natin ang kailangan talaga natin sa buhay.