Chapter 6 💜

3.4K 28 1
                                    


Dumaan pa ang mga araw, linggo, at buwan na walang Ronny na nagpakita, Walang Ronny na nag paramdam, nag laho na sigurong parang bula.

Well, face the reality. Hindi lahat ng gugustohan mo na, gusto ka pa rin.

Saklap!!!

Nag adjust na rin ako sa Single life ko, nakabalik ako sa dati kong trabaho, tuwing walang ginagawa ang mga kaibigan ko gumigimick kami.
Well, this is what a single persons life. trabaho, tulog, kain, shopping, uminom at mag lasing.

Ganito lang ako sa mga nakaraan na buwan, minsan masaya, minsan nakakamiss din magkaroon ng partner. Nasasanay na rin ako sa ganitong Everyday Routine ko.

Okay na rin siguro yung ganito, walang stress, pero kung sakaling may maligaw ng daan papunta saken, pwes, ede sigee.. Hahahaha! 😂

Im Willing To Forget Everything from my past, I want to renew my life.

I want to stay away to those people who are not good in my mental health, people who dont deserve my time and love.

Matigas na yata ako ngayon.
Natuto na sa mga katangahan ko sa buhay.

Pero minsan sumasagi parin sa isip ko na kamusta na kaya sya?
Ganun nalang ba talaga yun?
Wala ng paramdam?

.
.
.
.
.
Nagising ako sa paulit ulit na ring ng phone ko, tinignan ko ang orasan pasado alas tres palang ng madaling araw, hindi ko na pinansin ang pag riring at natulog ulit ako, makaraan ang ilan pang minuto.

"Diyos kooooo, sino ba to na hindi marunong tumingin sa orasan at nang iisturbo ng ganitong oraaasss!!!!!"

Nasabi ko nalang sa sarili ko habang nakasigaw! Ayaw ko sanang sagutin pero paulit ulit ng nag riring, baka emergency, kinakapa ko ang cellphone ko sa side table ko habang nakapikit.. Dinilat ko ang mga mata ko para tignan ko kung sino ang kanina pa tawag ng tawag pero Unregister number.. Takang taka ko sagutin.

"Yes, who is this?"

Pero walang sumagot..

"SINO TO???"

Pero pinakingan lang yata ang boses ko..

"Putang ina mo, kung ayaw mong sumagot, magpatulog ka!! Wala akong panahon makipag biroan sayo sa gamitong oras, GOOD BYE!!"

Ibababa ko na sana ng biglang may nag salita.

"Rox, I want to see you."

Napabangon ako sa kama ng marinig ang boses nya..

What should I tell him??

Nyetaah naman oh, mag momove on na ako eto nananaman!

Nag paramdam nanaman.

"Ro..ronny?"

"I want to see you Rox"

So ganun nalang yun? After ilang buwan bigla'bigla syang mag paparamdam. Anong akala nya saken?

"Putang ina mo Ronny, Gusto mong mag pakita sa ganitong oras? Pagkatapos ayaw mong mag paramdam ng ilang buwan?? Gago ka ba?"

"Calm down rox, Can you please hear my explanation first?"

"Anong kasinungalingan nanaman yan?"

"Please Rox."

"Wag na, okay na ako, malapit na sana, nag paramdam ka pa ulit, tapos ako naman ang tanga maniniwala nanaman ako, at tapos bigla ka nanamang mawawala"

"Eexplain ko lang yung side ko"

"No way, Good bye!!"

Pinatay ko na ang phone ko, Gagong yun.. Pero kinapa ko ang dibdib ko parang may konting saya akong naramdaman.

Bibigyan ko ba ulit sya ng pag-asa?

Bumangon nalang ako sa higaan ko dahil nawalan na ako ng ganang matulog, kakalabas ko lang ng kwarto ng biglang may lalaking nakaupo sa couch ko..

Ro.ro.Ronny??

Pano to nakapasok dito sa unit ko??

Affair To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon