Chapter 14

2.8K 20 2
                                    


Nakabalik kami ng Shop na puro kwento lang ni Bunny ang pinapakinggan ko, mas mabuti nalang na ganun kesa mag tanong pa sya ng kung ano tungkol sa nangyari kanina.

"Sige na, mag trabaho na tayo Bun, maya na natin ituloy ang lovestory mo.." sabi ko kaya Bunny habang hawak ko ang doorknob ng opisina ko..

I was always surrounded by people, I was always belonged with them. I didn't realized until he came back, parang ako nalang yata ang nakakalam ng takbo ng mundo ko ngayon, parang ayaw ko ng malaman ng tao kung anong klase meron ang buhay ko ngayon.

Ginagalaw galaw ko ang swivel chair ko pakanan at pakaliwa ng naalala ko ang mga nangyari sa amin ni Ronny noon.

FLASHBACK

"Ronny, wake up. Malelate na tayo sa school" yogyog ko kay Ronny.

"Ayokong pumasok, ang sakit ng ulo ko" sagot nya.

"Pinapasok ako ni tita dito sa room mo para gisingin ka, lasing ka daw kagabi, kasama mo nanaman ang mga barkada mong lasengero at babaero" sabi ko habang nakalagay ang dalaw kamay ko sa bewang.

"Hmmmm, kiss muna para mawala ang hangover ko" paglalambing nya sabay hila nya sa akin sa kama para yakapin at dantayan..

"Ronny, isa, malelate na tayo, ang bigat ng paa mo, bangon na kase"  sinubukan kong tumayo pero mas niyakap pa nya ako..

"I love you, kailan mo ako sasagutin?"

Biglang namula ako sa sinabi nya.

"Your blushing, sagutin mo na kasi ako" ngiting ngiti nya.

Tumayo ako bigla sa kama nya, hindi nya naman ako pinigilan.

"Bahala ka jan sa buhay mo kung ayaw mo, papasok na ako" at inirapan ko na sya.

"Oo na Ms.Sungit, Maliligo na po ako, wait for me downstairs"

Iba talaga ang impact sa akin ng lalaking ito, hayy Ronny konting tiis pa, mapapasayo din ang aking matamis na Oo..

Binagsak ko nalang ang pinto ng kwarto nya para makababa na.

Back to Reality

"Hayy naku, naku, wala naman kami, bakit ko ba kasi iniisip ang sasabihin ng iba, mahal ko lang naman sya pero pwede ko naman e deny yun sa iba, Oo yun na nga ang gagawin ko" Kinakausap ko ang sarili ko habang palingo lingo pa ako.

Bakit ba kasi complikado ang mundo? Noong mga panahong mahal ka pa, nag hanap ka pa ng iba. Ngayon na binalikan ka at mahal nyo parin ang isat'isa, kung saan hindi na pwede. pwede pa bang itama ang nasimulang mali para itama muli?

Affair To RememberTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon