CHAPTER 8 💜

3.1K 30 1
                                    

Pag dating ko sa kwarto kinuha ko ang unan at dumapa sa kama at sinubsob ko ang sarili ko sa unan habang umiiyak.

Hindi ko maintindihan, ayokong manggulo, ayokong manira, pero ayoko syang mawala. Nahihirapan na ako!

Lumapit si Ronny saken.
Hinihila nya ako paharap sakanya.
"Rox, humarap ka saken, kausapin mo ako, ayoko ng tumakbo roxy, gusto ko ng maayos kung ano ang meron tayo."

"Bakit ron, ano ba ang meron tayo?" saad ko. Habang nakadapa parin sa kama.

"Kaya nga natin pag uusapan Rox eh, bumangon ka jan at harapin mo ako."

Hinawakan nya ang ulo ko ng dahan dahan sabay hila sa kamay ko upang humarap sakanya.

Wala akong magawa eh, lentek na puso to, sumasang ayon.

"Rox, nung nawala ako, nag file ako ng annulment, ayoko ng lokohin ang sarili ko." habang hinahawakan nya ang mga pisngi ko.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko, ang alam ko lang ang saya ko, pero mali ba naisipin kong masaya ako?

"Paano ang bata?" sabi ko ng di parin tumitingin sakanya.

"K.kaya mo ba syang Maa.mahalin?" mahinahon nyang sabi.

Kaya ko nga ba? Yes, ofcourse.

"Bata lang sya, wala syang alam sa nangyayari sa mundo, Paano pag nag habol ang asawa mo?"

"perme nya nalang ako kulang rox, malaya na tayo."

Tama ba ang ginagawa ko? naninira ng pamilya?

"Alam ko ang iniisip mo roxy, wala kang sinirang pamilya, si Sam ang sumira sa pamilya namin"

Wow! O.okay!
Tumayo ako sa kama at dinuro duro ko sya.

"Paano kung hindi nya sinira ang pamilya mo? Sa tingin mo, andito ka?"

"Wala kang alam Roxy"

"Anong ibig mong sabihin sa walang alam Ronny?

"Sa tamang panahon Rox, malalaman mo kung gaano kita kamahal, noon hanggang ngayon"

Ano nanamang pakulo yannn??

Affair To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon