Chapter 7 💜

3.2K 25 0
                                    


Tinignan kong mabuti kong namamalik mata lang ba ako o imagination ko lang talaga. Binuksan ko yung ilaw para malaman ko kung sya ba talaga o hindi.

It was him. But how come?

Hindi ako makaalis sa harap ng pintuan ng kwarto ko. Nanigas na yata ako!
Tumayo sya sa couch para lumapit sakin, magsasalita pa sana ako pero niyakap na nya ako. Hindi ako umimik, nawala ako sa realidad, iba ang kabog sa aking dibdib.
I hate this kind of feeling, I was supposed to be mad. But damn! I caught myself hugging with him too.
I miss him, I miss him so much.

"Rrroox"

Bumalik lang ang aking diwa ng mag salita sya, tsaka ko na sya pinagsasasampal, hayop na to, babalik kong kailan nya lang gusto at aalis kung kailan nya din gusto.
Pero niyakap nya lang ako hanggang sa mahimasmasan na ako.
"Tangina mo, paano ka nakapasok dito? Buti at hindi ako nag sisisigaw ng magnanakaw!!!!!!"

Pero yumoko lang sya at binitawan ako sa pagkakayakap.
"Pasensya na, hininge ko kay Maine ang code mo"

Abaah! Ang loka lokang yun, may pa tutol tutol pa syang nalalaman ilang buwan ang nakaraan tapos binigay nya na pala ang code ko sa hinayupak na NPA na to. (No Permanent Address)

Inirapan ko lang sya at derideritsu ako papuntang sala tsaka naupo sa sofa, sinundan nya lang ako at umupo sa kabilang sofa.

"What brings you here?"
mahinahon pero pinag diinan kong sabi.

"I want to explain, Please.."

Ayoko ng pahabain pa ang usapan namin, ganun lang din naman yun, Ilang araw iiwan at iiwan nya nanaman ako, Para saan pa! Ako lang naman ang nagmamahal saming dalawa!

"I dont need your explanation, Gusto kong mag kaliwanagan tayo, I just want to have a closure between the two of us. Yes, hindi naging tayo, pero siguro naman alam naman natin na we have a mutual feelings. Una at huli ko na tong sasabihin, Kung aalis ka ulit, wag ka ng mag paalam at wag ka na ring bumalik"

Hindi sya sumagot, Tinignan ko kung ano ang ekspresyon nya sa sinabi ko pero nakatingin lang sya sa suot nyang sapatos at walang imik, hindi ko alam kung anong iniisip nya, gusto ko ng umiyak pero pinipigilan ko lang ang sarili ko, ayokong isipin nya na mahal na mahal ko sya. So, tama nga ako, wala syang pakialam.

"Look, Hindi ko alam kong anong intensyon ng pag punta mo dito, Pero kung trip mo lang magparamdam saken at mangisturbo ng ganitong oras at ayaw mong mag salita, Well, panalo ka na! You may go."

Sinabi ko na yung para hindi na rin ako mapahiya! Puta! Gusto ko ng umiyaaaakkk!!
Tatayo na sana ako ng pigilan nya ang kamay ko..

"Kaya mo ba akong mahalin kahit may asawa na ako? Kaya mo ba akong tanggapin kahit may anak na ako?"

Natigilan ako sa mga tanong nya! Bigla syang lumuhod at yumakap sa bewang ko..

"Mahal na mahal parin kasi kita hanggang ngayon Rox eh, akala ko nakalimutan na kita ng makilala ko si Sam, pero napag isip isip ko na nabaling lang yung pagmamahal ko sakanya kasi nagkaanak kami, I didnt say this because she left me, baka isipin mo rebound ka lang, never rox!"

Hindi ko alam ang sasabihin ko, nagpumiglas ako kasi nasasaktan ako, yung sakit na parang tinutusok ang dibdib ko, tumakbo na akonsa kwarto para umiyak at ilabas ang sakit sa puso ko.

Kaya ko pa ba syang mahalin kahit may asawa na sya at anak?

Ano bang klaseng buhay to!!!

Kailangan ba talagang ipamukha saken??

Hindi ko na mapigilan ang luha ko umiyak na ako ng umiyak!!

Affair To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon