Bago po mag simula ang lahat ay nais ko po munang magpasalamat dahil nagbigay kayo ng oras para buksan at basahin ang kauna-unahang storyang aking isusulat dito sa account ko. Ito po ay boyxboy story at kung ikaw ay isang homophobe, wag ka nalang magpatuloy magbasa hahahahha UWWEEE!!!
Ang isang ito ay walang pinag-gayahan at pawang resulta lamang ng aking malikot at medyo malinis na pag-iisip. Kung ano man ang inyong makikita at mababasang may kapareho sa ibang storya o naganap sa totoong buhay ay isang coincidence lamang. Hindi ko po alam kung magugustuhan nyo ba ang aking storya dahil ako po isang tipikal na teenager na walang magawa sa buhay at buryong na buryong na sa bakasyon nya, isa lamang akong amateur na manunulat at gaya nga po nang nasabi ko kanina ay ito ang unang beses kong magsusulat, so please bear with me guys and let's just enjoy the magic of two men who didn't noticed that they actually found love with each other.
Ang inyong mga komento at hinaing sa buhay ay malugod kong tatanggapin, positive or negative will do dahil ginawa ko lamang ito para maaliw ako at pati narin ang mga magbabasa pa neto. Maraming salamat po :))) To God Be The Glory
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Nandito ako sa isang park para mag-usap daw kame ng honey ko! At eto ako ngaun hinihintay ung kumag! Ang usapan daw 5:30 pero hanggang ngayon wala paren! At bigla nalang tumunog yung cellphone ko!
Fr: Honeymylovesosweet
"Nandito na ako sa may playground. Nasan ka na??" Kahit kanina pa ako nandito?? ano ba yan wala man lang i love you baby ko. Nakakatampo sya huh!
May bigla na lang kuryenteng dumaloy sa loob ng katawan ko na naging dahilan kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Di ko alam kung bakit yung kabilang parte ng utak ko nagsasabing wag na lang akong tumuloy at parang may maling nagyayari. At yung kabila naman na atat na atat makita ung pinakamamahal kong boyfriend!
To: Honeymylovesosweet
"Eto na po:)) nanjan na po in 5mins. see you i love you :*" Tapos hinihintay ko yung reply nya bago ako maglakad papuntang playground pero wala pren.
"Hay nako, feeling ko may surpresa na naman to eh! Kinakabahan ako na na-eexcite!!" Nakangiting bulong ko sa sarili ko habang pinapakalma ang aking katawan sa sobrang excitement at eto na tatapak na ako ng playground.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
"Sino to? ikaw na ba yan Nathan?? Huy sumagot ka naman! Di na ako natutuwa huh!" Mga sinabe nya saken dahil tinakpan ko yung mata nya. Ang ipinagtataka ko parang hindi naman sya masayang makita ako at hindi sya siguradong ako na yung tao. Bakit may iba ba syang hinihintay?? Ay ewan!
"Ganyan mo ba batiin ang pinakamamahal mong boyfriend?? Grabe ka na saken huh?" At inalis ko na ang pagkakatakip ng aking mga kamay sa kanyang mata at hinalikan sya sa pisngi dahil wala namang ibang tao kundi kaming dalawa lang naman. Diba ang sweet namin!
" Ano ba? Nandito tayo para mag-usap. Please Nathan" Ang bigla nyang pag-iwas sa mga halik ko. At ang pinagtataka ko pa hindi na nya binabanggit ung endearment namin sa isa't isa kaya masasabi kong seryoso yung pag-uusapan namin.
" Ok sige na. Namiss lang naman kita. Ano ba yung pag-uusapan naten at mukhang seryoso ang mahal ko?" Sabay lingkis nang mga braso ko sa kanya para magkalapit kame at sinandal ko yung ulo ko sa katawan nya.
BINABASA MO ANG
Using you, Using me (boyxboy)
FanfictionPaano kung ang unang plano mo lang talaga ay gamitin sya dahil nasaktan ka nung unang beses kang magmahal. Ang makapaghiganti ang pumapangibabaw sa puso mo, pero pano kung magback-fire lahat ng ginawa mo? Paano kung ma-fall ka ng dahil sa mga ginawa...